Zelina "Grasa to Princesa"

368 18 1
                                    

Chapter20

Nakahinga ng maluwag si Janeza ng makitang payapang natutulog ang ama sa hospital bed.Humpak ang mga pisngi at medyo nangingitim ang mga mata.

"He's fine now.Buti na lang at na admit siya agad rito.He was already showing of pneumonia.But don't worry magagaling ang mga doctor dito.As you can see,he's getting better."

"Salamat,Zelina.Kung hindi dahil saiyo,malamang ay lumala na ang kalagayan ni Tatay Lando," laking pasasalamat niya at hindi siya binigo ng kapatid.Pinaliwanag niya rito kung ano ang puno't dulo ng lahat kahit alam niyang hindi ito intresadong makinig sa mga paliwanag niya.

"Anything for you my sister.Hindi kita hahayang magdusa at maghirap.," may kinuha si Zelina na card,nakita niyang credit card pala.

"T-teka,ano'ng gagawin ko rito?Sobra-sobra na ang tulong na ginawa mo sa amin ni Tatay Lando."

"Ano ba ang dapat gawin sa isang credit card?Kung anuman ang nais mong bilhin,use that.That's one of your previleges for being my sister."

"P-pero----" Don't worry about me I have a job," tanggi ni Janeza.
"All in all,my salary is just enough for me.Salamat."

"Just keep it for emergency.Tawagan mo nalang ako kapag okay na ang lahat.By the way,may meeting pa ako.Mauna na ako saiyo," nagmadaling lumabas ito ng silid ay ngumiti ng matipid si Zelina.

"Zelina!"
Napalingon si Zelina sa gawi nina Grace at Andie na may na tray ng pagkain.Nakisalo ang dalawa sa table niya sa cafeteria.May oras pa para kumain siya kaya dumaretso na siya roon pagkagaling ng hospital.

"Okay ka na ba?Dinig ko dinala mo ang Tatay mo sa hospital at saka nagka-usap na kayo ng step-sister mo," usisa agad ni Grace.

Sandaling natigilan si Zelina bago matauhan.Nalala niyang malaki ang kasalanan ng kanyang ama ngunit napatawad na niya ito dahil sa mga paliwanag ni Janeza.Nilunok muna niya ang pagkain sa bibig bago sumagot."Yes.Naagapan naman ng doctor ang lumalang sakit niya."

"Ano raw ang dumapong sakit sa Tatay mo?"

"Pneumonia."

"Dahil sa alak at sigarilyo kaya naluto na ang bara ng tatay mo.."

"Kaya raw hindi gumagaling ang ubo nito dahil hindi lang ordinaryong ubo ang dumapo sa kanya.Kaya noong nahimatay ito at wala silang pera nilapitan ako ni Janeza.Hindi ko naman siya matanggihan dahil kapatid ko siya sa ama."

Napatango-tango si Grace at Andie.

"Zelina,alam mo ba ang latest chika?May bagong external secretary si
oh-gorgeous-macho-president," wika ni Andie.

Ano naman ngayon?Don't care...

"And take note,ang ganda,Zelina.Ang sexy pa!" pakli pa ni Andie."At ang issue, mukhang may secret affair ang dalawa."

Nagpanting ang tainga ni Zelina."Secret affair?"

"Oh,yes!Gabi-gabi silang magkasama.Plus,nakita pa ng manager natin na lumabas silang dalawa sa isang hotel," chika pa ni Grace.

Nagsalubong ang mga kilay niya.Hindi pa nga tayo kasal nagtataksil kana.Hayop ka!
"May relasyon ba silang dalawa?"

"I think so," sagot ni Grace."Hindi naman magiging malaking issue iyon kung wala.Bagay naman kasi sila.Ang ikinaprapraning lang ng iba ay ang kaisipang hindi na single si Mr.President.Ang dami pang tumatawag.Akala pa business transaction,yun pala tsismis lang ang habol.Hintay-hintayin lang natin,baka mayamaya may magbigti na sa kanila dahil sa isyung iyon."

May pake ba talaga siya?Or wala talaga siyang pake?Bakit affected much siya sa issue ni Mr.President.Isa na ba siya sa mga babaeng naghahangad nang pag-ibig nito at ngayong may karelasyon na ito ay isa siya sa mga magbibigti?Pero bakit sinusundot siya ng inggit.Ah ewan!

Susubo na sana ng ulam si Zelina ng makita kung sino ang dumaan sa labas ng cafeteria.Glass ang wall kaya kitang-kita niya kung gaano kasaya ang Presidente habang kasama ang isang napakagandang babae.

"Yon,o.Siya ang bagong sekretarya,"turo pa ni Andie.

Nagngingit si Zelina.Hindi niya nagustuhan ang isiping may isang taong inakala niyang totoo ay manloloko lang pala.Hayun pa ang nangangalabit na kung ano sa kanyang isip na nakakaimbyerna.But the woman was so gorgeous..
She is gorgeous too..

She is smart.Hindi niya uurungan ang anumang sagabal sa kanyang kompanya.Tama nga ang Lolo Arturo niya kung papaganahin niya ang utak niya magtatagumpay siya sa anumang nanaisin niya.Basta kilalanin niyang mabuti kung sino ang tunay na kalaban at kakampi.

He must find out what David planned for her.SHe cannot trust anyone lalo na't pera ang nakasasalay rito.Malakas ang loob nitong nakipaglapit sa kanya sa papamagitan ng charm nito pero handa rin siyang pabagsakin ito sa mga kamay niya.And that sexy-tary.Phew!Make-up lang naman ang nagdala at ang kaputihan nito na siguro ay dulot lang ng gluta.She is nothing to her.Trying hard to be pretty infront of David.She is not!


Humanda ka David.Sino sa tingin mo ang kinakalaban mo ngayon?I will never let anyone destroy me.Kung nadala man ako sa kasinungalingan mo hindi na mauulit pa iyon.
Galit na nilalalaman ng isip ni Zelina habang nakaupo na siya sa loob ng kanyang private office.

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon