Seventeen

24.2K 344 64
                                    

CHAPTER 17: "IF IT'S NOT HAPPY, THEN IT IS NOT THE ENDING"

"Khalil?"

"Oh, Kath! Bat parang nakakita ka ng multo?"

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Akala ko namalikmata lang ako na si Khalil ung nasa harap ko. Pero hindi ako nagkakamali. 

Si Khalil ang nasa harap ko.


Iniwan ako ni Dj.

"Kath? Ok ka lang ba?" 

Bumalik ang atensyon ko sa nagaalalalang si Khalil. "Yup. Ok lang. Eh ano naman kung iniwan ako ni Dj?"

"Ha? Hindi ko narinig ung huli mong sinabi."

"Sabi ko tara na."

Tinitigan muna ako ni Khalil na parang tinatansya kung sigurado ba ako, nagkibit-balikat lang siya at hinatak ako papalabas ng school. Nagpaalam lang kami kay Kuya Guard tapos naglakad na kami papauwi.

Nasa Village 4 lang din ung bagong tinitiran ni Khalil. Condo, nasa bandang gitna nang village 4. Samantalang kami naman nasa bungad lang.

"Pano mo nga pala nalaman na nasa school pa ako?" tanong ko.

"Ah. Nabanggit ni Julia nung break ko. Ung last subject ko, late natapos. Paglabas ko nakasalubong ko si Ate Chris. Nasabi niya nasa loob ka pa daw kaya hinintay na kita." paliwanag niya.

Nagkwekwento lang si Khalil ng mga kaganapan sa buhay niya, Gusto ko man intindihin ung kinukwento niya, hindi ko magawa. Iniisip ko kasi, kung bat iniwan ako ni Dj.

Ok. Kasalanan ko din naman. Hindi ako nagsabi na sabay kaming uuwi hindi ba? Pero diba understood na yun. I WAS KIDNAPPED. Tapos hahayaan niya ako umuwi magisa sa gabi? Pero dati kahit hindi namin sabihin hinahatid naman niya kami ni Julia.

So pag hindi kasama si Diego at Julia, hindi na niya ako ihahatid, so parang napipilitan lang siya nung mga pahanong yun. Ganun ba?

Hindi naman siguro. Sana hindi. Haaay.

"Kath!!!!"

Halos mapatalon naman ako sa gulat. Sigawan ka ba naman sa tenga eh. Tama bayun? Agad ko namang tinarayan si Khalil.

"Kailangan sa tapat talaga ng tenga sumisigaw?" taas ko ng kilay sa kanya.

"Tignan mo to. Kanina pa ako nagkwekwento tas hindi ka nakikinig? Nasasayang laway ko!" drama ni Khalil.

"Wag kang magdrama. Hindi bagay sayo. Para kang bakla." bulong ko.

"OY! SINONG BAKLA?"

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon