16

38.2K 625 43
                                    

16

Maagang nagising si Charlotte. Wala si Pikoy eh. Kailangan niyang mag-aga dahil ayaw na ayaw niyang nalalate sa pagpasok. Excited na siyang Makita ang bagong bihis ng kanyang sasakyan. Kahit pa nga utang iyon na kailangang bayaran sa kanyan boss/since-grade-two-crush na si Antonio. Pasipol-sipol pa siya na lumabas ng apartment niya.

“Ay guwapo!” Pakshet! Bakit nasa labas ng bahay niya si Claude Anton. Naksandal pa sa kotse niya. Tinitigan niyang mabuti kung sa tapat ba talaga ng bahay nila ang sasakyan nito, kasi naman, baka kapitbahay pala ang sadya. Para sure lang, di ba? Pero sa bahay talaga niya. Guwapo lang ha, artistahin lang ang dating.

“Ang tagal mong lumabas.” Agad na reklamo nito sa kanya. Wala man lang good morning?

“Good morning, Sir! Naligaw ka yata?”

“Hindi ako naligaw, ikaw ang hinihintay ko. Bakit ba ang tagal mong lumabas. Kanina pa ako dito, five minutes na akong naghihintay.” Reklamo nito sa kanya. Imagine, five minutes? Five minutes lang pero parang forever na itong naghintay! Boss lang?

“Ah! Sorry lang ha. Hindi ko naman kasi alam na maghihintay ka sa akin. Hiyang-hiya talaga ako sa iyo, Sir. Saka, sana man lang nagtext ka na nasa labas ka at naghihntay o hindi kaya ay pumasok ka na lang sa loob, kumatok ka sana. Naman, Antonio! Ako pa ang may kasalanan ngayon!” Her mouth strikes again. Charlotte na Charlotte lang.

“Baka kasi kuwan..” Natigil si Claude Anton sa naisip niya. Nasa loob na sila ng kotse nito at nagsisimula ng magmaneho ang binata.

“Ano?” Napatingin si Charlotte sa kanya.

“Baka kasi naka bold ka na pag kumatok ako ulit.”

“Heh! I hate you! I told you not to remind me of that day. Isa iyong pagkakamali, okay. Hindi na ako uulit. Hindi na ako iinom dun sa bar ni Cyrus. Epekto kaya iyon ng mga alak na tinda niya. Saka ..ah basta!”

“Bukas susunduin na rin kita, I want you to be ready at 6:00 a.m.” Seryosong sabi nito sa kanya.

“Six? Bakit ganun kaaga? 8:00 a.m. kaya ang pasok ko. Sobra ka naman, ako na lang ang mag-isang papasok. Huwag mo na akong sunduin, isa pa, baka nakakaabala ako sa iyo. Nakakahiya talaga. Another thing, baka mag-isip ang mga tao sa office bakit magkasama ayo. Ayokong ako ang pinagtsitismisan no.”

Grabe talaga ang bibig ng babaeng ito. Napatingin siya sa mga labi ng dalaga. Damn!  Umiwas na lamang siya ng tingin. “May ginagawa ba tayong masama ha?”

“Wala naman. Sinusundo mo lang naman ako. Saka, ano naman ang gagawin nating masama? Wala naman di ba?”

“Yun naman pala eh. So why worry with what other people think? You will not be happy if you are always like that, Charly.”

“Oo na. Pero naman, Antonio! Hindi ba pupuwedeng beyond six? Sobrang aga naman kasi. Isa pa..”

“Sasabay ka sa aking magbreakfast.” Putol niya sa sasabihin nito. Malamang kasi na mahihirapan na naman siyang isingit kung anuman ang gusto niyang sabihin.

Crush BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon