The End of Us - Chapter 10

724 10 0
                                    

Hindi lang yun yung huling beses sinaktan ni Alex si Nathalie.

Lunes nanaman, kaya pasok ulit... at ang ibig sabihin nun ay, bagong kalbaryo nanaman ito para kay Nathalie. Ayaw niyang pumasok dahil hindi niya alam kung anong magiging bungad sa kanya ng mga tao sa eskwelahan, lalo na't alam na nila ang kanyang sikreto.

Hirap na hirap siyang lumabas ng pintuan ng bahay nila, dahil hindi niya alam kung tutuloy ba siya o hindi.

Ang kanyang final na desisyon... ay ang wag tumuloy.

Siya ay naka uniform kahit na hindi siya papasok ng school, kundi sa iba na lang muna siya pupunta. Dumiretso siya sa isang bookstore at tumingin ng mga libro ni Shakespeare na Romeo and Juliet. Habang hawak niya ito at naka titig sa cover ng libro, nanggigigil siya sa galit na nararamdaman niya ulit. Sa inis niya dahil may naaalala siya sa librong hawak niya, hinagis niya ito sa bookshelf kung saan niya kinuha. Samantala, napatingin yung matandang babaeng tumitingin din ng libro na nasa likod niya at nagtataka kung anong ginagawa ni Nathalie. Napatingin din siya sa matandang babae na nakatingin sa kanya at umalis na lang siya agad.

Paglabas niya ng bookstore, may nakita siyang babae at lalaki na magka holding hands. Mukhang mga kasing edad lang niya, kaya mas lalo siyang nalungkot. Bakit lagi na lang akong minamalas? Lagi na lang akong may naaalala. Sabi niya sa kanyang sariling pag iisip.

Sinundan niya yung magka holding hands, at nung nag side view silang dalawa dahil nagtinginan sila, nagulat siya sa kanyang nakita.

Si Maya at Alex, mga hindi naka uniform, naka civilian sila. At mukhang hindi sila nag cutting.

Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa nila dito? Tanong ni Nathalie sa kanyang sarili as if na may relasyon sila ni Alex.

Yung mga panahong iyon, nag decide si Alex at Maya na wag pumasok, dahil sinagot na siya ni Maya nung linggo lang. Hindi rin pina alam ni Alex sa mga kaibigan niya ang kanilang plano habang alam na nila ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Maya. Sa katunayan, mabait ang mga kaibigan ni Alex kay Maya, dahil mayaman siya, maganda, matalino, maraming pa-party, maraming magagandang kaibigan, at higit sa lahat, habulin talaga siya ng mga lalaki. Isa pa, pinsan niya ang isa sa mga kaibigan ni Alex. Ano bang nagustuhan ni Alex kay Maya? Ano bang meron si Maya na wala si Nathalie?

Sa kabilang banda, hindi nila napapansin si Nathalie na nasa likod lang nila. Sobrang nasaktan si Nathalie sa kanyang nakita, hindi siya makagalaw. Hanggang sa... tuluyan na siyang nakita nung dalawa dahil may napansin silang naka tingin sa kanila pagka side view nilang dalawa.

"Nathalie?" Tanong ni Maya. Si Alex naman, ay hindi makapag salita, dahil alam niyang may gusto ito sa kanya at pinahiya niya ito sa harap ng maraming tao. Yan tuloy, mas maraming tao na ang may ayaw kay Nathalie.

Sa nakita ni Nathalie, para siyang sinampal ng kaliwa't kanan, at sa mga tingin ni Alex sa kanya, parang may gusto itong sabihin, kaso mukhang natatakot siya kay Maya. Bakit? Hindi pa kasi niya alam na alam na ni Maya ang lahat. Gusto man pigilin ni Nathalie ang kanyang nararamdamang galit, selos at lungkot, hindi niya napigilan ang umiyak sa harapan nila. At sa hiya niya ulit, napatakbo siya.

"Nathalie!" Tawag ni Maya sa kanya habang tumatakbo siya palayo. Si Alex, ay walang nasabi kahit isang salita.

Sa condo ni Alex ngayon, hindi niya ulit alam ang gagawin lalo na't kasama niya ulit si Nathalie. Hindi alam ni Alex kung anong ihahain niya kay Nathalie dahil hindi nga siya marunong mag luto. Nahihiya naman siyang tawagin si Nathalie para utusang magluto. Pero... pano na yan? Baka gutom na si Nathalie. May dumagdag pang iisipin ulit kaya mas lalo siyang kinakabahan.

"Think, think, think..." Bulong ni Alex sa kanyang sarili habang palakad lakad siya sa kusina. Ngunit hindi ito dahil natataranta siya kung anong ihahain niya, ito ay dahil sa kanyang nagawa kay Bernard. Hindi niya alam kung buhay pa ba yun o patay na. Kasama sa kanyang taranta ay ang, nangyayari ngayon sa kanyang buhay simula nung nagkita ulit sila ni Nathalie. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman. Mas lalo pa siyang naging busy at mas dumami pa ang kanyang mga iniisip dahil dumating ulit si Nathalie sa kanyang buhay. Simula nung nagkakilala sila nung high school, parang obligado na lagi si Alex na huwag manakit ng damdamin ng iba, lalo na si Nathalie na ayaw ng lahat. Tama naman yun, ang wag manakit ng damdamin ng iba lalo na't pag wala naman itong ginagawang masama sayo. Kaso, mas nag doble pa ang ingat niya simula nung pinagkatuwaan sila ng mga dati niyang kaibigan kay Nathalie. Kung hindi dahil dun, edi sana hindi sila magkakilala ni Nathalie. At matapos ng mga pangyayari noon sa high school, maraming pinagsisihan at natutunan si Alex, at nangakong hindi na niya uulitin ang lahat ng nagawa niyang mali. Isa sa mga pinangako niya noon... ay pag nagkita sila ni Nathalie ulit, gagawa siya ng paraan para mapatawad siya nito.

Ano bang pwede 'kong gawin para maayos na ang lahat? Tanong niya sa sarili niyang pag iisip, ng biglang pumasok si Nathalie sa kanyang kusina.

"Nathalie." Sabi ni Alex na medyo gulat.

"May maitutulong ba 'ko?" Tanong ni Nathalie.

"Ah... wala... wala naman. Magpahinga ka na lang. Hayaan mo na lang muna 'ko."

Hindi nagsalita si Nathalie sa sinabi ni Alex, at hindi rin siya umalis para pumunta ng kanyang kwarto, kundi lumakad pa siya ng konti palapit sa kanya.

"Alam kong... hindi mo maintindihan ang nangyayari ngayon... ako rin naman, kaso... ikaw lang ang meron ako ngayon, kaya sana... kung ano man ang problema, pwede mo namang sabihin sakin. Baka may magawa ako." Sabi ni Nathalie.

"Wala Nathalie... wala kang gagawin. Hayaan mo 'kong tulungan ka... hayaan mo 'kong maka bawi sa mga nagawa ko noon sayo."

Napalunok si Nathalie at nagsalita, "alam ko... gusto mong bumawi, pero, hindi mo na kailangang gawin yun dahil, nangyari na ang nangyari. I'm sorry... pero nasaktan mo 'ko noon. At ngayon, hayaan mong subukan kong maibalik ang buong tiwala ko sayo... yun ay kung hahayaan mo 'kong tulungan ka."

Napa isip si Alex, at natantong, tama siya.

"Sige... sige... I'll let you help me. Basta... ipangako mo sakin na... patatawarin mo 'ko?"

"Napatawad naman na kita, pero hindi pa ganun kalalim ang tiwalang nararamdaman ko para sayo."

"Naiintindihan ko. Kaya sana... maging mag kaibigan tayo? Or... kung ayos lang sayo..." Huminto si Alex sa pagsasalita hanggang sa: "We can be more than that."

Kumabog ang dibdib ni Nathalie at hindi alam ang kanyang isasagot sa sinabi ni Alex.

Tumalikod si Alex sa hiya niya kay Nathalie at sinabing: "I-I'm sorry."

Ngunit sa pag harap niya, tumango si Nathalie at ngumiti ng konti.


--------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon