31
Agad na tumaas ang kilay ni Elizabeth pagkakita sa dalawa.
“Mama, what are you doing here?” Agad na tanong ni Claude Anton kay Elizabeth. Sanay naman siya na bigla na lamang susulpot ang Mama niya sa kanyang unit, the only difference today is that he is with Charlotte. Alam niyang ang bilis gumawa ng kuwento ng Mama niya.
“Magandang gabi po, Ma’am.” Kinakabahang sabi ni Charlotte.
“Good evening too. Ako dapat ang magtanong, what are you doing here, Charlotte? Akala ko ba ay wala kayong relasyon?”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ni Elizabeth.
“Naku Ma’am! Wala po talaga kaming relasyon ni Antonio. Isa pa po, Malabo pong magkakaroon kami ng relasyon, una po, boss ko po siya, pangalawa po, may Pangga na po ako, pangatlo, mahirap po na magkaroon kami ng relasyon, sasakit po ang ulo at puso ko.” Tuluy-tuloy na sabi ni Charlotte. Nakasimangot na tumingin sa kanya si Claude Anton.
“At bakit naman sasakit ang ulo at puso mo?” Nakataas pa in ang kilay na tanong ng Mama ni Claude Anton. Nasa loob ito at sila ay nasa labas pa rin ng unit.
“Ah, Mama, baka po gusto muna ninyo kaming papasukin na dalawa.” Si Claude Anton.
“Later, nagtatanong pa ako.” Pagtataray nito sa anak.
Hala! Mas lalo yatang kinabahan si Charlotte. “Ma.” Awat ni Claude Anton sa ina.
“Ay, Ma’am, ganito po talaga yun, kaya po kami nandiritong dalawa kasi po sobrang lakas po ng ulan sa labas, baha na po sa daan papunta sa amin, nag offer po si Antonio, I mean Sir na dito na lamang daw po ako sa unit niya matuutulog, wala naman po talagang ibang ibig sabihin, hindi po niya ako girlfriend Ma’am. Promise, honesto po.”
Umandar na naman ang bibig ni Charlotte. Napailing na lamang si Claude Anton. “Ma, that’s true, we’ve met my friends to talk about something. Napatagal kaya ginabi sa daan, hindi naman naming alam na uulan ng ganito kalakas. She will just sleep here as a visitor, nothing more.”
“Okay fine! Sige, tumuloy na kayo at aalis na ako, surprise visit lamang sana ito pero ako yata ang nasorpresa.”
“Ma.”
“Pasok, don’t worry, basta ba bibigyan lamang ninyo ako ng maraming apo, okay na sa akin.” Sabay kindat kay Charlotte.
“Ma!” Siya yata ang naeskandalo sa sinabi ni Elizabeth.
“Don’t deny Claude Anton, I’ve been to your room and..” Bulong sana nito pero agad na pinutol ng binata.
“Dito ka na lang din matutulog, Ma. Umuulan pa po sa labas.” Agad na sabi nito.
“I have my car and a driver, besides, kahit bumagyo sa labas, hindi bahain ang daan papunta sa mansion, alam mo yan.” She looked at Charlotte na nakatingin lamang sa dalawa. “Ikaw na ang bahala sa anak ko, wait, I have my calling card with me, in case of emergency, please don’t hesitate to give me a ring.” Kumuha ito ng calling card sa wallet at agad na ibinigay sa nakanganga ng si Charlotte, wala namang nagawa si Claude Anton.
BINABASA MO ANG
Crush Back
HumorCharlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na talaga niyang maghanap ng mapapangasawa. Kaya ba kahit ano gagawin niya, para lamang mag wok-out ang...