Zelina "Grasa to Princesa"

382 21 1
                                    

Chapter24

Tinungo ni Zelina ang private office ng kanyang Lolo para maka-usap ito ng masinsinan.Gusto niyang iuurong ang nalalapit nilang kasal ni David dahil hindi naman siya nakakasiguro kung balak nga nitong angkinin ang kanyang puwesto.

Pero mas mainam ng maging alerto kaysa magsisi sa huli.Alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihan si Don Arturo pero kailangan niya itong makausap para ipaliwanag dito ang kanyang nalalaman.Kinatok niya ang pintuan at saka dahan-dahan na inikot ang door knob at inuwang ang malaking pintuan.Nasilayan ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ni Don Arturo habang abala ito at mukhang seryoso sa anumang binabasa nito.

"What can I do for you,my lovely Apo.May problema ba?" ani Don Arturo ng iangat nito ang mukha at saka itinigal nito ang pagbabasa.

"L-lo.." nauutal niyang simula.Kinakabahan si Zelina dahil ito ang unang araw na kakausapin niya ang kanyang Lolo magmula ng maging CEO siya ng kanilang kompanya.

Tiniis niyang hindi ito kausapin at palagi niya itong iniiwasan tuwing magtatagpo ang kanilang landas sa loob ng mansion na para bang may malaking pader na nakaharang sa kanilang dalawa.Nais ng basagin ni Zelina ang pader na iyon dahil sa kagustuhan niyang iurong ang kasalan na magaganap.

"Lo,gusto kung iurong ang kasal,"lakas loob niyang sabi sa abuelo.

"Why,Apo.May problema ba kayo ni David?Hindi ba kayo magkasundo?

"Mali ka Lo.Gaano mo kakilala ang mga Sanchez para pumayag kang ipakasal ako sa David na iyon?Hindi sila mabubuting tao."

"Anong pinagsasabi mo Apo.Ofcourse kilala ko sila, almost fifty-years ko nang kaibigan ang Lolo ni David.Ano bang problema?" Ulit ng Lolo ni Zelina.

"Malaki ang problema.Makinig po kayo sa akin.David is gaining the position for being CEO sa kumpanya kaya niya ako pakakasalan.Lo,naisip mo ba kung bakit siya pumayag sa kasunduan niyo." Histerikal niyang paliwanag.

Natawa naman ang Lolo Arturo niya sa tinutumbok niyang dahilan.Nilapitan siya nito at tinapik sa balikat."It will never happen,Apo.Habang buhay pa ang Lolo mo walang sinuman ang puwedeng pumalit saiyo sa kinasasadlakan mong puwesto." panigurado nito.

"But, how are you sure na hindi nga mapupunta kay David ang puwesto ko.Kapag pinakasalan ko na siya."

"Dahil nasa pangalan mo ang kompanya,Apo.Walang sinuman ang puwedeng umagaw no'n saiyo.You're the one and only owner of Magno Tower.Bago ko pinasa saiyo ang puwesto sinabay ko na ang pag-aayos nang testamento."

Napabuga ng hangin si Zelina at saka napayakap sa kanyang Lolo.Hindi niya inakalang mas matalino pala ang Lolo niya kaysa sa mga taong gustong angkinin ang kanyang kompanya.Baka naman gawa-gawa lang ng sekretarya nito ang akusasyon?Sobrang mahal na mahal pala siya nito.Hindi man lang niya naisip na bumawi pala ito sa mga kasalanan niya sa kanilang mag-ina.

"I'm sorry Lo," umiiyak niyang sabi.
"I'm sorry for being stubborn.For being so selfish.For being---"

"Shussh,tahan na.Patawarin mo rin ako,Apo.Kulang pa ang mga 'yan bilang kabayaran sa pagtalikod ko sainyo ng Mommy Lissa mo."

"Thank you po,Lo,sapat na po sa akin na nasa mabuti kayong kalagayan ni Lola Amanda.," sumisinghot pa niyang sabi sabay punas ng luha.

Niyakap siya muli ni Don Arturo.Dala ng sobrang tuwa nito sa pagsambit niya sa katagang Lolo ay biglang nakaramdam ito ng pananakit ng dibdib.Hinanap niya ang gamot ng Don sa lamesa nito saka pinainom.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso nito.Sabay silang lumabas ng kuwarto na may ngiti sa kanilang mga labi.Nginitian niya ang kanyang lola Amanda ng makita silang magka-akbay habang nakaupo ito sa rocking chair at nagbabasa ng paborito nitong libro.

"Apo,naiinggit ako," ani Lola Amanda niya sa kanila.
"Sali rin ako sa lambingan niyo,ha," natatawang sabi ng abuela niya saka masaya itong niyakap siya na animo para siyang batang paslit.Sabay silang naupo sa sala ng bahay at masayang nagkuwentuhan hanggang umabot na nang hapanunan.

Masayang ibinalita ni Zelina sa kanyang nanay Lissa na nagka-mabutihan na sila ng kanyang Lolo Arturo.Tinawagan niya ito sa pamamagitan ng long distance video-call dahil nasa business ang Nanay niya sa Europe.

Ibinalita rin niya sa kanyang ina ang tungkol sa Tatay Lando niya.
Nakaramdam ng tuwa si Zelina ng biglang naging masigla ang ina sa balita niyang iyon.Parang kumislap ang mga mata nito at nabuhayan ng loob.Totoo pala ang sinasabi nilang "Love is blind."

Siguro nga ay mahal parin ng kanyang ina ang Tatay Lando niya kahit na naging iresponsable ito.Nagbabalak rin ang kanyang ina na umuwi para dumalo sa nalalapit niyang kasal
At susunduin nila ito sa airport kasama ang Tatay Lando niya at ang kapatid niyang si Janeza.

Sa kabila ng kagalakan sa buhay ni Zelina ay may nangangamba palang panganib na naghihintay sa kanya.Ang masayang takbo ng buhay niya ay mapapalitan ng isang masamang trahedya.

Walang kaalam-alam si David habang himbing na himbing ito sa pagtulog ay tiNawagan ni Hannah ang mga tauhan nito at may ipinaasikaso.Kinakutyaba niya ang mga ito para ipakidnap si Zelina sa mga inutusan niyang kidnapers.Tinawagan niya ang mga ito sa mismong gabing iyon.

"Kidnapin niyo si Zelina.Ang nag-iisang apo ni Don Arturo," ani Hannah sa kabilang linya.

"Huwag kayong tatanga-tanga para hindi siya makatakas.Bantayan niyo at itali ang babaeng iyon," muli niyang salita.

"Magbabayad ako kahit magkano.Ilayo niyo lang ang babaeng iyon at huwag niyong hahayan pa na makabalik ng syudad.Itapon niyo siya sa malayong lugar at liblib na lugar dahil doon nararapat ang mga basura sa lipunan," ani Hannah na mala demonyo ang mga mata.

Sorry ka nalang Zelina.Dahil sa susunod na mga araw ay hindi ka na sisikatan ng araw.I will see you in hell like what I said.Alam kung mas karapat-dapat na mawala ka para walang sinuman ang puwedeng humadlang sa amin ni David.When your gone.Babalik na si David sa piling ko.At ako na muli ang magiging prinsesa niya at hindi ikaw.Hindi ko hahayan na magpakasal ka kay David dahil akin lang siya.

Tinungga ni Hannah ang hawak na wine mula sa kanyang mga kamay saka sinilip si David na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

'Im sorry David your princess Zelina will be dead soon," saka humalakhak ng nakakaloka na animo sinapian ng demonyo.Na sa tingin niya ay nasa kanya na ang huling halakhak."Magkakahiwalay man lang kayo na hindi nagpapaalam sa isat-isa.But dont worry David in your next life.Hanapin mo ang princesa mo sa empyerno," saka muling lumagok ng alak.


Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon