The End of Us - Chapter 24

560 6 0
                                    

Naiwan si Nathalie sa condo ni Alex ng mag-isa habang natutulog pa ito. Sa tuwing aalis si Alex, hindi na niya ginigising si Nathalie para mag-paalam, at kung mag papaalam man siya, naka gawian na niya ang mag-iwan ng sulat na naka dikit sa pintuan ng kwarto ni Nathalie.

Nung nagising si Nathalie, agad siyang dumiretso sa pintuan niya para tignan kung may iniwan na sulat si Alex. At meron nga...

Pwede mong gamitin yung telepono if ever na kailangan mo 'kong tawagan sa opisina. – Alex

Habang binabasa ni Nathalie yun, di niya maiwasan ang ngumiti. Bakit kaya siya ngumingiti habang binabasa niya yun?

Kinikilig.

Naexcite din siya dahil nagiging close na sila ni Alex, at hindi lang yun... halatang seryoso naman na rin si Alex sa pagkakaibigan nila. Malamang, mas gusto nila ang higit pa sa mag kaibigan.

Tumakbo si Nathalie sa maliit na opisina ni Alex sa condo niya para gamitin ang telepono sa desk nito. Napansin din niya agad na may sticky-note na naka dikit malapit sa telepono, at may naka sulat na mga numero dun na nagsasabing yun ang number ni Alex sa trabaho.

Sinundan ni Nathalie yung mga number na naka sulat at nag dial.

Maya maya pa, nag ring na yung telepeno sa kabilang linya. Hindi siya mapakali, dahil naeexcite siyang maka-usap si Alex.

At maya maya pa...

"T.B.C., how may I help you?" Sabi ng babae sa kabilang linya. (T.B.C. ang pangalan ng kompanya nina Alex, ibig sabihin ay 'The Buencamino Company'.)

"Um..." Sabi ni Nathalie habang nag-iisip ng sasbihin. "Pwede po bang maka-usap si Alex?"

"Alexander Buencamino po?"

"Opo... siya."

"May I know your name?"

"Nathalie Cortez."

"Okay, please wait, Ms. Cortez."

"Thank you."

Wala pang limang segundo, agad na niyang narinig ang boses ni Alex. Hindi ganun kalaki ang boses niya sa personal kahit sa telepono, pero lalaking lalaki ito magsalita.

"Nathalie?" Sabi ni Alex.

Umayos ng upo si Nathalie. "Oo, ako nga."

"Can I help you? Napatawag ka?"

"Oo kasi... kasi..." Hindi masabi ni Nathalie ang gusto niyang sabihin, dahil ang totoo niyan, wala naman talaga siyang kailangan kundi ang marinig lang ang boses ni Alex.

"Kasi... itatanong ko lang sana kung anong gusto mong pagkain pag-uwi mo mamaya?"

Ang tagal maka sagot ni Alex, at hindi dahil nag-iisip siya kung ano nga ba talaga ang gusto niya. Kundi, iniisip niya na nakakapag taka at swerte siya na may mag luluto na para sa kanya bago siya umuwi ng bahay galing trabaho. Ito ay matagal na niyang hinaing sa buhay, ang walang taga luto at hindi siya marunong... at ayaw na niyang palampasin ang pagkakataon na 'to.

"Umm... anything. Kung ano meron diyan na pwedeng lutuin."

"Okay... sige." Halatang may gusto pang sabihin si Nathalie kay Alex. "Ingat ka sa pag-uwi." Dagdag niya at sabay baba na ng telepono dahil sa hiya.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon