CHAPTER 28: 14
(The Next Day; Third Persons' POV)
Past 3 na ng hapon nang magising si DJ. Since Sunday naman, wala siyang pinagaalala nabaka malate siya or something. Sa isang tao lang siya nagaalala, kay Kath.
Kanina pa siya tumatawag kila Kath kaso walang sumasagot. Kanina pa rin niya tinetext at tinatawagan ung cellphone ni Kath, kaso wala pa rin.
Nagaalala na si DJ. Sobrang nagaalala na.
Naghahalo ang mga pwedeng mangyari sa utak niya, feeling niya galit sakanya si Kath. Kasalanan din naman niya eh. Tinangay niya si Mandy tapos hindi man lamang siya nagtext, not even once. Ang sakanya naman kasi, paano niya itetext si Kath kung laging nakatingin si Mandy sa kanya. Tapos late na siya nakauwi kaya hindi siya nakadaan kila Kath. Actually dumaan naman talaga siya kila Kath eh. Diba, magkatabing bahay lang si Kath at Mandy. Dumaan naman talaga siya. Kaso sarado na lahat ng ilaw kaya inassume niya na tulog na lahat ng tao. Aside dun, feeling ni DJ may masamang nangyari kay Kath.
Shet lang, mas ok na galit si Kath sa kanya kesa may mangyaring masama dito. Baka hindi niya mapatawad ang sarili niya pag nawala pa sakanya si Kath.
Gustong puntahan ni DJ si Kath. Kaya lang natatakot siya. Natatakot siya na pagpumunta siya kila Kath, eh makita niya si Mandy. Pero nangibabaw parin ang pagaalala kay Kath, kaya nagbihis siya at nadesisyon pumunta sa bahay ng girlfriend niya.
Mabilis na nakarating si DJ kila Kath. Magdodoorbell na sana ito, ang kaso lang napansin niya na bukas ung gate nila.
Sobrang kinabahan si DJ sa napansin. Never pa kasing naiiwan nila Kath na bukas ang gate nila. Mas lalo nga silang naging paranoid sa pagsara nung gate nung nakidnap si Kath. Kaya kung anong takot niya nalang nang mapansin niya yun.
Agad siyang pumasok sa loob nila Kath. Eto pa ang nakakabigla, nakasara ang front door nila. Kaso hindi din nakalock. Shemay. Ano bang nangyayari. Kaagad na pumasok si DJ.
"Kath?" he stuck his head inside the door. Nang wala sumagot sa kanya pumasok na siya.
"Kath" Nang wala siyang makitang Kath sa living room agad siyng dumeretso sa kwarto ni Kath.
He slowly opened the door and stucked his head. "Kath?" Narelieve naman siy nung may nakita siyang bulk sa kama.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Baka kasi tulog si Kath kaya marahan siyang lumapit dito.
Napangiti nalang siya nang matanaw niya ang gilfriend niya na mahimbing na natutulog. Umupo siya sa gilid ng kma ni Kath at pinagmasdan ito. Wala lang, gusto lang niya pagmasdan ang girlfriend niya. Sobrang namiss kasi niya ito nung pumunta siya ng Singapore.
Busy siya sa pagtitig kay Kath ky may napansin siya dito. Medyo maputla kasi si Kath at parang namamaga ang mata. Agad na nilagay ni Dj ang palad niya sa noo nito para tignan kung may lagnat si Kath.
BINABASA MO ANG
One More Chance. [Fin.]
Fanfiction#OMChance - "Kung hindi tayo ang para sa isa't isa lumaban tayo Kath. Ayoko ng iba." DJ.
![One More Chance. [Fin.]](https://img.wattpad.com/cover/1150641-64-k390799.jpg)