24

32.1K 664 37
                                    

24

“Ang aga mo naman,Mama.” Claude Anton is already used of his Mom’s surprise visits. Hindi nab ago sa kanya ang sobrang aga o minsan nga hating-gabi pa. “You surprised me…again.”

“Should I be the one to say that? You’re the one who surprised me!” Tumingin ito kay Charlotte. “Who are you, lady?”

Kinabahan si Charlotte. Yung tibok ng puso niya sobrang lakas at bilis na. “Ma’am! I’m Charlotte Tamayo!” Napasigaw na sagot niya. Gustong matawa ni Claude Anton sa hitsura ng kaharap. Kung kinakabahan ito kapag kausap ang Papa niya na dati nitong boss, mas pala sa Mama niya.

“And why are you shouting at me, Lady?” Nakaarko pa rin ang isang kilay nito. Kung pupuwede lang ibaba ay ginawa na ni Charlotte.

“Ay, hindi naman po, Ma’am. Kinakabahan lamang po ako.” Binabaan niya ang tono ng boses niya na parang lalaki na. Hindi na tuloy napigilan ni Claude Anton ang ngumiti na kitang-kita naman ni Charlotte. Naasar siyang bigla. Mamaya ka lang, Antonio! Nung tinignan ulit niya si Elizabeth, seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya. Naghihintay ng sagot.

“I’m Sir Claude Anton’s secretary, bago lang po kasi ako Ma’am, hindi pa nga nag-isang buwan kaya po hindi ninyo ako kilala. Kaya rin po hindi ko kayo nakilala nung tumawag ka. Naku! Sorry po talaga dun ha, kasi po si Antonio, sabi niya lahat raw ng tatawag na babae, sasabihin ko raw po na wala siya, pumuntang kung saan, hindi naman po niya sinabi na may Mama siya.”

“So, akala mo patay na ang Mama ng anak ko?”

“Naku! Hindi po, I mean, akala ko po kasi na hindi po tatawag ang Mama niya.” Palusot.com niya.

“So bakit ka nga pala nandirito sa condo ng anak ko? Dito ka ba natulog?”

“Ma, ako na ang mag-eexplain.”  

“Ay ako na Antonio. Kasi Ma’am Elizabeth, ano po, nag promise po kasi ako sa anak ninyo na ako ang susundo sa kanya ngayon. Isasakay ko po kasi siya kay Pikoy.  Kaya po ako maaga kasi po madalas po ako late, akala po kasi niya, hindi ko po kayang gumising ng maaga. Saka Ma’am, kaya naman po ako nandito kasi wala pa po akong breakfast, sabi kasi ni Antonio, help yourself raw, pwede akong magluto. Yun, yun po talaga.” Tuluy-tuloy na naman na sabi ng dalaga.

Napailing na lamang si Claude Anton, ito na yung sinasabi niya. Kapag si Charly ang mag-eexplain, para na namang machine gun ang bibig nito.

“And why are you calling him, Antonio? Eh secretary ka? It should be Sir.”

Hala, patay! Nag peace sign si Charlotte kay Claude Anton.

“Charly ako na ang mag eexplain.” Baka kung ano pa ang sasabihin nit okay Elizabeth.

“Charlotte is my secretary, that’s right that she’s here because we agreed that she will fetch me.”

“Really?”

“Elizabeth, don’t get us wrong. Isa pa, she calls me Antonio simply because she was my classmate since grade school till high school, naging magkaibigan naman kami kahit papaano.”

Crush BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon