15
At dahil sa nagtitipid siya, dinala niya si Claude Anton sa Jolibee! O di ba, pinoy na pinoy lang. “Order ka na, Antonio. Alam mo masarap ang mga breakfast meals nila rito, paborito kong kumain rito lalo na at di ako nakapagluto tapos ayaw kong malate sa office. Mahilig ka sa coffee di ba? Try moa ng coffee nila, pero kung gusto mo ng matamis na hot choco, pwede rin.” Tuluy-tuloy na sabi nito. Nakatanga lang ang kukuha ng order nila.
“So what’s your order, Ma’am?”
“O, ano na raw ang order mo, Antonio?” Sabay siko niya rito.
“Ah, kung ano na lang din ang order niya, Miss.” Hindi niya kasi kabisado ang fastfood na ito.
“O sige, gusto ko ng….” She enumerated what she wanted, si Claude Anton ang nagbayad, walang nagawa ang bibig ni Charlotte, paano, ang sama ng tinigin ng binata sa kanya nung ipilit niya ang pera niya.
“Sinabi ko naman di ba? Libre ko to.” Reklamo nito nung nasa mesa na sila. Hindi ito pinansin ng binata, nagsimula siyang kumain. Nakakagutom palang kasama ang babaeng ito? Talak kasi ng talak.
“Antonio, ikaw ba nagka girlfriend na? I mean, seryosong girlfriend ha?” Biglang tanong nito, nabitin tuloy ang pagsubo ng binata.
“What do you mean by that?” Kunot-noong tanong nito kay Charlotte.
“I mean, may naging serious girlfriend ka na ba before?” Tanong ulit nito habang kumakain.
“I know that that was the question, why are you asking?”
“Wala lang, curious lang, di ba pupuwedeng itanong yun?” Palusot nito.
“Hindi. Kumain ka na nga.” Pagsusuplado niya.
“Ahhhh. Siguro wala pa ano? Wala ka pa talagang naging girlfriend kaya ka nagsusupladong ganyan.” Ayaw talagang paawat ni Charlotte. Masamang tingin ang ibinigay ni Claude Anton sa kanya.
“To satisfy your curiousity, meron. Okay na? Pupuwede na ba tayong kumain? At ano nga ang sinabi ko sa iyo, Miss Tamayo? Kapag hindi ka nahinto sa kakatalak jan, malamang halik ang ibibigay ko sa iyo para magsara ang bibig mo. Naintindihan mo ba?”
Biglang naitikom ng dalaga ang bibig. Oo nga pala, ito yung sinabi ni Antonio sa kanya. Ayaw kaya niyang gawin ito ng binata. Bigla siyang napatingin sa mga labi nito pagkatapos ay sa buong mukha. Guwapo talaga! Pwede pala niyang gawin ang kiss, basta not in public place. Yay!
“Ano?”
“Wala. Kain na.” Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip niya.
**************
“You mean, nasa shop na si Pikoy ko?” Gulat na tanong ni Charlotte.
“Hindi ko ba nabanggit sa iyo kanina?” Umibis sila sa kotse ng binata. Napa sign of the cross si Charlotte, paano ba naman, mukhang mamahalin ang shop na ito, hindi nila kakayanin ng Pikoy niya.
BINABASA MO ANG
Crush Back
HumorCharlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na talaga niyang maghanap ng mapapangasawa. Kaya ba kahit ano gagawin niya, para lamang mag wok-out ang...