Zelina "Grasa to Princesa"

388 17 1
                                    

Chapter17

Nagtaka si Janeza ng madatnang madilim ang apartment pagkauwi.Napaisip siya.Gabi na kaya siguradong nakauwi na ang ama.Hindi kaya nandun pa ito sa mga kainuman niya?

Pinihit niya ang seradura.Bukas ang pinto.Pagpasok niya ay kinapa niya agad ang switch ngunit wala pa ring ilaw.

"Anak----"

Napaigtad si Janeza,sabay tili ng biglang may humawak sa kanyang braso.Nilingon niya ang ama na may dalang kandila.

"Anak,nagulat ba kita?Pasensiya ka na."

Napalatak siya."Bakit po walang ilaw?"

Nahihiya itong napayuko."Kasi..."

Nakagat niya ang ibabang labi.Tuwing sinsimulan ng ama ang pangungusap ng "kasi" ay parang alam na niya ang nangyari.Tama.Pasensiya.Again.

Nagpapakahirap siya upang matustusan ang pangangailangan nila at bayarin.Pero heto ang ama niya....parang pinagtatapon sa kung saan-saan ang perang pinaghihirapan niya.Isa pa ang mga barkada nitong mga walang pakialam sa pinanggalingan ng pera.


Inihit na naman ng ubo ang ama.Tinakpan ang bibig.Naawang napailing-iling si Janeza.Hayun na naman ang kakaibang tunog ng ubo nito. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng isang baso nang tubig saka kinuha niya ang supot na naglalaman ng mga gamot na nabili niya sa drugstore at ibinigay sa ama.

"Ubos na 'yong gamot n'yo nang makita ko kaninang umaga kaya bumili ako.Uminom na po kayo ng gamot,'Tay."

"Salamat anak dahil naging pasanin mo na ako magmula ng mamatay ang Nanay mo.Imbes na nag-e-enjoy ka---'"

"Tay,tungkulin kong pangalagaan ka dahil ama ko po kayo.Kahit na anong gawin ko at kahit balibaliktarin natin ang mundo,ama pa rin kita.Ayoko namang maging walang kwentang anak habang buhay pa kayo.Kaya Tay,kung maari lang magbago na po kayo.Kailan niyo po ba ititigil ang mga bisyo niyo?"

Nahigit niya ang hininga.Matagal na siyang pinagsasabihan ng ama na puntahan ang kanyang kapatid ngunit nauuna ang takot niya.Ilang beses na siyang pumunta sa Magno Tower pero hanggang sa labas lang siya dahil hindi niya kayang harapin ito.

Hindi rin siya mapapayag ng kanyang ama dahil siguradong malaking gulo ang aabutin niya.At baka mapagkamalan pa siya nitong mukhang pera dahil sa kanilang ama.Kahit papano ay may pride pa rin naman siyang natitira.

Pero sa kalagayan nila ngayon ng ama,she would willingly grab the apportunity.Ayaw na niyang maghirap.Ayaw na niyang mag-isang pasanin ang lahat ng problema nila.Hindi naman masama na gusto niyang humingi ng tulong sa kanya.Hindi rin masamang tanggapin ang isang tulong na ihahandog sa kanya.

Ilang beses na niyang tinanong ang sarili kung tama ba ang disisyong gagawin niya.Pero maaring ito rin ang solusyon ng mga problema nila.As the saying goes,"If door closes,a windows open."

Kapag mapaki-usapan niya ang kapatid her financial problem will be solve.Tutulungan na siya nito parA sa gamot ng kanyang ama.Wala na rin siyang iisipin pang mga babayarin.Puwede na rin niyang mapatingin ang ama sa doktor sa lumalalang kalagayan nito.

Lahat ng problema nila ay siya lang ang pumapasan.Gusto na niyang sumuko pero hangga't my buhay may pag-asa.Ang mahalaga naisa-salba nila ang kanilang pamumuhay.Magiging fifty-fifty chance lang ang mangyayari.

If her sister help her in her crisis it's a very big help.Pero kung de-deadmahin lang siya nito ay wala na siyang magagawa dahil may karapatan naman itong magalit sa kanya.But she is hoping that her sister give her a helping hand to solve her financial.

Ilang beses na siyang nagtangkang lapitan ito tuwing nadadaanan niya ang Magno tower para kausapin ang kanyang kaptid pero sa huli hindi niya magawa dahil nauuna ang mga agam-agam na bumabagabag sa kanya.Paano kung hindi siya nito i-acknowledge bilang kapatid?Handa ba siyang tanggapin iyon?

Hopefully,lumambot ang puso ng kanyang kapatid kapag nakita nito ang kalagayan ng kailang ama.Kahit na naging iresponsable ito at nagkaroon ito ng malaking atraso sa kanila.

After all,Tatay niya rin si Tatay Lando.
"Sure!bukas na bukas pupuntahan ko ang aking kapatid." ani Janeza bago ipinikit ang kanyang mga mata upang makatulog na sa mahabang pag-iisip.

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon