The End of Us - The Last Chapter - Part 2

684 9 2
                                    

One Week Later

Sa ginawa ni Nathalie, kahit pa na gustohin ni Alan na bigyan ng magandang hihigaan si Nathalie, natanto niya na mukhang hindi ito makaka buti, kaya nag decide siya na icremate na lang ito at itabi ang abo.

Sa kabilang palad, ang desisyon naman ng pamilya ni Alex ay bigyan talaga siya ng magandang libingan kung saan marami ang pwedeng pumunta. Bago ang libing ni Alex, pumunta siya sa condo nito ng siya lang ang mag isa.

Meron siyang susi na matagal nang binigay sa kanya ni Alex dahil pwede siyang pumunta sa condo niya anytime. Pero minsan lang niya bisitahin si Alex.

Nag dahan dahan sa pagpasok si Gilbert sa condo ni Alex dahil dahan dahan din niyang sinasariwa ang mga alaalang naiwan ni Alex dito nung nabubuhay pa siya. Mga frames na naka sabit sa dingding, yung carpet, yung mga sapatos niya na naka hilera ng maayos malapit sa entrance, mga diyaryo, maliit na halaman na nasa gitna ng lamesa niya sa sala, yung paborito niyang sofa, pati na rin ang kusina niyang bihira magamit.

Nag lakad siya ng nag lakad hanggang sa makarating siya sa maliit na opisina ni Alex at umupo siya sa upuan nito at hinaplos ang arm rest. Samantala, ang ayos ng mesa ni Alex ay hindi nagbago. Ito pa rin yung eksaktong posisyon ng mga gamit niya nung huling iwan niya ito.

May hinahalungkat si Gilbert sa desk ni Alex hanggang sa naghanap hanap na rin siya sa mga drawers ng biglang: "Ano 'to?" Tanong ni Gilbert sa sarili niya habang may nilalabas siyang isang envelope na nakita niya na mukhang may importanteng files sa loob.

Lumingon siya sa paligid niya bago niya ito buksan... as if na andun lang si Alex. At sa pagkuha niya nung envelope, nagulat siya sa naka sulat sa likod nito. Isang malaking sulat na parang pinapamukha sa kanya na buksan na niya ito sa lalong madaling panahon.

'SCRIPTS OF THE END OF US'

Hindi na nakapag hintay si Gilbert at agad na niya itong binuksan, dahil anong klaseng script ito? Hindi naman artista si Alex, hindi rin naman siya isang scriptwriter. Isa siyang editor in chief. So anong script kaya 'to?

Pagbukas niya. Naka stapler ang mga papel at nabasa niya ang front cover na may naka sulat na:

THE END OF US

By: Alexander Buencamino and Nathalie Anne Cortez

4th YEAR (Acting Club)

Matagal na silang magkakilala? Sa isip isip niya. Siya nga ang tinutukoy ni Alex na ka-schoolmate daw niya.

Nagsimula si Gilbert sa unang pahina na kasunod nung cover at nakitang mga script nga ito ng istoryang ginawa nila ni Nathalie noon. Binasa niya ng binasa hanggang sa may nakita siyang nagpaluha ulit sa kanya.


NATHALIE: Anong nakaka baliw na bagay ang maaari mong gawin para sa taong minamahal mo?

ALEX: Abutin ang mga tala?

NATHALIE: Yun ay imposible.

ALEX: Pero nakaka baliw. Hindi ba?

NATHALIE: Anong bagay naman ang maaari mong gawin kapag nawala na 'ko?

ALEX: Ang sumunod sayo.

NATHALIE: Anong ibig mong sabihin?

ALEX: Hanggang kamatayan, tayo pa rin ang magkakilala. Kahit hanggang sa huling hininga ko, ikaw pa rin ang gusto kong makita.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon