The End of Us - Chapter 19

628 12 0
                                    

May reunion na gaganapin sa isang hotel malapit sa kung saan nagtatrabaho si Alex. Hindi niya alam kung talagang "required" ang lahat pumunta. Dahil para sa kanya, ang meaning ng everyone ay lahat lahat ng mga ka-batch nila, at malamang, kasama dapat si Nathalie dun. Napapaisip din siya kung talagang gusto niya ang sumama sa kanila, pero pano na siya pag nagkita kita silang lahat ulit nina Vernon at Brent?

Matapos din ng kanyang ginawa kina Vernon at Brent, para siyang nakahinga ng maluwag. Just as long na hindi nila alam na siya ang may gawa nun. Nagiguilty man siya sa kanyang ginawa sa mga dati niyang kaibigan, pero mas naguilty siya sa nagawa niya kay Nathalie. Hindi siya matahimik hangga't sa hindi napapanatag ang kanyang loob.

Kahit na alam ni Alex na mali ang kanyang ginagawa, paninindigan na niya ito at wala nang urungan. Sa ginagawa niya, maaari siyang kasuhan. Pero bale wala na ang lahat ng yun para sa kanya. Dahil una sa lahat, totoo naman.

Sa ganitong klase ng pag-iisip ni Alex, talagang naging matapang na siya at hindi na siya aatras pang muli kahit ano pang sabihin ng ibang tao sa kanya. Handa na rin siya kung sakaling mabuking na siya nga ang may gawa nito kina Vernon at Brent. Sinira ni Alex ang buhay nila ngayon, at mas sisirain pa niya ito.

May mga bahagi na nakakapagtaka kay Alex. Bakit ba niya ginagawa ang mga bagay na 'to? At kung bakit siya ganito kaganado at katapang gumawa ng bagay na hindi maganda laban sa kanyang kapwa? Lalo na't, dati niya itong mga kaibigan.

Sinisira niya ang mga buhay nila dahil ba para maipag higanti si Nathalie? O baka ginagawa lang niya ito para sa kanya lang at para hindi na maguluhan ang kanyang isip ng dahil sa mapait niyang nakaraan? Kung isiipin, wala pa yung pait na naranasan niya noon sa naranasan ni Nathalie. Kaya naman, nung sumagi sa isipan niya ulit si Nathalie, nagtataka siya dahil hindi pa ito lumalabas ng kwarto niya.

Tumayo siya palayo ng kanyang computer at pumunta sa tapat ng kwarto ni Nathalie.

Hindi na siya nag dalawang isip, nagtry siyang katukin ito ng ilang beses hanggang sa naisipan na lang niyang ikutin ang door knob ng pintuan ni Nathalie, dahil hindi siya sumasagot.

"Nathalie." Tawag ni Alex habang dahan dahan niyang binubuksan ang pintuan nito. Nung medyo nakapasok na siya, nadiliman siya sa kanyang paligid kaya naman binuksan niya agad yung ilaw. At pagbukas nung ilaw, napansin niyang wala ito sa kwarto niya at iniwan ni Nathalie ang kwarto na magulo. Yung eksaktong gulo nung nag wala siya sa harapan ni Alex.

Nag-alala ng husto si Alex, at mas lalo pa siyang nag-alala dahil hindi niya alam kung pano ito kokontakin dahil walang cellphone si Nathalie.

Pambihira. Sabi ni Alex sa sarili niya habang umiiling sa alala.

Ito na ba yung karma ko pagtapos ng ginawa ko kina Vernon at Brent? Kung ito ang karma ko na hindi na kami magkikitang muli ni Nathalie... ibig sabihin, may posibilidad na maging kami? Naisip ni Alex ito dahil gustong gusto na niyang makita at maka-usap si Nathalie ulit.

Bakit din kaya niya naisip ang bagay na yun? Ibig bang sabihin, may nararamdaman na siya para kay Nathalie?

Si Nathalie kaya?

Asan ka na? Hindi makapag isip ng diretso si Alex dahil hindi niya alam kung saan niya pwedeng hanapin si Nathalie. Alangan namang bumalik siya sa tito at tita niya.

Imposible. Sabi ulit ni Alex sa sarili niya.

Naglakad lakad siya sa loob ng condo niya kakaisip at hindi namamalayang... biglang lumitaw si Nathalie.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon