Zelina "Grasa to Princesa"

540 31 1
                                    

Chapter4

Hazy na ang pakiramdam ni Zelina ngunit ayaw pa rin niyang tumigil sa pagko-konduktor.Ilang oras na lang at mag-alas tres na ng hapon.Limang oras na siyang nakatayo sa gitna ng kainitan.

Bigla siyang humakbang papalayo sa gitna ng kalsada dahil nakaramdam si Zelina ng pagkahilo.Kinurap-kurap pa nito ang kanyang mga mata ng biglang nagdilim ang kanyang paligid.Pinilit nitong makalayo sa lugar at pinilit niyang hinakbang ang kanyang mga paa pauwi sa munting tirahan nila.


Hinihingal na ito at habol hininga ng makarating at talamak na rin ng malalaking butil ng pawis ang kanyang mukha dahil sa hirap at pagud sa tinahak na daan patungo sa kanila.

Nakaramdam ng panghihina ang buo nitong katawan pero bago pa siya nawalan ng malay ay nakita na siya ng kanyang ina.At bago pa siya bumagsag sa kinatatayuan niya ay nasalo na siya nito.

"Anak.Anong nangyari saiyo?" tanong ng nanay niya na kagagaling yata nito sa pamumulot ng basura dahil may hawak pa ito na sako.Kinapa nito ang kanyang noo at napag-alaman nitong inaapoy siya sa lagnat.

Sininat ito dahil natuyuan ng pawis ang kanyang likod at nalipasan rin ito ng gutom.Pinunasan siya ng kanyang nanay ng maligamgam na tubig at saka pina-inom ng gamot.

Nais man siyang ipagluto ng Nanay niya ng makakain o kahit lugaw man lang para mainitan ang kanyang sikmura ay hindi nito puwedeng gawin dahil basang-basa ang buong paligid at bumaha na rin sa daluyan ng tubig sa maliit na kanal.Dahil umapaw na ang tubig ulan.

Hindi pa rin humuhupa ang lagnat niya at nag-aalala na ang kanyang ina dahil mainit pa rin siya.Madilim na rin ang paligid at mukhang wala ng balak tumigil ang malakas na ulan.Nakarinig rin sila ng malakas na kulog at sunod-sunod na pagkidlat sa kalangitan.

"Nay......" ani Zelina na hirap na hirap bigkasin ang pagtawag sa ina.

"Huwag kang mag-alala anak bukas dadalhin ka ni Nanay sa doctor.Sa ngayon, ay kailangan mo munang magpahinga," naiiyak na sabi ng kanyang ina habang hinahaplos parin ang mainit niyang noo.

"Ang lamig po,Nay."

Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng malakas na ulan sinamahan pa ng malakas na hangin.Sinabayan ng kanyang ina ang malakas na ulan ng pag-iyak dahil sa nakikitang pagdi-deleryo niya. Binalot siya ng kayang ina ng maraming damit para hindi siya lamigin at hindi mabasa ng ulan.

"Dito ka lang anak.Hihingi ako ng tulong," paalam ng kanyang ina.

Kinabukasan ay medyo humupa na ang kanyang lagnat pakiramdam niya ay medyo masakit parin ang buo niyang katawan.Ang natatandaan lang niya ay iniwan siya ng kanyang ina at sinuong ang malakas na ulan upang humingi ito ng tulong.
Saan naman kaya nagpunta ang nanay niya para humingi ng tulong?

Lahat ng nadaanan ni Lissa na kabahayan ay kinatok nito at hiningian ng tulong pero ni isa man lang ay walang nagbukas sa kanya o nagboluntaryo kung bakit siya nasa ganung sitwasyon at humihingi ng tulong sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Wala man lang tumulong kay Lissa.Isa nalang ang tumatakbo sa kanyang isipan.Ito nalang ang natitirang pag-asa na puwede niyang malapitan para sa kaligtasan ng kanyang anak.Lakad-takbo ang ginawa niya para makarating ng mabilis sa malaking bahay.

Nagdoorbell siya ng maraming beses pero wala man lang nagbukas ng gate sa kanya.Halos gusto na nitong gibain ang malaking gate para lang may makarinig sa pagsigaw at pagsuntok niya.Nanlumo itong naupo sa gate ng malaking bahay halos tatlumpot minuto na siyang nagsisigaw na buksan nila ang gate at nagdo-doorbell pero wala man lang nag abalang pagbuksan siya.

"Papa,may lagnat si Zelina Papa.Maawa ka sa apo mo," hagulgol ni Lissa ng maalala ang kalagayan ng kanyang anak.Nag-aalala na siya sa kalagayan nito at baka kung napano na?Iniwan niya itong mag-isa habang nagdedeleryo sanhi ng mataas na sinat.

Sumalampak siyang naupo sa gitna ng gate ng bahay.Niyakap niya ang kanyang sarili dahil hindi na niya makayanan ang lamig.Napayuko siya dahil sa panghihina ng loob.

"Kapit ka lang anak,makakaraos din tayo.Diyos ko kung nakikita niyo man po ang kalagayan namin ng anak ko.Palambutin mo po ang puso ng aking Papa." Munting panalangin ni Lissa sa Maykapal.

Muntik na siyang mapaigtad ng may bumusina sa kanya sa harap ng malaking bahay.Hindi niya alam na nakaharang pala siya doon.Dinipa niya ang kanyang mga kamay para patigilin itong pumasok.Dahan-dahan siyang lumapit dito.

Kinatok niya ang window sheild ng sasakyan.Ang transparent na mirror ng kotse ay halatang nakikita siya ng mga ito.Nais na niyang basagin ang salamin ng kotse sa inis pero nagtitimpi lang siya.

Dahan-dahang bumukas ang window shield at konting siwang lang iyon na halos hindi niya makita kung sino man ang nasa loob.Nang bumukas ang salamin ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabi nito ang kanyang sadya.

"Ako si Lissandra Magno ang anak ni Amanda Magno at ni Don Arturo Magno ang don na nakatira sa malaking bahay na ito.May lagnat ang anak ko.Kaya puwede bang papasukin niyo ako!I need to talk to my father," ani Lissa na kung sino man ang lulan ng kotse.Hindi na niya kailangan pang mag-aksaya ng oras dahil buhay ng anak niya ang nakataya at kaligtasan nito.

"This is urgent.If you don't open the door for me,I will blame all of you if anything happen to my daughter.I want to see my father right now!" sigaw ni Lissa na nakapa-meywang na sa kanila.Hindi na niya kayang kumalma dahil buhay ng anak niya ang nakasalalay dito.
She will now settle everything once and for all.

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon