The End of Us - Chapter 16

563 10 0
                                    

Nakatulog si Nathalie dahil sa pagod. Mahigpit pa rin ang yakap sa kanya ni Alex hanggang sa nakita niyang nakatulog nga ito at dahan dahan niyang niluwagan ang kanyang yakap. Hinila niya yung comforter sa sahig habang naka upo silang pareho at inalalayan ang natutulog na si Nathalie na makahiga ng maayos sa kanyang higaan. Pinatong niya ang ulo nito sa unan at kinumutan.

Pagtapos niyang gawin 'yon kay Nathalie, tumayo siya at tinitigan ito habang natutulog. At dun maraming nag flashback sa kanya... ang lahat lahat ng pangyayari simula nung bago pa sila nagkakilala hanggang sa parang sasabog na siya, at hindi niya napigilan ang lumuha.

Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Sabi niya sa kanyang isip habang naglalakad palabas ng kwarto ni Nathalie.

Pagsara niya nung pintuan, pumunta siya ng sala at umupo ng sofa... at doon binuhos lahat ng kanyang iyak.

Humagulgol siya ng humagulgol at sinabing, "I'm so sorry..."

"I'm so sorry... I'm sorry." Iyak pa niya.

I feel so guilty. Ang tanga ko! Sabi niya sa kanyang isip.

Sa sobrang gigil niya sa kanyang sarili, sinuntok niya ang kanyang sarili sa mukha at tumayo para suntukin din ang pader.

Malakas ang pagkaka suntok niya sa pader, pero mukhang hindi nasaktan ang kanyang kanang kamao kahit na dumugo ito.

Sisiguraduhin kong makaka bawi ako. Sabi ni Alex ulit sa kanyang sariling pag-iisip.

Heidi Street

Mayayaman ang mga naka tira dito sa Heidi Street, at isa na dun ay sina Maya at ang mga nag ampon sa kanya. Pati na rin si Vernon na kasa-kasama nila sa bahay. Pareho silang wala pang pamilya, kaya nagsama-sama na lang muna sila hangga't hindi pa sila nagkakanya-kanya.

Ang buong akala nilang lahat, si Maya at Alex na ang magkakatuluyan. Pero naghiwalay sila after ng graduation nila sa college. Matagal tagal rin ang kanilang naging relasyon, pero nauwi sa wala dahil nakipag break si Maya kay Alex. Bakit? Dahil nung college lang niya nalaman ang ginawa nila kay Nathalie, at natakot siya sa sarili niyang pinsan at boyfriend nung mga panahong 'yon. Pero matapos ang isang taon, nagka-ayos na silang dalawa ni Alex, pero si Vernon at Alex ay hindi na talaga nag-usap simula nung iwasan ni Alex ito, pati na rin si Brent at yung iba na umapi kay Nathalie nung high school.

Nung nagawa niya yun, feeling niya, nakawala siya... kahit papano. Yun nga lang, may konting sisi dahil, sana matagal na niyang nagawa ito.

Sa bahay nina Maya at Vernon, may malaking swimming pool kung saan halos araw araw silang nandun. Madalas kasama nila ang kanilang mga mayayamang kaibigan, lalo na 'tong Si Vernon na halos isang batalyon ang dala dala sa tuwing may party sa kanilang bahay. Madalas ding pumupunta sa kanila si Brent pati na rin yung iba pa nilang high school friends. May isa nga lang na nawala sa kanila, at wala nang iba kundi si Alex.

"Naka usap mo na ba si Alex tungkol sa journalist niya?" Tanong ni Vernon kay Maya habang nasa swimming pool sila.

"Yes. And you know what? Parang hindi siya yung kausap ko."

"Huh? Pano?"

"Hayaan mo na nga."

"Tell me... para naman mabanatan lang yun."

"Vernon, kahit inis ako sa kanya ngayon, it doesn't mean na babanatan mo na siya or something. "

"Nakaka badtrip kasi eh--" Napahinto si Vernon dahil narealize niya na kailangan niyang mag-ingat sa mga sasabihin niya para hindi na maungkat yung dati.

Ang dapat na sasabihin kasi niya ay, "nakaka badtrip kasi eh, ng dahil kay Nathalie, iniwasan na niya kami."

Kung natuloy niyang sabihin yun, isa lang ang ibig sabihin nun. Aminado talaga siyang, ginahasa niya si Nathalie at may tendency na matakot ulit si Maya sa kanya, kaya naman may lakas siyang ibahin na lang ang usapan.

"Alam mo... let me get something to drink." Sabi ni Vernon at sabay umallis na ito sa swimming pool.

Tumango si Maya at napa isip nanaman tungkol kay Nathalie. Ng dahil dun, gusto niyang makita ulit si Nathalie at malaman kung kamusta na siya or buhay pa ba ito pagtapos ng lahat. Samantala, alam din ni Maya na hindi magagawa ni Alex ang ganung bagay kay Nathalie kahit na siya yung nakipag hiwalay dito, dahil nung first time nila ni Alex, ay nung first year college sila. Nangyari ito sa dorm ni Alex, at kahit ganun pa, sinabi ni Alex na pwede naman niyang ihinto kung hindi pa niya kaya. Kahit na tumingin ka lang sa mga mata ni Alex, alam mo na hindi ito yung tipo na kayang gumawa ng kalokohan basta basta. Yun nga lang, naunahan siya ng takot noon, kaya naging masama ang tingin sa kanya ng iba. At yung iba na yun, ay si Nathalie.


------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon