CHAPTER 31.1: BATTLE OF THE EX'S
(Kath's POV; WEDNESDAY)
"Anak."
*knock knock knock*
"Anak? Nasa baba si DJ."
*knock knock knock*
"Kath, masama ba pakiramdam mo? Gagamitin ko na ung susi. Papasok na ko."
*door opens*
"Kath?"
Nararamdaman ko na papalapit na ang mga yabag ni Mama. Sige lang Kath. Magpanggap ka lang na tulog ka. Galingan mo pa.
Di ako dumilat at naramdaman kong nilapat niya ung kamay niya sa noo ko.
"Wala ka namang lagnat." bulong ni Mama sa sarili.
Pagkatangal niya ng kamay niya sa noo ko, biglang nanahimik ung paligid. Tapos narinig kong sumara ung pintuan. Umalis na ata si Mama eh.
Minulat ko ung isa ko mata.
Agad ko ring pinikit kasi nasa kwarto pa pala si Mama. Buti nalang hindi niya ako napansing nakatingin sa kanya.
Nararamdaman ko nanaman na papalapit si Mama. Tinapik-tapik ako niya, with matching alog. "Alam kong nagtutulug-tulugan ka lang Kath."
Lazily i opened my eyes, para kunwari kakagising ko lang talaga kahit 3 oras na akong nagpapagulong-gulong sa kama. "Mama. Bat po naandito kayo? Ang aga niyo naman po akong ginising. Wala pong pasok. Sinuspend po kasi baha." with matching kutkot ng mata.
"Sabi na kanina ka pa gising eh." nakangiting sabi ni Mama. Hala! Pano niya nalaman?
"Po? Hindi po ah."
"Paggising mo Kath, ang sasabihin mo lang sakin ay, 'Mama naman eh' tapos ngayon dami mong sinabi. Pinaghandaan mo." sabi ni Mama sabay wink. "Kung ako sayo Kath, babain mo na si DJ dahil kanina pa yan nasa baba. Nagtampuhan kayo no? Sige na. Maligo ka na dali! Para makakain ka na ng almusal." at lumabas na siya ng kwarto.
Waaaaaaah. Nakakainis. Bat kasi nandito siya eh. >.<
9 na ng umaga, actually quarter to 10 na. Kanina pa akong 7 gising. Kaso ayoko pang bumaba kaya nagpagulong-gulong muna ako sa kama. Nung tumayo naman na ako, biglang kumatok si Mama at sinabing nasa baba daw si DJ, takbo ulit ako sa kama at nagkunwaring tulog.
Hindi ako galit kay DJ. Nagtatampo lang. Nagseselos lang. Pero hindi ako galit. Alam niyo naman yun diba? Naiintindihan niyo naman ako? Kaya ayoko muna sana siya makita. Kaso napansin na ata niya na iniiwasan ko siya eh. >.<
BINABASA MO ANG
One More Chance. [Fin.]
Fanfiction#OMChance - "Kung hindi tayo ang para sa isa't isa lumaban tayo Kath. Ayoko ng iba." DJ.