Minahal mo ba 'ko ng husto? Kahit na ang alam ko lang sa aking sarili ay ang aking reputasyon? Ninais kong ipakita sayo kung ano ang totoo, ngunit hindi ko masabi ng buo. Bakit ako labis na nasasaktan sa tuwing nakikita kitang naka ngiti? Kahit na alam kong pilit lang yun. Hindi ba kita mahal ng husto? Sa palagay ko, maka sarili ang tawag sakin. Isa 'kong hangal at duwag, pero ikaw ang nilalaman ng puso't isipan ko. Sana ganito na lang lagi, ang magkasama tayo. Sana hindi ko nagawa ang bagay na alam kong pagsisisihan ko ng buong buhay. Kung alam ko lang na gusto kitang makasama ng habang buhay at kung alam ko lang na hindi ko kakayanin ang mawala ka, sana binuksan ko ang isipan ko nung una pa lang para sayo. Ika'y nasaktan ng dahil sakin. Pero, wala akong pinagsisisihan na tayo'y namatay ng mag katabi. Wala akong pinagsisisihan na ika'y naging akin, na nakuha ko rin ang matagal nang sigaw ng puso ko. Ikaw na 'yon, ikaw na 'yon at sigurado na 'ko.
Kaya naman, hanggang dito, kahit saan at kahit kailan, magkasama tayong dalawa... until the end of us.
To: Nathalie
Fr: Alex
----------------------------------------------------------------------------
THE END.
Thank you.
- Ionni Grace
BINABASA MO ANG
The End of Us
RomanceNag bulag-bulagan siya kaya kahit kailan, hindi siya natahimik hangga't hindi siya nakaka bawi sa mga nagawa niyang kasalanan noon. Kanino? Sa isang tao laban sa marami. Sino ang mananalo? Kung magiging patas ang laban, hindi ito maganda para sa tao...