Zelina "Grasa to Prinsesa"

757 37 0
                                    

Chapter1

Nakaupo si Zelina sa siwang ng maliit na pintuan ng bahay nila pero hind naman iyon matatawag na bahay dahil sako lang ang dingding nito at bubong.Pinagmamasdan niya ang kanyang mga kalaro sa tambakan ng basura.May nag aagawan at nagsisigawan.

Kinse anyos na siya at nagdadalaga kaya pinatigil na siya ng kanyan ina na mamalimos dahil natatakot itong baka mapano siya sa labas kapag napag-tripan siya ng mga addik at lasenggo sa kanilang lugar.

Hindi rin pangkaraniwan ang taglay niyang ganda habang lumalaki ito ay tumitingkad ang kanyang ganda at taglay niya ang makinis na kutis,matangos na ilong at chinitang mata at ang bilugang mukha na bumagay sa kanya.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay panalangin ni Zelina na sana magbago ang kanyang kapalaran.Hindi rin man lang niya nasubukang pumasok sa eskuwelahan para makapag-aral.
Dahil walang pambayad sa kanyang pang matrikula.Kokonti lang ang alam niyang basahin at isulat.

Kahit nais niyang maghanap ng trabaho ay sino naman ang tatanggap sa kanya na "no read-no write" kaya minsan sinasamahan nalang niya ang kanyang Nanay sa pagsasad-line nito bilang labandera.Tinutulungan niya itong magbanlaw at magsampay habang naglalaba ito ng sarkaterbang labahin.

"Zelina anak,halika ka na, kain na tayo," tawag ng kanyang ina na katatapos lang magprito.Na kahit hindi niya iyon tanungin sa kanyang Nanay kung anong ulam ay sigurado siyang tuyo iyon.

"Nay, ang bango ng ulam natin," biro niya sa kanyang ina para hindi ito panghinaan ng loob.Na tuyo na naman ang ulam nila.

"Anak, pasensiya ka na ha? Heto lang ang nakayanan ni Nanay. Hayaan mo sa susunod, pagnakaraos si nanay bibilhan kita ng fried chicken mo," nakangiti nitong sabi sabay haplos sa magaspang niyang buhok na hindi man lang nakakatikim ng shampoo.

"Okay lang po ako nay. Isa pa dalaga na ako tulad ng sabi mo. Mag-ulam man tayo ng asin at tuyo basta walang iwanan." Saka sumalampak na ito sa sako para saluhan ang kanyang ina sa inihain nitong grasya.

Nais umiyak ni Zelina sa kapalaran ng buhay nila ng kanyang ina.Halos hindi niya malunok-lunok ang kanin na nasa loob ng bunganga niya.Naalala na naman niya ang kanyang ama na nang iwan sakanila sa ganitong sitwasyon.
Isang ama na sana ay responsibiladad nitong bigyan sila ng magandang buhay.

Pero hindi dahil iniwan sila ng kanyang ama noong limang taon palang siya kaya sinolo na ng kanyang ina ang pagpapalaki sa kanya.Lagi noon umiiyak ang kanyang ina sa kadahilanang iniwan sila ng walang kuwentang ama niya at hirap na hirap na itinaguyod siyang mag-isa.Umulan man o umaraw naglalakad sila sa kalsada makalimos lamang.

Mapalad na ang matatawag sa kanila kapag nakaraos ng gutom at nakakain ng eksakto lang sa pantawid gutom.Nais niyang sisihin ang kanyang mga magulang sa binigay sa kanya na buhay.Pero ito talaga ang nakatakda para sa kanya.

"Nay, wala na po ba akong lolo at lola? Nasaan na po ang mga magulang mo Nay?" Naitanong niya sa kanyang ina.Hindi niya alam kung bakit naitanong niya iyon pero bigla nalang lumabas ang mga katanungan sa bibig niya.

Natigil ang ina niya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa kanya.
"Patay na sila," maiksi at mariin na sagot ng kanyang ina.

"Ano pong kinamatay nila?"

"Zelina, huwag ka ngang matanong!Sinabi ko na ngang patay na sila. Sa susunod huwag mo na silang ipaalala sa akin!" Galit na sabi ng kanyang ina.

Ngayon lang siya sinigawan ng kanyang ina.May galit ba ito sa mga magulang niya o totoo bang patay na ang mga ito?Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang nag bolontaryomg nagligpit doon.

Hindi na rin niya tinanong sa kanyang Nanay ang tungkol sa mga magulang nito.Dahil hindi naman yata nito balak ikuwento sa kanya kung bakit humantong ito sa ganung buhay.

Nagtungo si Zelina sa malaking puno kung saan siya laging nagpapalipas ng oras.Humiga siya sa malaking gulong doon at tiningala ang langit na punong-puno ng nagkikislapang mga bituwin.

Napangiti siya sa sarili niyang pangarap ang maging isang prinsesa sa malaking mansion.Na kahit hanggang pangarap lang iyon at walang kasiguruhan ay ipinagpatuloy niya sa kanyang isipan.

"Balang araw......"

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon