The End of Us - Chapter 29

557 9 1
                                    

Matapos na hindi naabutan ni Alan si Nathalie sa bahay kung saan siya ay huling iniwan, naisipan niyang tumawag ng mga kaibigan na maaaring maka tulong sa kanya para mahanap ang nawawala niyang anak.

"Selmo... ako 'to si Alan. Kailangan ko ng tulong mo."

"Alan? Anong klaseng tulong?"

"Nawawala si Nathalie... yung anak ko na naiwan dito sa Pinas."

"Sige, ako nang bahala."

"Salamat, Selmo. Balitaan mo 'ko."

Pagtapos nilang mag usap, nag sindi ng sigarilyo si Alan dahil sa stress na kanyang nararamdaman. Feeling rin niya tuloy, lahat ay kasalanan niya kung bakit nagkakaganito ang kanyang anak. Konti na lang rin, mukhang magagawa nanaman niya ang ayaw na niyang gawin... ang pumatay ng tao.

Reunion (Carson Hotel)

"Nathalie, ibaba mo 'yang baril." Sabi ni Alex na nag aalala. Ngunit hindi siya pinapakinggan nito dahil sa isa lang siya naka tutok ngayon.

"Nathalie." Tawag ni Alex ulit.

Samantala, hindi talaga binababa ni Nathalie ang baril na naka tutok sa mukha ni Vernon. Hindi rin nila akalain lalo na si Alex na magagawa ni Nathalie ang ganitong bagay. Ni wala ring alam si Alex sa ganitong uri ng plano niya at isa pa, parang pamilyar ang baril na hawak niya.

Ang baril na yun ay baril ni Alex na matagal nang naka tago sa kwartong binigay niya kay Nathalie. Ito ay naka lagay sa isang drawer sa cabinet at naka lock ito. Ito ang drawer na dating hindi mabuksan ni Nathalie nung naglilinis siya. Nung nalaman niyang nakay Alex lang pala ang kanyang diary at nung nagwala siya at nung iniwan siya ni Alex sa kwartong yun; sa kanyang paggising, una niyang nakita ay ang cabinet na yun at sumagi sa isipan niya kung paano mabubuksan ang drawer na yun dahil gusto pa niyang malaman kung may tinatago pa si Alex sa kanya.

Nung mabuksan niya ito, nagulat siya at balak itago ang baril para sa kanyang sarili, ngunit di niya ito hinawakan, kundi tinitigan lang habang marami ang tumatakbo sa isipan niya na maaaring gawin dito. Nakita rin niya na may isang kahon ng bala sa tabi nito at dun na siya mas lalo pang nagka interes sa baril.

Pano niya nabuksan? Pinambukas niya ang kanyang hairpin. Simula nung makita niya ang baril na yun, hindi siya makatulog, ni hindi siya makakain dahil meron siyang gustong gawin dito. Hindi naman dapat niya pakikielaman yun, kung hindi lang sana nag reunion.

Kahit pa na malaki ang galit ni Alex kay Vernon, tinatakpan niya ito para hindi siya makita ni Nathalie.

Hanggang sa... "Alex. I'm sorry." Iyak ni Nathalie.

"Nathalie, wag. Pag usapan natin 'to." Sagot ni Alex.

"Huli na. Huli na ang lahat."

"Hindi pa huli ang lahat. Ibaba mo 'yang baril."

"Salamat sa lahat. Pero matagal ko nang gustong gawin 'to."

"Wag mong gagawin 'to Nathalie."

Sa kaba ni Maya, di niya napigilan ang lapitan si Nathalie para makiusap.

"Nathalie, it's me... Maya. Your old friend. You don't have to do this. Please."

Kahit na ganun pa ang sinabi ni Maya para palubagin ang loob ni Nathalie, hindi pa rin maalis ang tingin ni Nathalie kay Vernon habang naka tutok pa rin ang baril sa kanya kahit na nasa likod ni Alex si Vernon.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon