Chapter 1

36.6K 568 20
                                    

First to comment will receive the first giveaway.
---

Yieza Mae Prada typing...

Beh, kamusta ka na? Dami na natin bansa napupuntahan ah.

Napangiti ako ng makitang nagmessage ang childhood bestfriend ko na si Yieza. Nireplyan ko naman agad ito ng kalagayan ko. Pagkatapos ko makareply ay binalik ko ang phone ko at nahiga muli sa kama. Mamaya pa naman ang susunod namin flight papuntang Japan kaya naman kailangan ko muna magbawi ng tulog. Mahirap din kayang maging flight attendant no.

Napapapikit na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kaya agad ko itong kinuha at nakita na naman ang message ni Yieza.

Yieza Mae Prada.

Oh, Japan maganda diyan beh atsaka alam mo ba yung Shu Uemura diyan yan originated magaganda beauty products dun Yiellah. Kung pwede nga lang pagbalik mo dito sa atin ay *ehem* kahit cleansing oil lang ang ipasalubong mo sakin. Hehehe.

Napailing na nga lang siya sa huling chinat ng kaibigan. Sanay na siya lagi sa mga habilin nito tuwing tumitigil sila sa mga bansang napupuntahan nila. Daig pa lagi nitong may patagong pera sa kaniya pero kahit ganon ay hindi naman niya ito matanggihan dahil bestfriend niya ito at malapit ito sa kaniyang magulang.

Mabilis niya agad itong nireplyan at dahil nga uto-uto na naman siya ay maibibili niya ito ng cleansing oil. Tinanong niya naman ito sa buhay nito sa Pinas. Sa pagkakaalam niya kasi nitong mga nakaraang buwan ay abala ito sa pagvvlog ng mga makeup tutorials nito sa youtube.

Yieza Mae Prada typing...

Ito bes, humahanap ng boylet sa tinder alam mo na dami daw gwapo dun try mo din minsan. Baka sawa ka na sa mga ulap na nakikita mo lagi di ba. Oh siya bye na may tutorial pa ako sa youtube yung Shu Uemura ko ha.

Natawa na lamang siya sa sagot ng kaibigan na nakikipag tinder ito. As if naman makahanap ito ng gwapo dun, iba din kasi ang standard ni Yieza gusto nito yung mga lalaking mga napapanood nito sa telenovela na sa pagkakaalam niya ay hindi naman siguro magkakalat kalat lang sa tinder. Pero who knows di ba?

Baka magulat na lang din siya one day makain niya ang sinabi niya at itry niya ang tinder.

Ibinalik muli niya ang kaniyang iphone at natulog na muli.

---

"Pass---pass--uhmm pwede na rin but pass." Nagulat na lang ako ng hablutin sa akin ni Hutch ang phone ko.

"Man! I'm busy!" Sigaw ko dito.

"Yeah busy with tinder." Sabi nito at humalakhak matapos iabot ang phone sakin.

"Tsk. None of your business." Sabi ko at bumalik na ulit sa kinauupuan ko at itinuon muli ang atensyon sa aking phone.

"You can get all the girls you want Renge but why on tinder? Hopeless romantic ka na din ba?" Tanong nito sa akin. Napaisip naman ako. Bakit nga ba ako napatinder?

"I'm just bored Hutch besides it's trending right now. Try mo rin." Suhestiyon ko sa aking kaibigan pero nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha nito at bumalik na lang sa kinauupuan at kinausap ang isa sa mga flight attendant. Mamaya pa naman ang flight namin sa Japan kaya pampalipas oras muna.

"Looking serious Renge. Business?" Sabi ni Gui na prenteng nakaupo sa harapan ko.

"Nah. Just some stuff to ease my boredom." Sabi ko dito at patuloy sa pag swipe left.

"Oh, I heard from Hutch--" talagang bwisit na yun.

"Don't judge man. I just want to have some fun." Sabi pa niya sa kaibigan. Nagkibit balikat na lang ito at pinasak ang earphones sa tenga.

Kanina pa siyang babad sa tinder pero wala siyang makitang papasa sa kanya. Kung bakit pa nga din ba niya kasi sinunod ang suhestiyon ng kaibigang si Steel na magtinder gayong alam naman niya na puro kalokohan lang din ang alam nito.

Bored na bored siya sa pagswwsipe ng kinulbit siya ni Caio.

"Do you have gum bro?" Nabigla siya sa tanong ng kaibigan kaya naman ngumanga siya dito.

Natawa naman ito at nabato ng magazine na binabasa nito.

"Insane! Hindi yang gums mo ang kailangan ko Renge I'm talking about BUBBLEGUM." Sabi nito sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa nasabi ko. Kinuha ko na nga ang baon kong mentos na bubblegum at iniabot kay Caio.

We would like to invite our first- and business-class passengers to board.

"Leggo mates!" Sabi sa amin ni Cad at nagsitayuan na nga kami. Inayos ko muna ang aking gamit at sumunod na sa kanila.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin matigilan ang kakaswipe ng left sa tinder. Halos mapudpod na ang screen ng phone ko dahil kanina pa akong nagswiswipe pero wala naman akong matipuhan.

"Ayyy." Patuloy ang pagswipe ko ng marinig ko ang sigaw ng babae na papalapit sa akin. Dahil na rin sa pagiging alerto, bago ito madulas ay nahawakan ko na agad ang magkabilang balikat nito.Hindi ko din napansin ang pagkahulog ng phone ko.

"Sorry po sir, sorry." Pagpapaumanhin ng babae sa akin. Nakita ko pa ang pagmamadali nito kaya naman ay hinayaan ko na lang pero hindi ko pinalagpas ang full butt nitong kaaya ayang tignan habang tumatakbo.

Thats what he's looking for. Girl will full butts. Naglakbay ang kaniyang malikot na imahinasyon sa pagiisip kung gaano kasarap damhin ang pangupo na iyon.

"Damn! Libido!" Mahina niyang pinagalitan ang sarili. Too bad at hindi ko Agad nakita ang umalis na babaeng flight attendant. Well girls come and pass but he wish makita niya ito mamaya kapag nakaboard na sila.

Pinulot niya kaagad ang phone niya at tinignan ang screen. Chineck niya kung may crack ito pero wala naman pero nagulat na lamang siya dahil may nailike siya ng mahulog ang phone. Alam niyang aksidente lamang ang pag hit niya ng like.

"I should delete this f*cking app." Ibinalik na niya sa home at idedelete na nga sana pero nakita niya na may nagmessage sa kaniya sa tinder.

Yieza sent you a message.

"F*ck! Not again." Nailing na lang siya sa nakita sa screen.

"Renge!" Narinig niya ang sigaw ng kaibigang si Hutch kaya ay itinago na niya ang phone at sumunod na dito.

Kanikanina lang nakaramdam siya ng kasiyahan dahil sa babaeng flight attendant pero mapagloko talaga ang tadhana.

"But Why is she on tinder? Damn!" Napabuntong hininga na lang siya sa naisip. He just wish na iba ang Yieza na nalike niya sa tinder at nagmessage sa kaniya sa Yieza na ex-girlfriend niya.

---
A/n: Let's all welcome to Fafa Renge. 💕

Pasensya po sa matagal na update kay Renge. Medyo nagpapahinga po muna ako mula sa madugong finals pero dahil hindi ko na din po kayo matiis ito na po ang unang chapter ni Renge. Konti lang po pero babawi po ako sa susunod.

Pinaprocess ko pa rin po ang buong plot niya. Hehehe. By the way miss you all po. 💕

Gonna update this as soon as possible. Mwa. 💋

Libidinous Series 9: Renge Lee FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon