Zelina "Grasa to Princesa"

402 16 0
                                    

Chapter16

Araw ng suweldo at nagkayayaan na mag-party ang mga tauhan ni Zelina sa kompanya.Bigla siyang nakaramdam ng tuwa ng marinig niyang magdi-disco ang mga ito.

Sumama siya dahil gusto niyang mawindang ang isapan at mawala saglit ang pinobroblema niyang kasunduan.Wala rin siyang balak magtagal dahil baka masabon na naman siya ni Don Arturo.

Naupo siya sa isang sulok at sinimsim ang glass of tequila na in-order niya.Noong una ay tikim-tikim lang ang ginawa niya hanggang sa naging panay na ang tungga niya sa wine.

Hindi nagtagal ay nalibang siya at nakipagsayawan pa sa mga katrabaho.Sa sobrang kalibangan niya ay hindi niya napansin na masyado na palang late.

"Oy,guys,late na.Kailangan ko ng umuwi."

"Why?Hindi pa tapos ang kasiyahan,ah," tudyo ng isang worker niya.

"I set the bill.Just enjoy your night." saka nagpasya ng umuwi at nagpaalam sa mga ito.

Tumayo na siya at nagsimulang maglakad palabas.Akmang papara na siya ng taxi ng may humintong motor sa kanyang harapan.Hindi niya maaninag kung sino ang nasa likod ng helmet na naka-angkas sa motor.Nakasuot ito ng puting tshirt na may nakapatong na jacket at naka-suot rin ito ng simpleng tight jeans.

Bumaba ito sa kina-aangkasang motor at tinangal nito ang suot nitong helmet.Nagsalubong ang mga kilay nito na animo pinagkamalan siya nitong GRO sa pinanggalingang mumurahing bar.

"Kababae mong tao pero lasinggera," wika ni David sa kanya.Bago pa mahulaan ni Zelina ang gagawin nito ay isinout na ni David sa kanya ang isang extra helmet at inilagay iyon sa kanyang ulo.

"What are you doing? I'm not....Naki-jamming lang ako."

Umangkas na si David sa motor.Nakutalala pa rin siyang nakatingin dito habang pinapaandar nito ang engine ng suzuki.First time rin niyang aangkas ng motor kung saka-sakali.Natatakot ito na baka mahulog siya pag hindi siya napakapit ng maayos.

"Oh!Ano pang tinatayu-tayo mo diyan angkas na." ani David sa kanya.

"Takot akong sumakay ng motor, eh.Mag-taxi nalang ako pauwi," pagsisinunangaling ni Zelina sa lalaki para maiwasan niya ito.

"Come on!Just hoppi'n.You won't fall baby just grab my waist tight." paliwanag nito.

"No!I won't.Isa pa,baka kidnappin mo pa ako.I don't follow to strangers."

"Stranger ba ako para saiyo?I'm your future husband,okay.
Prinoprorektahan ko lang ang magiging misis ko.Aangkas ka ba sa motor ko o gusto mo na naman masermonan ni Lolo Arturo?" pananakot ni David sa kanya.

Pagkarinig sa pangalan ni Don Arturo ay medyo nakaramdam siya ng konting takot.Dahil wala na siyang pagpipilian pa ay napilitan siyang umangkas sa motor nito.Pagkasakay niya ay napakapit siya sa balikat ng lalaki at muntikan na siyang matumba ng bigla itong nagpreno.

"Hoy,mister.Papatayin mo ba ako!Dahan-dahan ka naman sa pagpre-preno mo," ani Zelina na hindi alam kung saan kakapit.

Hinanap ni Mr Sanchez ang kanyang mga kamay at iniyakap ito sa beywang niya.Lalong napadikit siya sa lalaki at naramdaman niya ang malambot nitong likod.

Naamoy rin niya ang pabango na gamit ng lalaki.Ipinilig niya ang kanyang ulo sa likod ng lalaki at ipinikit ang kanyang mga mata.Hindi niya alam kung saan sila patungo basta sumabay nalang siya dito at hindi na nagprotesta pa.

"Aalis ka na,Anak?"
Palabas na ng apartment si Janeza ng biglang tawagin siya ng ama.Lumingon siya at halatang nahihiya itong hinabol siya.

"Oh,anak.Don't worry everything will be alright.Just have faith to your father.You have to be strong for Zelina sake.Kung magpapakita ka ng kahinaan baka bumigay rin ang pag-asa mo."

"Tay,ano naman klaseng lambing yan.Natignan niyo na po ba ang laman ng ref?O dapat bang sabihing,loob ng ref?"marahas na napabuga ng hangin si Janeza.Hindi pa rin nagbabago ang kanyang ama hanggang ngayon ay panay parin ang bisyo nito.

Napakamot sa batok ang ama nito.
"Kasi....anak,may utang pa ako kay pareng Pepe.Kaya yung perang binigay mo pinambayad ko na sa kanya."

"Tay,tigilan mo na kasi ang pagsusugal.Hindi na nga kayo nakakatulong nakakadagdag pa kayo ng problema ko sa mga babayarin.Sige na po,aalis na ako," akmang tatalikod na siya ng tawagin siya uli nito.

"Anak may pera ka ba diyan.Kailangan ko kasi ng pera."

Kabibigay lang niya ng pera kahapon sa ama at ngayon ay humihingi na naman ito sa kanya.Kung maari lang ay hahayaan na niya ang kanyang ama kung hindi lang siya naawa rito.Kahit pa mabisyo ang ama nito ay ama parin niya.

Kung wala lang siyang konsensiya ay baka matagal na niya itong nilayasan.Halos araw-araw na siyang nag-o-overtime sa trabaho para matugunan ang lahat ng pangangailangan nila.

Naikuyom ni Janeza ang kamay at ipinikit ang mga mata.Sunod-sunod na huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili.Bakit ba siya nagkaroon ng ama na ganito kairesponsable?

Ipinagmamalaki ng kanyang Tatay Lando na may anak itong mayaman sa una nitong naging asawa.Pero ilang taon na nitong tinalikuran ang unang pamilya at baka hindi na rin nila ito kilala.Ang kapatid niyang multimillioner dahil mayaman ang lolo nito.

Pinipilit siya ng kanyang ama na hanapin ang kanyang kapatid pero ano naman ang idadahilan niya.At paano kung sumbatan lang siya nito?Paano kung hindi siya nito tatanggapin bilang kapatid dahil pinagpalit sila ni Tatay Lando at iniwan sila dahil sakanilang mag-ina.

Pero paano kung sakaling magtagpo ang landas nila ng kapatid? Panalangin niya na sana ay mapatawad ng kanyang kapatid ang kanilang ama sa kadahilanang pag-iwan nito sa kanilang mag-ina

Next...

Zelina "Grasa to Prinsesa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon