Pagpapatuloy..
"Mata ashitane" sabi sakin ni Jacob habang naglalakad sila palayo [mata ashitane= see you tomorrow in japanese]
"Dame desu" [dame desu= it's no good in japanese]
Pagkatapos nun, nakalayo na sila kaya dumiretso na rin kami sa paglakad.
*
Nasa bahay na kami at itong dalawa kumakain ng niluto ni Mama na lasagna. Tsk. Hindi ako maka-bwelo ng kain, pano ba naman kasi halos harangan na nila yung lasagna. Hay nako! Sana may matira pa.
"Oh? Bakit di ka kumakain?" Taena mo, Cass. Pano ako kakain eh hinarangan nyo.
"Kakahiya naman eh, hinarangan nyo"
"Ayy.. hehe. Sorna agad" lintek to si Ely at ngayon lang napansin.
"Hindi, sige. Kumain na muna kayo basta tirahan nyo ko ah" tumayo ako sa kina-uupuan ko at palabas na nang dining.
"San ka punta?" Putek! Hindi ba pwedeng privacy, Cass.
"Basta" lumabas na ako ng dining at dumiretso sa kwarto ni Kuya.
I will take risk para kausapin sya kung bakit di nya ako kinakausap. Well, di naman talaga kami yung typical na magkapatid na super close kasi tong si Kuya mas gustong maging kapatid si Moira, pinsan namin, kesa sakin. Ewan ko ba kung bakit, tsaka kung nagtataka kayo kung bakit ko nasabi na 'I will take risk' kasi lagi syang nagagalit kapag pinipilit ko syang kausapin o kapag pinupuntahan ko sya sa office or kwarto nya.
*Knock.. *Knock.. * Knock..*
"Ano ba yun?!" Tsk. Kumatok pa lang ako galit na sya agad. Di pa nga nya ako pinagbubuksan ng pinto galit na sya agad.
"Kuya, ako to. Pwede ka ba makausap?"
"Tsk. Ano ba yun? Nakakairita ka" hay salamat! Pinagbuksan nya rin ako ng pinto.
"May itatanong lang sana ako" tsk. Nawawala talaga yung tapang ko kapag si Kuya or si Dad na yung kaharap ko.
"Ano?" Rinig mo sa boses nya yung pagkairita.
"Pwede pumasok muna?" Kung itutulak man ako ni Kuya ngayon, di na ko magtataka. Lagi naman nya yung ginagawa eh.
"Bkit ba? Di ba pwede na dito mo na lang tanungin?"
"Please.. " nagmakaawa na ako kay Kuya kaya sana papasukin nya na ako.
"Fine! But 15 minutes only" pumasok na kami sa loob ng kwarto nya at bumungad sakin ang mga pictures nila ni Moira. Samantalang picture namin ni Kuya, wala kahit isa. Minsan hinihiling ko na ako na lang si Moira para mahalin din ako ni Kuya "Ehem. Ano na yung itatanong mo?"
"Kuya.. kung ano.. may ano.. " putek! Nauutal pa ako.
"Ano na?! Lintek na yan! Sinasayang mo oras ko eh" sorry naman Kuya.
"Kung may gustong manligaw sakin? Papayag ka?" Hay salmat! Nairaos ko rin.
"Edi paligaw ka. Pakialam ko sayo" oo nga pala, wala syang pakialam sakin. Pero shet! Ang sakit pa rin kahit ilang beses ko ng narinig.
"Eh pano kung.. mamatay na ko ngayon?" Shocks! Bakit lumabas sa bibig ko yun? First time kong nasabi o natanong kay Kuya yun.
"Anong sinasabi mo?" Rinig ko sa boses ni Kuya yung pagtataka.
"Uhm.. w-wala wala.. sige.. salamat sa oras mo.. pasensya na rin kung naistorbo kita" tumayo na ko habang may luhang aakamang tutulo. Wag ngayon, please.
"Upo" kusang gumalaw yung katawan ko paupo nung sinabi yun ni Kuya pero hanggang ngayon naka-yuko pa rin ako.
"B-bakit?"
BINABASA MO ANG
YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)
Teen FictionSimpleng babae, maganda, maangas, sexy at kung anu-ano pang magagandang bagay. Ganyan mailalarawan ang nag-iisang SERENITY SANDOVAL, ang CAPTAIN ng buong Campus. Katahimikan at walang gulo, yun lang ang gusto nya. Pero lahat ito mababago sa isang ig...