Chapter 4

16K 381 15
                                    

Apat.

Apat na taon ang lumipas mula nangyari ang mga bagay na iniwan ko sa nakaraan.

"Hayie, sure ka na ba talaga sa paguwi mo sa Pilipinas?" Tanong sa akin ni Grace. Galing kasi ito sa honeymoon nila ng asawa at miss na daw ako nito kaya heto pinagbigyan ko na.

"Oo sure na sure na." Sabi ko dati at nginitian pa ito.

"Pero tampo pa rin ako sa'yo hindi ka man lang umattend sa kasal ko." Hindi ako umattend sa kasal nito dahil may mga papeles pa akong kailangan tapusin. Ayoko din naman mabreach of contract ng TVX Modeling agency.

"Told you Gracia, may mga bagay na kailangan akong ayusin para makapunta sa Pilipinas. Buti na lang din mabait yung boss namin tapos gwapo pa tapos malaki din magpasuweldo." Sabi ko kay Grace na umirap lang sakin.

"Ewan ko ba sa'yo Hayie. Asawahin mo na lang yung boss mo o kaya gapangin mo para maikasal ka na din. Tanda tanda mo na oh. Your biological clock is ticking." Sabi pa nga ni Grace sakin. Kung pwede nga lang di ba kaso may asawa na si boss pero di ba kahit may asawa naman pwede pa rin? Anyways may mga bagay pa rin talaga na medyo hindi nababago tulad na lang ng pagkahumaling ko sa mga gwapong lalaki pero may limit na ako no hanggang attractions na lang talaga. Ayokong maulit na naman ang nakaraan. I need to be wise.

"Paghanga lang naman Grace nararamdaman ko sa Bossing namin atsaka wala akong panama dun sa asawa niya." Paliwanag pa niya kay Grace. Nakakainggit nga si Ma'am Serra natural beauty hindi na kailangan ng kung anong maintenance at ang bait bait pa sobra. Ang swerte ni Boss Thatcher sa kaniya.

"Sino ba kasi yang bossing mo na yan?" Tanong ni Grace sa akin.

"Thatcher Ximenez. Siguro nakilala--" hindi pa tapos ang sinasabi ko ng magreact kaagad si Grace.

"Ohmygee. Si Thatcher kilala ko yan tapos si Serra yung asawa di ba yung photographer? I know them mababait sila." Pagbibida nga nito sa akin.

"Talaga? Paano mo naman sila nakilala? Nagmodel ka din ba Grace?" Tanong ko dito. Siguro nakita din nito ang mga photoshoots ni Sir Thatcher.

"Kaloka ka! Kaibigan sila ng hubby ko and si Serra she's so kind and angelic face. Naging kaibigan ko na rin dahil pinsan siya ng mga kaibigan ko sa Pinas." Mukhang kaclose nga ni Gracia ang mga ito pero katotohanan naman ang sinabi nito na mabait talaga si Miss Serra.

"Oh I see. Anyways anong pasalubong mo sakin mula sa honeymoon?" Tanong ko agad dito.

"Ito. Chenen!" May kinuha nga ito sa bag nito at iniabot sa akin ang isang box.

"Ano naman ito?" Naeexcite na tanong ko dito.

"Buksan mo na lang. magugustuhan mo yan for sure." sabi pa nito sa akin.

Agad kong sinira ang pagkakawrap ng regalo ni Grace sa akin at bumungad sa akin ang isang doll. Mukhang russian doll pero singkit.

"Cute di ba. Kamukha mo." Tumawa si Grace sa kaniyang sinabi at pinansin ko nga ang doll na bigay nito. Singkit na singkit ang mata nito.

"Leche ka talaga. Ipamukha ba naman sakin na kamukha ko itonn japanese doll na ito." Sabi ko dito.

"Be happy Hayie. Kimmidoll kaya yan. Oh huwag ka magreact alam ko na may nabibiling ganyan sa Pilipinas pero donMt worry sa Japan ko pa talaga yan binili and also ang cute kaya ng name niya." Natatawa ako dito pero naappreciate ko naman talaga ang pasalubong nito sa akin.

"Kazuna. True friend." Binasa niya ang message na nakalagay sa box ng kimmidoll. Nateary eyed naman siya sa kaniyang nabasa.

 Nateary eyed naman siya sa kaniyang nabasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Libidinous Series 9: Renge Lee FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon