Chapter 10: Epilogue

21.7K 514 26
                                    


"Baby, kinakabahan ako paano kung hindi magkasya yung gown sakin." Sabi ko kay Renge. Nakita ko ang naging pagtawa nito sa akin kaya ay sinimangutan ko ito.

"Baby, I know for sure it fits." Paninigurado nito sa akin pero hindi ko siya pinansin. Kumakailan lang kasi ay madami ang napasok sa isipan ko patungkol sa nalalapit namin kasal ni Renge. Isabay pa itong pagbubuntis ko.

Iniisip ko na baka magmukha akong suman sa gown ko dahil ayaw ito ipasukat sakin ni ate pati na rin nila mama baka hindi daw matuloy ang kasal namin ni Renge. Iniisip ko din ang mga nagsisilabasan stretchmarks sa katawan ko. Paano na lang kapag naghohoneymoon kami ni Renge tapos makita niya ito baka iwanan niya ako.

"Hey baby! Kahit pa may stretchmarks ka at magmukhang suman ka sa gown mo hindi pa rin mapapalitan ang pagmamahal ko sa'yo." Naramdaman ko ang pagyakap ni Renge sa likod ko. Nagulat naman ako dahil nasabi ko pala ang mga nasa isip ko.

"Baby, I want to be the most beautiful woman on our wedding day kaya ayokong idisappoint ka." Sabi ko dito. Itinaas naman ni Renge ang baba ko at binigyan ako ng matamis na halik.

"I told you baby. You are the most beautiful woman just for me." Sabi nito sa akin. Tinignan ko ito pero nakatingin na ito sa tv. Aba at ang singkit na ito namumungay ang mata makita lang ang crush niyang vs angel na si Adriana Lima. Nako nako sinasabi na nga ba nakakababa talaga ng self-esteem itong mga alagad ni victoria.

"Talaga ba? Mas maganda kaysa kay Adriana Lima?" Sabi ko dito. Napakamot na lang ito sa buhok nito. Huli ka balbon! Sinasabi na nga ba mas gusto nito ang crush nitong si Adriana Lima kaysa sa akin.

"Baby, ikaw ang pinakamaganda sa lahat swear." Sabi ni Renge sa akin pero tinapakan ko ang paa niya kay napahiyaw siya ng malakas.

"Che! Sinungaling!" Sabi ko dito at lumabas sa bahay nito. Naririnig ko ang pagsigaw ni Renge pero hindi ko na ito pinansin. Bigla kasi akong nagutom at nagcrave ako sa kwek-kwek. Sana lang ay may tindang kwek-kwek sa loob ng village.

Napagpasyahan ko nga maglakad lakad at tignan ang mga nagsisilakihang bahay. Nakakamangha dahil hindi nagpapatalo ang mga bahay sa laki at ganda nito. Nakakatuwa din dahil napansin ko na halos lahat ng kaibigan ni Renge ay nakatira sa iisang village. Dati akala ko mga prim and proper sila pero kakaiba pala once na makilala mo. I'm happy na nakilala ko sila and at the same time naging kaibigan sila ni Renge.

"Buntis!" Bati sa akin ni Anise at kalaro nito ang anak nitong si Flynn. Binati ako ni Flynn at parang humupa ang pagkainis ko kay Renge ang cute cute lang kasi nitong si Flynn. Ang soft ng kulot nitong buhok manang mana kay Caio.

Naalala ko tuloy si Leto namimiss ko na rin ito. Nagbabakasyon kasi ito ngayon kasama ang daddy at mommy ni Renge.

"Mag-isa ka ata Yie, si Renge?." Sabi ni Anise sa akin.

"Ayun nagpapakasaya kasama si Adriana Lima." Sambit ko dito at tumawa nga ito.

"Ano? Murderin ko na ba si Renge sa upcoming novel ko?" Tanong nga nito sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi ni Anise. May ginagawa nga pala itong novel. Nakakamangha din dahil kahit busy ito sa pagsulat at mga book sign ay hands on pa rin ito kay Flynn at isa pa lagi itong blooming.

"Pwede! How about macastrate siya sa novel?" Suhestiyon ko kay Anise na siya naman ikinatawa nito. Napaisip naman ako sa sinabi ko kung macacastrate si Renge e di titigil ang lahi niya? Paano naman ako? Paano kami?

"Nagagawa ng pregnancy. Oh siya pasok ka muna dito da bahay. Tara kumain ng ice cream." Pagaalok nito sa akin. Agad naman nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nitong ice cream. Tamang tama at nagcacrave ako para sa ice cream. Naisip niya tuloy kumain ng rocky road ice cream tapos samahan ng potato chips naididip sa ice cream. Weird pero sa pagiisip niya mukhang masarap.

Libidinous Series 9: Renge Lee FerreiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon