Six

28.5K 374 27
                                    

            “When was the last time you thought of me? Oh have you completely erased me from your memory. I often think about where I went wrong. But don't you remember? Don't you remember the reason you loved me before? Baby, please remember me once more. When, will I see you again?


CHAPTER 6: NO, IT DOESN'T BREAK-EVEN

Ang ganda ng gising ko kinabukas. Maaga sa usual na gising ko, which is good kasi ipagluluto ko si Dj. Alam niyo na thank you ko sa pagdala niya sakin kahapon.

Tinext ko na kagabi si Diego kung anong pwedeng iluto para kay Dj. Naninigurado lang. Baka masayang effort pag nagluto ako tapos allergic pala siya dun.

Sabi sakin ni Diego, wala daw allergy sa kahit anong pagkain si Dj. Kahit ano daw kinakain nun. Nadagdagan nanaman ang nalalaman ko kay Dj. Kaya naisipan kong magluto ng carbonara. Wag ka! Yan ang specialty ko! Iba yan sa karaniwang carbonara. Nilalagyan ko kasi ng shrimp para mas masarap.

Pagkatapos ko magluto ay pinalalamig ko muna ng konti ung pagkain bago ko ibalot. Habang hinihintay kong lumamig naligo na ko at nagayos ng gamit.

*Ding Dong*

Agad akong pumunta sa gate at binuksan ito para makapasok si Julia. Kinain naming ung natirang carbonara. Nang mabusog na kami napagpasyahan na naming umalis. Nagpaalam lang ako kina mama at sinabing may natira pang carbonara para sa kanila ni papa.

Malapit na kaming malate ni Julia kaya tinakbo nanamin ung corridor. Nakita naming ung teacher namin na naglalakad papasok ng room kaya binilisan pa naming lalo. Pag naunahan ka kasi ng prof sa room. Considered late ka na. Un ung rule niya. Ha! Naunahan naming siya kala niya!

Kaagad kaming dumeretso ni Julia sa kanya-kanya naming upuan. Math subject to. Advance algebra. Isa to sa mga subjects na katabi ko si Dj. Nakatingin lang siya sakin nng pagupo ko. hingal na hingal kasi ako eh. Wala pang ilang Segundo ay pumasok na ung prof.

“Gandang exercise sa umaga yan Ms. Montes and Ms. Bernardo.” Natatawang bungad samin ng prof.

Nagturo lang saglit ung prof at umalis na dahil may meeting daw sila. Ayos na sana eh. Kaso nagiwan pa ng seatwork. Opo! Seatwork ang iniwan niya hindi assignment. Kailangan din ipasa mamaya pagkatapos ng time niya.

Pagkaalis niya kaagad na nagkagulo ang klase. Ang seatwork nagging group work! Haha! Alam niyo yan. ;)

Bali ang gagawin namin, magsasagot kami ng kahit ano tapos magcocompare-compare ng sagot. Pag last 15 minutes na. Share-share na ng sagot. 20 items ung iniwan ni sir. Sinple lang naman ang instructions.


“Find X.”

Ang dali lang no? Akala niyo lang. T.T

Nung highschool ako favorite ko ang algebra. I mean, divide dito, multiply dun, equate dito, then that’s it! Masosolve mo na ung X. Kaso pagdating ng college, nagiba na. PAHIRAP NA ANG MGA X. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.

One More Chance. [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon