CHAPTER 29: THE TALK
Kanina pa ako nakatayo sa labas ng bahay nila. Nagdadalawang isip kung pipindutin ko pa ba talaga yung doorbell. Paggising ko kasi kanina hindi na ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bat ganun ung nararamdam ko. Parang may mali. Kinabahan ako kaya tinawagan ko sila mama. OK naman daw sila. Tinawagan ko ang buong tropa ok lang naman sila.
Pwera nalang sa kanya.
Hindi niya sinagot ung mga txt at tawag ko kaya pumunta na ako mismo sa kanila.
Huling kita ko sa kanya nung binuhat siya ni DJ papalabas ng bahay nila Kath.
Ok lang kaya siya? Maayos na ba siya? Magaling na ba ang mga paa niya? Andmi kong gustong itanong sa kanya kaso hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya pumunta na ako dito.
Kaso nung naandito na ako, napaisip ako. Ano bang karapatan kong magtanong-tanong? Ano bang karapatan kong magalala. In the first place bat ba ako nagaalala?
Pipindutin ko na sana ung doorbell nila nang bumukas ang pintuan nila. Lumabas ang mama niya sa pinto at binuksan ung gate.
"Khalil. Pasok ka." pa-anyaya ng mama niya.
"Tita pano niyo po nalaman na nasa labas ako? Eh hindi pa naman ako nagdodoorbell." tanong ko habang pumapasok kami sa bahay nila.
"Sabi sakin ni Andy papasukin ka. Kanina ka pa niya nakikita sa labas ng bahay eh."
"Ah. Ganun po ba? Asan po ba siya?"
"Nasa kwarto niya. Sige akyat ka na. Hindi pa siya makababa eh. Masakit parin kasi ung paa niya. Alam mo na naman kung nasaan ung kwarto niya diba?"
"Ung sa attic po?"
"Yes."
"Sige po tita. Thank you po."
Naninibago ako sa aura ngayon ng bahay nila. Dati kasi pag naandito ako kasama sila Kath, comfty and homey ang ambiance. Pero ngayon ang tahimik, ang lungkot. Pagsinusuprise visit namin si Andy lagi namin siyang naabutan nagpapatugtog sa laptop. Pero ngayon walang ingay. Masyadong nakakarindi ung katahimikan.
Hindi ko alam kung bakit parin ako kinakabahan kahit alam ko na ok na siya. Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto niya, mas lalong tumitindi ung kaba ko. At nang marating ako sa kwarto niya. Tumigil muna ako sa pintuan niya.
Tumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot kaya pinihit ko na ung doorknob at dahan-dahan binuksan ko ung pinto.

BINABASA MO ANG
One More Chance. [Fin.]
Fanfiction#OMChance - "Kung hindi tayo ang para sa isa't isa lumaban tayo Kath. Ayoko ng iba." DJ.