35
“Pangga, dalawang araw lang naman kami sa Davao ni Antonio.” Lambing ni Charlotte sa nobyo. Late na itong nakapunta sa boarding house niya at hindi na siya nagtanong bakit, ayaw kasi niyang magkaroon na naman sila ng misunderstanding.
“Hindi ko gusto ang hilatsa ng mukha ng bago mong boss. Parang hindi siya gagawa ng mabuti.” Nakasimangot na sabi nito sa kanya.
“Hindi ah! Mabait si Antonio, sobra, siguro ganun lamang yung impression mo kasi Boss siya.” Nagtimpla ito ng kape para sa nobyo.
“Mayabang eh, maangas, akala siguro hindi ko papatulan kahit Boss mo pa siya.”
“teka, ano bang ginawa ng tao sa iyo? Wala naman ah. Huwag ka ngang ganyan, Pangga.” Pagtatanggol niya sa kanyang ex-crush.
“At siya pa ang ipinagtatanggol mo ngayon ha? Ako yung nobyo mo rito.”
“Hindi naman sa ganun, Pangga, ang sa akin lang, mabait na tao at boss si Antonio, kaklase ko nga siya dati di ba? Kilala ko siya, hindi siya maangas at mayabang.” Mahinahon pa rin niyang sagot.
“So ako ang mayabang at maangas ngayon, ganun ba ang ibig mong sabihin? Dahil mas kilala mo siya?”
Ayaw niyang mag-away sila. Hingang malalim Charly, pigilan ang bibig. “Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Pangga, pagbalik ko, date tayo ha. Gusto kong manood ng sine.” Lambing niya, para maiba ang topic.
“Basta ayoko na gumawa ka ng kalokohan sa Davao.”
Hinga ulit ng malalim, Charlotte. “Hindi ako gagawa ng kalokohan. Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Sa iyo meron, sa Boss mo, wala.”
Pinigilan ni Charlotte na sumagot. Pumikit siya saglit sabay ngiti pagkatapos. Bago lamang nga sila nagkabati ng Pangga niya, mag-aaway na naman ba sila?
“Ito namang, Pangga ko oh, nagseselos na naman.” Niyakap niya ito. Agad naman siyang hinalikan ng nobyo, then the kiss deepened, katulad nang inaasahan niya, at katulad ng dating gawi, hinawi niya ang kamay ng nobyo na kung saan-saan na naman napunta.
“Ano ba naman, Charlotte, hanggang ngayon ba naman ipagdadamot mo yan?” Iritableng sabi nito.
“You know my stand about that, Pangga. Magtatalo na naman ba tayo tungkol jan?”
“Ano ba kasi ang inaarte mo ha?”
Hindi naman siya nag-iinarte. Oo nga, wala namang duda na mahal niya ang binata, pero hindi naman ibig sabihin nun ay ibibigay na niya ang kanyang iniingat-ingatan na seksing katawan.
“Pangga naman, hindi naman ako nag-iinarte. It’s just that…”
“It’s just that, you’re not yet ready? Tigilan mo nga ako, Charlotte. Ilang taon ka na ba ha? 30? Matanda ka na, and everybody’s doing it! Bakit ba ipinagdadamot ang sex sa akin!” Galit na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Crush Back
HumorCharlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na talaga niyang maghanap ng mapapangasawa. Kaya ba kahit ano gagawin niya, para lamang mag wok-out ang...