The End of Us - Chapter 8

752 12 0
                                    

Nung naka uwi na si Nathalie galing sa eskwelahan, dali dali siyang pumasok sa kanyang kwarto at nag kulong habang lumuluha ng tahimik dahil ayaw niyang marinig siya ng kanyang tito at tita. Bitbit niya ang kanyang sirang bag at hinagis sa kanyang kama. Hindi rin siya naka tiis at nagdabog siya, hinagis niya ang kanyang mga gamit sa kwarto at umiyak ng umiyak hanggang sa napa sigaw na siya sa sakit na kanyang nararamdaman.

Alam na nung mga tao sa school niya na may gusto siya kay Alex, at totoo naman iyon. Yun nga lang, ang hindi nila alam ay... labis na nasaktan si Nathalie ngayo't alam na rin ito ni Alex. Napahiya rin siya sa harapan ng maraming tao, at higit sa lahat, may balak na siyang mag tapat dito. Nung panahong iyon, hindi rin niya alam na nililigawan na pala ni Alex si Maya. Kaya umaasa pa rin siya, pero mas pinili na lang niya ang umiwas dito dahil ang buong akala niya ay, sila ay maaaring maging mag kaibigan. Pero sinaktan lang siya nito, dahil hindi niya lang ito basta gusto, kundi mahal na niya.

Paano nangyari ng ganun kabilis? Halos anim na buwan na silang nagkikita sa school at maganda ang pakiki tungo sa kanya ni Alex. Minsan nagkaka ngitian sila pag nagkikita sila sa school (dahil hindi sila magkaklase) nagkaka usap, at higit sa lahat, maraming beses na niyang nahawakan ang kamay ni Alex dahil sa acting club.

Ang tanga ko! Sabi niya sa kanyang sarili.

Walang nakakarinig sa kanya dahil wala naman pala ang kanyang tito at tita. Binigay niya ng todo ang kanyang galit na nararamdaman kaya naman naka tulog siya kakaiyak sa sahig.

Nung siya ay nagising, medyo magdidilim na. Naka uniform pa rin siya at mukhang wala pa yung kanyang Tito at Tita. Pagmulat niya ng kanyang mata, ang una niyang nakita at napansin, ay ang kanyang bag na nasa kama. Tumayo siya ng dahan dahan galing sa sahig, at nilapitan ang kanyang bag. Hinalungkat niya ang kanyang mga gamit, at napansing... nawawala ang kanyang diary.

Asan na? Natataranta si Nathalie nung nakita niyang nawawala na ito. Kakacheck niya lang ng bag niya bago siya makaalis ng school. Saan na napunta?

Sa kwarto ni Nathalie, siya ay naupo at kinakapa kapa ang kanyang ulo dahil masakit ang pagkaka sabunot sa kanya ni Bernard. Nagka pasa rin siya sa kanyang isang pisngi dahil nasampal siya nito.

Ngayon, hindi niya alam kung pano niya paniniwalain ang kanyang tita na may sinabi ngang ganun si Alex na magkita sila ulit mamayang gabi. Ni hindi niya nga alam kung anong number ni Alex dahil hindi niya nahingi ito, dahil wala rin naman siyang cellphone. Kung meron man, isang lumang cellphone na may basag na ang screen, at wala naman siyang mga kaibigang kailangang kontakin, kaya... what's the use? Alam din naman nina Cynthia at Bernard na hindi sila matatakasan ni Nathalie kaya hindi nila ito binibigyan ng mas magandang cellphone.

Dati siyang nagtatrabaho sa isang bookstore kung saan, siya ang taga ayos ng mga libro. Sumusweldo siya, pero napupunta lang sa kanyang tita, kaya nung nalamang wala na siyang maibigay sa kanila, pinahinto na lang siya pagtatrabaho at pinilit na ibenta na lang ang kanyang sarili para mas mabilis at mas malaki ang kita.

Nung unang gabi niya sa kalsada noon, nung aksidenteng nagkita sila ni Alex. Gustong gusto na niyang tumakbo noon, kaso baka mapatay siya ng tita niya kaya nag stay na lang siya. Kaya kahit ganon, nagpasalamat na rin siya na nakita siya ni Alex kahit iniiwasan niya ito.

Hindi pa niya pinagkakatiwalaan ng buo si Alex kaya wala rin siyang balak na hingin ang phone number nito kahit nasa isip na niya yun nung magkasama sila. Since natanto niya na, ayaw niyang madamay si Alex, binawi niya ang kanyang sinabi na ilayo siya ni Alex sa mga mapang abusong tao sa buhay niya upang maka bawi sa kasalanan si Alex at mapatawad na siya ni Nathalie; ang babaeng sinaktan at nilinlang ng marami. Pero kung iisipin, mas wala siyang tiwala sa kanyang tito at tita.

Tumayo si Nathalie palayo ng kanyang kama at nag hubad ng damit at kumuha ng tuwalya para maligo.

Pumasok na siya ng banyo at binuksan ang shower. Siya ay nag shampoo muna tsaka nag sabon.

Nung siya ay patapos na, may naramdaman siyang pumasok sa banyo at agad tinakpan ang kanyang bibig habang naka hubo't hubad siya.

Si Bernard, ang asawa ng kanyang tita.

Sa takot ni Nathalie, pumalag siya ng husto. At nung inalis ni Bernard ang kanyang kamay sa bibig ni Nathalie, naka tiyempo siya na sumigaw at mag ingay habang hinihipuan siya nito sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Hanggang sa...

Biglang nawala si Bernard sa harapan niya dahil may humila sa likod nito. Nagulat siya habang hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ni hindi niya naisipang kunin ang tuwalya para takpan ang kanyang katawan na basang basa at naka hubad.

Pinapanood niya ngayon kung ano ang nangyayari. May sumusuntok kay Bernard habang naka higa na siya sa sahig ng banyo. Ni hindi siya makapalag dahil may naka upo sa tiyan ni Bernard habang sinusuntok siya kung sansan hanggang sa nawalan na ito ng malay.

Medyo hindi makita ni Nathalie dahil basa ang kanyang mata.

Pinunasan niya ito ng kamay niya at nakitang... may isang lalaki ang nagtanggol sa kanya. Hindi niya mawari dahil naka talikod ito.

Ng biglang... si Alex pala 'yon.

Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya. Kaya eto, hindi siya maka galaw sa takot at gulat.

Tumayo na si Alex habang naka talikod siya kay Nathalie, at bigla itong humarap na hindi niya alam na naka hubad pala ito.

Nagulat siya at hindi alam kung saan titingin.

Sa tuwa at takot ni Nathalie, napatakbo siya kay Alex at napa yakap dito na walang suot na damit. Hindi na niya inisip kung anong iisipin ni Alex, dahil kung hindi siya dumating, natuluyan nanaman siya ng kanyang tito. Samantala, nakaramdam ng ilang si Alex dahil naka hubad si Nathalie habang medyo nararamdaman niya ang pinagpalang dibdib nito. At hindi rin niya alam kung yayakapin din ba niya si Nathalie. Ang higpit kasi ng pagkakayakap sa kanya nito habang humahagulgol. Kaya sa nakikita niya at sa naririnig niya ngayon, hindi na niya pinairal ang ilang at dahan dahan niyang niyakap si Nathalie.

"Umalis ka na dito... sumama ka na sakin, okay?" Sabi ni Alex habang naka yakap kay Nathalie. "Ilalayo na kita dito." Dagdag pa niya.

Inangat ni Nathalie ang kanyang ulo para tignan at kausapin si Alex. "Pano si tita Cynthia? Pano ka pag sumama 'ko sayo?" Iyak ni Nathalie.

"Mas gugustuhin ko na ako na lang ang mapahamak... kaysa ikaw." Sagot ni Alex na tila ba parang bumabalik ang alaala niya sa mga linyang binabato nila noon sa isa't isa sa acting club, ngunit may linya silang sinusunod.

Ramdam ni Nathalie ang sinseridad ni Alex, kaya mas pipiliin niya na talagang sumama dito. Hindi na rin naman niya kaya pang tiisin ang pang aalipusta at pagsasamantala sa kanya.

Sa sinabi ni Alex, mas lalong hinigpitan ni Nathalie ang yakap dito at napa iyak ulit.

Habang magka yakap pa rin si Nathalie at Alex, inabot ni Alex yung tuwalya at pinatong sa likod ni Nathalie hanggang sa mabalutan na ang kanyang buong katawan.


----------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon