The End of Us - Chapter 18

583 9 0
                                    

Oras na para harapin ni Vernon si Alex at ayusin ang lahat. Pero gusto ba niyang makipag ayos talaga kay Alex? Mas lalong hindi pa matanggap ni Vernon na matapang na si Alex ngayon, kaya naman nagtataka siya kung saan yun nanggagaling. Kasi dati, para lang isang tuta si Alex na sunod-sunoran at walang kibo. Yung tipo ng lalaki na hindi makabasag-pinggan.

Sa sobrang lito ni Vernon, palakad lakad lang siya sa kanyang kwarto hanggang sa napa upo siya sa kanyang kama at sinilip ang kanyang cellphone.

Meron siyang missed call from Maya. Kaya naman agad siyang nag call back.

Pagsagot ni Maya, ang bukang bibig niya agad ay si Alex. Kaya mas lalo pang nag-init ang tenga ni Vernon nung marinig niya ang pangalan ng dati niyang kaibigan na akala niya hindi siya iiwan at lalabanan.

"I told Alex to think about it. But he's so stubborn... and I hate it!" Sabi ni Maya sa kabilang linya.

"Sa tingin ko, kailangan ng leksyon niyan."

"Anong klaseng leksyon? Don't tell me you're back with Brent to do something? Vernon... I swear to God--" Napahinto si Maya.

"Wag ka mag-alala, I'll be smooth."

"Smooth? I'm not sure, Vernon. Ikaw? Magiging smooth kay Alex pagtapos ng ginawa niya sa inyo ni Brent?"

Tinaas ni Vernon ang dalawang balikat niya na tila ba parang magka-usap sila ni Maya ng personal. Sa tanong ni Maya, hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil ang totoo niyan ay, gusto na niyang makipag ayos kay Alex.

Kay Nathalie kaya? Naisip ba niya si Nathalie sa tuwing naiisip niyang makipag ayos kay Alex? Inamin ba niya ang kanyang ginawa noon sa kawawang babae na ayaw ng marami? Pano kaya pag nabanggit ang pangalan ni Nathalie? Ano nang mangyayari kay Vernon? Anong gagawin niya pag narinig niya ulit ang pangalang Nathalie, o pag nagkita sila? Ano nang mangyayari lalo kapag nalaman niyang nagkita na si Alex at Nathalie na halos nagkaka mabutihan na? Ayaw niyang isipin na nakalaya na si Alex sa kanila, dahil ang buong alam at akala niya ay, kaya niya lang ito pasunurin sa lahat ng iuutos niya. Pero nagkamali siya. Nagkamali silang lahat, lalo na siya at si Brent.

"Hindi ko alam, Maya. Hindi ko alam." Yun na lang ang nasagot ni Vernon kay Maya na pinsan niya. Ang pinsan niya na kayang siyang pagtakpan kahit saan at kahit kailan. Pero kay Alex, hindi niya kayang pagtakpan ang nagawa ng kanyang pinsan kay Nathalie. Alam din naman ni Maya na iba mag-isip si Vernon kumpara kay Alex. Minsan nga, natatakot siya sa sarili niyang pinsan at mas lalo siyang nakaramdam ng takot nung bago palang niya nalaman na may ginawa si Vernon at Brent na hindi maganda kay Nathalie.

Napatunayan din naman ni Alex na hindi siya nakisali sa ginawa nila kay Nathalie, pero sa tuwing sinasabi at pinaglalaban niya yun, ang laging sinasabi ni Vernon kay Alex ay "don't act like you're not there." Isa pa yun sa dahilan na nagpapagalit kay Alex sa tuwing naaalala niya yung sinabi ni Vernon na yun sa kanya, kaya mas minabuti na rin niya ang umiwas dito.

Pagtapos nilang mag-usap sa cellphone, hinagis niya ang kanyang telepono sa kanyang kama na tumalbog sa unan. Napansin rin niya na may tumunog na galing sa kanyang naka bukas na computer at agad naman niya itong nilapitan at sinilip kung ano yun.

May message siya sa kanyang e-mail.

Nung makita niya ang isang notification, agad na niya itong binuksan at nagulat sa kanyang nakita... hanggang sa parami na ng parami ang kanyang nakukuhang message galing sa ibang tao, at lahat yun, mga nakaka kilala sa kanya.

"Oh my gosh, Vernon. Is this true?" Tanong ng isang kaibigan niya na babae na si Catherine.

"Vernon, why?" Tanong naman ni Glen na isa sa mga kaibigan niya na nakaka kilala sa kanya.

"Alam kong hindi mo kaya gawin 'to. Right?" Tanong naman ni Justin.

"Nalulungkot ako dahil sa ganitong klase ng balita. Sino yung girl? Is that her real name, Vernon?"

Bakit sila nagtatanong sakin ng ganito? Tanong ni Vernon sa kanyang sarili habang parang hindi na siya maka hinga sa kanyang mga nababasa. Mas lalo pa nung makita niya ito...

Vernon G. Alejandro is a Rapist.

Nung nabasa niya yun, dinig na dinig niya ang tibok ng kanyang puso dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. At higit sa lahat, hindi niya alam kung sino ang may gawa nito.

Isang article ito na naka blog sa isang website at kinalat sa mga social medias. Ito ay isang balita na sila sila lang ang nakakaalam. Vernon, Brent, Alex, Maya, at siyempre, si Nathalie. Ito ay matagal na at inungkat lang ulit, dahil marami ang hindi nakakaalam ng ginawa ni Vernon pati ni Brent. Dahil ang gumawa nitong article na 'to ay gustong ipaalam sa lahat ang ginawa ni Vernon sa isang babae, at yun ay si Nathalie. Ngunit, hindi niya nilagay mismo ang totoong pangalan ng babaeng biniktima ni Vernon, kaya naman gumamit na lang siya ng ibang pangalan, Ally.

Sa kabilang palad, agad naisip ni Vernon na tawagan si Brent para alamin kung naka kuha ba siya ng ganitong klase ng message. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kama na nakapatong sa unan at agad tinawagan si Brent.

Pagsagot nito... "Vernon... anong nangyayari?" Tanong ni Brent.

Sa tanong ni Brent na ganun, hindi na siya nakapag salita ng dahil sa kaba, takot, at galit na kanyang nararamdaman. Dahil alam na niya ang ibig sabihin nun.

"Sinong may gawa nun? Bakit ginagawa niya 'to?" Tanong ni Brent, dahil nakatanggap din siya ng isang article na tungkol naman sa kanya. Brent O. Tamayo is a Rapist. Nakita na rin ni Brent ang tungkol kay Vernon, kaya naman alam na alam na ni Brent ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Ang kanyang true partner in crime.

Hanggang kailan ba nila balak itago ang kanilang sikreto? Kung meron namang ibang nakakaalam, kagaya ni Alex? Malamang, mas lalo na yung biktima na si Nathalie.

Sinong may gawa nito? Bakit hindi siya magpakilala?

Ang sagot diyan... alam na kung sino ito.

Si Alex.

May tamang panahon para ilabas ang totoo na siya ang may gawa, at wala na siyang pakielam sa sasabihin ng iba. Lalo na sa mga sasabihin ni Vernon at Brent sa oras na malaman nila na siya nga ang may gawa nito. Malamang sasabihin nila na kasama siya nung nangyari yun. At kung ganun nga ang kanilang sasabihin kay Alex na kasama siya nung nangyari yun kay Nathalie, malamang, huling-huli na silang dalawa sa kanilang ginawa at guilty sila. Ito namang si Alex, handang umamin sa lahat ng walang takot at alinlangan; matapos lang ito para hindi na siya mamuhay ng may sisi at guilt sa kanyang puso't isipan. At para ipaalam kay Nathalie na siya ay mapagkakatiwalaang tao... kahit pa na hindi na siya patawarin nito kahit kailan.

Pero mukhang gusto na rin ilabas ni Alex sa kanila ang totoong witness at biktima na si Nathalie. Pero nagdadalawang isip pa rin siya dahil ayaw niyang madamay at masaktan pang muli si Nathalie.

Sa ngayon, hindi muna niya ilalantad ang kanyang sarili. Dahil pahihirapan muna niya ang dalawa habang yung ibang tao ay takot, galit at hindi sang-ayon sa kanilang ginawa... at yun ay kung aamin sila.


-------------------------------------------------------------------------


Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon