"Charlotte, tawag ka ni Sir Claude sa opisina niya." Isang linggo pagkatapos nilang mag-usap.
"Bakit raw, Charina?" May tinatapos pa nga siyang reports.
"Aba malay ko. Basta sabi ni Leomer, tumawag siya sa intercom, kailangan ka raw niya, asap."
"Baka namimiss ka." Tukso ni Imee sa kanya.
"Tigilan nyo nga ako." Iniwan niya na muna ang trabaho niya.
Pagkatapos kumatok ay pumasok si Charlotte. Nakayuko si Claude Anton, nakatutok sa mga papeles na hawak.
"Ipinapatawag nyo raw ako Sir?" Agaw niya sa atensiyon nito.
Nung umangat ito ng tingin ay literal na hindi siya nakahinga ng ilang segundo. Bakit ba ang guwapo nito? With that unruly hair ang that stubbles, idagdag pa ang lips nito.
"Anything wrong, masyado ka nang titig na titig sa akin. Hindi ako yung Pangga mo, di hamak na mas guwapo ako dun." Nakakatuwa ang reaction ni Charly. Parang gutom na hindi.
"He-he-he. Patawa ka?"
"Nope, I'm telling the truth."Itinabi nito ang ibang papeles, pagkatapos ay may kinuhang envelope.
"I want yoh to study this, Charly. Prospect client ko, gusto kong mag expand and venture into buy and sell of cars. Tell me your opinion about it."
"Bakit ako? Kasali pa ba yan sa trabaho ko?" Nagtatakang sabi niya.
"Sort of. I know you love cars, kasi kung hindi, hindi mo pagtitiyagaan si Pikoy."
Sira ulo ba itong kausap niya? Wala siyang kaalam-alam sa sasakyan. Mahal niya lang si Pikoy dahil wala siyang choice, wala siyang pambiling bago, kaya napagtitiyagaan niya. At isa pa, bigay kasi iyon ng Tatay niya kaya inaalagaan niya ng sobra.
" Wala talaga akong alam sa sasakyan, Sir. Isa pa, ang alam ko lang ay mag analyze ng data, financial statements, etc. etc. etc."
"That's my point. Analyze the data and tell me about it. Kung okay ba siya for business. Pag naging successful, bibigyan kita ng bagong kotse, or yoh can ask for anything else."
"Hala!Ibang level din ang utak mo no? Talaga kayong mayayaman, kung ano ang maisip eh yun ang gagawin. Okay na si Pikoy sa akin, papalitan kk na lamang ng body paint na neon orange."
"Neon orange? Weird color."
"Para kita ko na, malayo pa."
Natawa si Claude Anton. "Then say yes to my proposal. Pag-aralan mo na yan. I need the report next week."
"Pwede bang pilitin mo muna ako, Sir."
"Charly, you're still te Charly that I know." I wonder if until now eh may gusto ka pa rin sa akin. Gusto niyang itanong. Naaalala pa niya na kinukulit niya ito from elementary till high school, inaasar dahil alam niyang may crush ito sa kanya, ayon na rin sa bestfriend nito dati.
"Ah, Sir. Antonio."
"Hmmm."
"Pwede bang iba na lamang ang hilingin ko? Not for a new car or something?" May isang idea kasi na kanina pa tumatakbo sa utak ni Charlotte.
"And what is that?"
"Ano..ahh..pwede bang patulong na bumalik sa akin si Pangga ko?"
Isang mabilis na No ang ibinigay ni Claude Anton.
"Bakit ba? Ayaw na ng tao sa iyo. Move on, Charly. Ang daming lalaki jan." Tanga ba ang babaeng ito?
"Eh sa siya nga ang gusto ko. Sige na,pag iigihan ko talaga ito. As in yung client mo, ma papa yes mo. Just help me, Antonio. Gusto kong magkabalikan kami. I want to learn your game. Di ba, sabi mo rin, you wanted to learn my principles."
"Di na kailangan Charly. I don't believe in what you believe in."
"Bakit ba ayaw mo akong turuan, siguro kasi hindi effective yang sinasabi mo sa akin. Na hindi naman talaga iyan nag eexist yang rules sa love na yan. Na ikaw mismo, naloko ka na siguro noon. Ayaw mo akong tulungan dahil gusto mong gumanti sa mga babaeng kalahi ko."
"Tsk! Ang dami mong sinabi. Abnormal ka talaga." Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"Sige na naman, Antonio, I'll teach you how to fall in love also para hindi puro sex ang nasa utak mo."
"Oo na. But it would not be about getting back Segundo, it's about how to have a good relationship, it would be on how to win in the game that you called...love."
"Whatever! Thank you, Antonio." Sa sobrang saya ay niyakap niya ang binata. Nagulat naman si Antonio, pero mas lalo siyang nagulat sa ibinigay na kasiyahan sa kanya ng simpleng yakap na iyon.
*************
-Xian-
BINABASA MO ANG
Crush Back
HumorCharlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na talaga niyang maghanap ng mapapangasawa. Kaya ba kahit ano gagawin niya, para lamang mag wok-out ang...