Fourteen

24.4K 304 28
                                    

CHAPTER 14: HANG-UPS AND FRUSTRATION

Kakauwi ko lang galing sa ospital. Dalang araw lang ako dun. Aside kasi sa mga bruises and swollen feet and hands, ok na ko. Wala naman permanent damage. Trauma lang. Goodluck nalang sakin kung makalabas pa ako sa bahay ng gabi.

Hinahanap niyo ba papa ko? Nasa Dubai po siya. Kakabalik lang po niya dun. Kapatid po ni Papa si Ninong Armalite. Yun po talaga pangalan ni ninong. Si Granpa napangalan kay Ninong Armalite, BRA-TA-TAT daw kasi si Granma nung pinagbubuntis si ninong. Ayan tuloy napala. Ayos lang naman si ninong sa pangalan niya. Wahaha. Takot lang ng mga sundalo sa kanya. Back to Papa, nung nalaman niya gutso na niya kaagad umuwi. Sinabi ko lang na wag na since naandito na si Khalil na magbabantay sakin. Tapos ayun nag heart to heart talk si Papa at Khalil. Eventually pumayag na si Papa na wag nang umuwi. Pero bantay sarado daw ako. Pati grounded!!!!!! Bawal lumabas ng walang kasama. PSH.

Kakapasok ko palang sa kwarto ko, lahat sila nasa baba. Magpapahinga sana ako. Hihilata na sana ako sa kama.....

"KATH! MAY BISITA KA!!" sigaw ni Mama. Nantokwa. Hihiga palang may bisita nanaman.

Agad na akong bumaba. Wala pa ako sa sala, sumalubong na sakin ang umiiyak na Angge, hanggang sa niyakap niya ako ng mahigpit. At patuloy pa rin siya sa pagiyak.

"Sor-ry Kath. Sor-ry tala-ga. Ako dap-at un eh. Hin-di ko alam. So-rry talaga.." iyak niya. Niyakap ko lang siya at hinaplos ung buhok niya.

"Ayos lang un Angge. Wala namang may gusto nun eh. Tsaka ok ako. Un ung mahalaga." pagcomfort ko sa kanya.

Totoo ung sinabi ko. HIndi ko sinisisi si Angge sa nangyari. Wala akong sinisisi. Wala namang may gusto nun hindi ba? Pwera lang sa pesteng Raymond na yun.

Kasama ni Angge ung nanay niya. Kasalukuyang kausap si Mama. Yes. Mother's talk. Samantalang kaming mga kabataan naandito sa labas. Wala lang nakaupo sa gilid ng kalsada. Usap-usap lang ganun.

Kausap ni Diego si Julia. Si Dj syempre si Angge ang kausap. Buti nalang naandito na si Lil. Siya kausap ko.

Ang imba diyan, ako ung kausap pero kay Julia nakatingin. >.<

"Kath. Gaano niyo na katagal kakilala sila DJ?" tanong sakin ni Lil.

"Hmm. 3 months?"

"Nanliligaw ba sila senyo?"

"Bat di mo pa diretsohin? Bakit hindi mo pa itanong sakin kung nililigawan ba ni Diego si Julia?" biglang nalungkot ung mukha ni Khalil sa sinabi ko.

"Tignan mo sila." tingin naman ako kila Julia.

Kinukurot ni Julia si Diego habang tumatawa. What a nice view for Khalil. Note the sarcasm.

Saglit din kaming natahimik ni Khalil.

Pinagmamasdan lang namin ung kalsada, more on nakatingin sa kawalan.

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon