Zelina "Grasa to Prinsesa"

496 26 1
                                    

Chapter8

Sa pagdating ni Zelina sa mansion ay siya naman ang umpisa ng pag-babagong buhay niya.At sa umpisa ng araw din na iyon ay hindi na niya masisilayan ang ngiti ng kanyang ina.Dahil sa kondisyon ng kanyang Lolo ay kailangan sumunod ang kanyang ina na mamalagi ito sa ibang bansa.Aalis na ang Nanay niya patungong States for the sake of her future.

"Papa,puwede ba akong mag-paalam sa anak ko.Gusto ko lang siyang mayakap bago umalis," ani Lissa sa ama nito na nakaupo sa may rocking chair habang pinapanood nito ang kanyang apo sa loob ng malaking kuwarto.

"What for?Baka hindi mo siya kayang iwan kapag nag-paalam ka pa," sagot ng Don sa anak.

"Pero...Papa---"

"Wala nang pero-pero.Just go.Nandiyan na ang sundo mo para maghatid saiyo sa airport.Umalis ka na bago pa magbago ang isip mo," pagtataboy ng Don sa anak.

Niyakap siya ng kanyang Mama at doon kumuha ng lakas ng loob.Nais man niyang yakapin ang anak ay hindi siya pinayagan ng kanyang ama.Linapitan niya ang cctv at hinaplos ang mukha ni Zelina.Lalong nadurog ang puso niya sa kaisipan na iiwan na niya ito.

"Anak,pangako kahit na anong mangyari tandaan mo na mahal na mahal ka ni Nanay.Magkalayo man tayo sa isa't isa dadalhin ko ang masayang alaala natin sa aking pag-alis," iyak ni Lissa habang pinapanood ang anak sa screen.
"I will miss you my Princess..My beautiful princess," hindi na napigilan ni Lissa ang mapahagulgol dahil pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kalahati ng buhay niya ang mawawala.

Hindi na rin ito mamumulot ng basura,hindi na ito mag-iigib ng tubig hindi na siya nito sasamahan sa paglalaba at makiki-paglaro sa kanya ng bula ng sabon sa batya.Hindi na nito makikita ang anak na palaging humihiga sa malaking gulong.At higit sa lahat ang makasabay kumain at makatabi sa pagtulog.

Pero ang magandang kapalit ng lahat sa kanilang paghihiwalay ay makaka-kain na ito ng masusustansyang pagkain at makakahiga na ito ng malambot na kama;ang kanyang prinsesa Zelina.Ang matagal na nitong pangarap na lagi nitong hinihiling sa Maykapal.

"Ma,alagaan niyo pong mabuti si Zelina," aniya habang nagpapaalam ito sa kanila.

"Huwag kang mag-alala anak kami ang bahala sa anak mo.Huwag kang mag-isip nang kung ano-ano.Isipin mo nalang na nasa business trip ka lang ng isang linggo," kalmadong sabi ng Donya.Hindi ito masyadong naapektuhan sa nangyayari sa pinagdaraanan niya.

"Maraming salamat po,Mama."

"Magpa-katatag ka anak.Alang-alang sa anak mo.Mabilis lang ang limang taon," ani Mama nito sabay tapik sa kanyang balikat.

Tama ang Mama niya kailangan niyang magpakatatag.Mas mabuti ng maging ganito ang kanilang sitwasyon kaysa magsisi siya sa huli.

Hindi niya puwedeng ipagkait sa anak ang buhay marangya na gaya ng ninais nito.Wala naman sigurong mawawala sa kanilang mag-ina.She can never be selfish sa sariling interest lang.

Sanay siyang nakikita ang anak at pinapasaya siya nito kahit tuyo' lang ang ulam nilang pagsasaluhan.She will be always her princess kahit na marumi ang suot nito.Wala naman sa suot o sa status kundi sa puso.

"Oh,hopefully I can't take it Mama!Ngayon palang parang ang bigat na ng loob ko," desperadong sabi niya.

"Anak,don't say that.It's not yet the end of the world.You must look at the bright side.Pasaan ba at malalampasan mo rin ang lahat ng ito.Pagsubok lang ito ng Diyos."

"Hanggang kailan ang kalbaryo kung ito Mama?Masamang ina ba ako para mangyari sa akin ang mga bagay na ito?Sa tingin ko ay hindi na matatapos pa.Ang dami ko nang pinagdaanan na pagsubok,Mama." Mapait na wika niya.

"Oh,anak.Don't worry everything will be alright.Just have faith to your father.You have to be strong for Zelina sake.Kung magpapakita ka ng kahinaan baka bumigay rin ang pag-asa mo."

She shook her head.She can't accept that.Kailangan niyang maging malakas at matibay para sa anak no matter what happened.Ano pa't nalampasan nilang mag-ina ang lahat ng pagsubok.

Bago lumipad patungong Amerika si Lissa ay dumaan muna ito sa dati nilang tinirhan ng kanyang anak.Pagdating niya roon ay para siyang artista na pinagtitinginan ng mga tao dahil sa suot niya.Isang tao lang ang nakakakilala sa kanya at walang iba kundi si aling Maria.

Dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito sa kanilang mag-ina ay ipinangako niya na siya ang magpapa-aral sa anak nitong dalaga ni si Grace ang kababata at kaibigan ni Zelina.At pagka-graduate nito ay bibigyan niya agad ng puwesto sa kanilang kompanya.
Binigyan rin niya si aling Maria ng pang-negosyo.Ibinili rin niya ng mga bagong damit at pagkain ang mga kalaro ni Zelina sa may tambakan ng basura.

Binalikan ni Lissa ang mga alaala nila ng kanyang anak sa maliit na bahay.Nang napansin niya ang dress na nakasabit sa may malapit sa higaan ng anak.Kinuha niya iyon at niyakap.Iyon ang damit na isinukat nito noong nakaraang araw.

"Anak....." ani Lissa.Ibinalot niya ang mga damit ni Zelina at itinago ito sa kanyang bag.Ang damit na iyon ang alaala na minsan ay naging grasa ang kanyang prinsesa.

Isang alaala na nag bigay aral sa kanyang anak.Na kahit sa hirap at ginhawa ay palagi silang masaya at puno ng pagmamahalan.

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon