Chapter 3

15.7K 362 11
                                    


*ring...ring*

Nagising ako mula sa ingay ng phone ko.

"Hello?" Tanong ko sa caller. Agang aga tawag ng tawag.

"Hayie! Saan ka ba nagpunta? Paalis na yung flight natin tapos na ang break. Bilisan mo." Sabi ni Charie sa phone. Mukhang inis na din ang tono nito.

Saka ko lang naalala ang lahat nag lunch kami ni Renge tapos napainom ako then...

"Shit!" Gumalaw ako at nakaramdam ako ng sakit sa gitna ko. Sabay sabay din nagsituluan ang aking luha at narealize ang katangahan na naman na ginawa ko.

I cheated. Niloko ko si Lucho. Naiyak pa ako at napagisipan na umalis na sa kwarto kung nasaan man ako. Buti na lamang at wala si Renge sa loob ng hotel room.

Ayoko pa na muli siya makita. Ito na ang huling pagkakamali ko I swear. Dali dali akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng airport.

"Ang gaga mo Hayie!" Tumulo na naman ang luha ko sa mga pangyayari. Sinisisi ko ang sarili ko sa kalandian ginawa ko kung hindi sana ako nagpadala kay Renge sana buo pa rin ako. Sana confident pa rin ako mula sa boyfriend ko pero nawala ang lahat ng yun dahil sa paglalandi ko.

Nakarating ako sa airport at tumakbo papunta kay Charie buti na lamang ay iniintay ako nito.

"Charie!" Takbo ko dito na umiiyak. Nagulat naman ito sa akin.

"Oh anong drama yan Hayie? May problema ba? Bakit ka umiiyak? Nanakawan ka ba kaninang break?" Sunod sunod na tanong sakin ni Charie.

"Cha--cha, wala na." Hindi ko matapos ang sasabihin ko nang naiyak na naman ako. Damn these tears.

"Ano? Anong wala na? Teka ano ba ang nangyari? Nagbreak ba kayo ni Lucho?" Sabi ni Charie sakin at inalog alog pa ako.

"Cha-wala na yung pinakaiingat ingatan ko." Bumuhos na naman ang luha ko pagkasabi ko kay Charie ang dahilan ng pagiyak ko.

"Ohgosh! Hush. Hayiellah. Pagusapan natin yan mamaya but for now hush. Please." Sabi sakin ni Charie pampakalma nito sa akin.

Nagboard na nga kami sa eroplano papunta muling Pilipinas. Buong biyahe ay lutang ako kaya naman ay pinagpahinga muna ako ng head namin at sinabi na kung hindi ko aayusin ang trabaho ko ay mapipilitan siyang tanggalin ako. Bakit ba kasi minalas ako ngayon?

Nakarating kami sa Pilipinas at inalalayan pa nga ako ni Charie.

"Hayie, huwag muna tayo umuwi. Marami ka pa ikukwento sa akin." Sabi nga ni Charie at nagpunta na kami sa malapit na coffee shop.

"Okay start the story." Sabi sakin ni Charie ng mailapag na lahat ng aming inorder. Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang kwento. Hindi ko mabasa ang expression ni Charie hindi din kasi ito nagsiside comment talagang nakikinig lang ito sa sinabi ko.

"And thats it and now my conscience is killing me. May boyfriend ako pero binigay ko ang sarili ko sa taong kakikilala ko pa lamang." Sabi ko kay Charie huminga naman ito ng malalim. Ihahanda ko na ang tenga at puso ko sa sasabihin nito for sure it will hurts. Charie is one of my closest friends. Alam ko na pranka din ito sa mga opinyon nito.

"Hayie, I told you earlier na may boyfriend kang tao at heto ka gumawa ng katangahan. Hindi kita masisisi kung nagpadala ka kay Renge but Hayie sana lang naman inisip mo muna mga magiging kahihinatnan ng pinaggagagawa mo." Sabi ni Charie sakin. Nirerespeto ko ang sinasabi niya dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko talaga.

"Should I tell it to Lucho? Nakokonsensya ako Cha." Sabi ko dito. Nagaalala na talaga ako.

"The truth will set you free yet there's always a consequence after it Hayie." Sabi nito sa akin. Nagring naman ang phone ko at nakita ko sa caller ang pangalan ng boyfriend ko.

Libidinous Series 9: Renge Lee FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon