23
“malay ko ba na nanay niya yun. Elizabeth pa kasi ang ginamit. Hindi na lang, Mama. Saka, sabi niya di ba? Lahat ng babae, eh babae naman si Elizabeth?” kausap ni Charly ang sarili. Tinitignan kung ano pa ang mga kakailanganin niyang gawin. Alam niyang inis sa kanya si Claude Anton. Kasalan naman niya, mali ang instruction. Hindi naman nito sinabi na may exception sa rule.
Tumunog na naman ang telepono sa tabi niya. “President’s Office, how may I help you.”
Babae na naman! Bakit ba puro babae ang caller niya ngayong araw!
“May I know whose calling, Ma’am?”
“It’s Casey.”
“Casey, parang sirang ulit niya. Ma’am, kapatid po ba kayo ni Sir Claude Anton?” Aba, gusto na niyang makasiguro. Kanina, Mama niya ito, baka ngayon, kapatid na.
“Hell no! I’m his girlfriend.”
“Ahhhhh.” Girlfriend pala ha. “Well, I’m sorry Ma’am, but Claude Anton is out of town at this time.”
“Anong out of town. Kanina lang you were asking if I am his sister, why, if sinabi ko bang oo, sasabihin mong anjan siya?” Biglang talak nito sa kanya. Aba! Habaan ang pasensiya, Charlotte!!
“No, Ma’am. Tumawag na lang kayo ulit. Have a nice day po.” Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Agad na niyang ibinaba ang receiver ng telepono. Ayaw niyang maubos ang kanyang mahabang pasensiya.
Kababa pa lamang niya ng nag ring na naman ito. “Juice colored, huwag naman sanang babae na naman!” Sabi niya bago sinagot. “President’s office, how..”
“Hoi babae, ang kapal ng mukha mong babaan ako ng telepono! Huwag na huwag kang magpapakita sa akin kapag pumunta ako jan. Malalaman ito ni Claude Anton , at sisiguraduhin ko na tatanggalin ka niya sa trabaho!” Sabay bagsak ng telepono sa kanya. Ang sakit sa eardrums.
“No wonder tinataguan ni Antonio ang mga babae niya, puro praning!”
“What did you say?” Nasa harap na niya si Claude Anton. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Sabagay, lagi naman itong seryoso kapag sa trabaho.
“May tumawag na naman kasi, si Casey. Girlfriend mo raw.”
“What did you tell her?”
“I told her that you are waiting for her.”
“F*ck! What! Are you crazy?” Naipalo pa ni Claude Anton ang kamay sa desk ni Charlotte.
“Joke lang nga, ikaw at ang mga babae mo, puro violent reaction. Tinalakan ako, pasalamat siya at iniisip kita, kung hindi lang, lagot siya sa akin.”
“Sorry about that.”
“Sir naman, bigyan nyo naman ako ng pangalan ng mga babaeng kailangan kong sabihan na nasa Sahara Desert ka, para naman hindi madamay pati nanay mo. Sorry rin dun ha. Natawagan mo na ba?”
BINABASA MO ANG
Crush Back
HumorCharlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na talaga niyang maghanap ng mapapangasawa. Kaya ba kahit ano gagawin niya, para lamang mag wok-out ang...