Pagpapatuloy..
"Yah! I promise that this is the last time that you will heard my voice and this is the last time you will see me. The next time that you will see me is... when my eyes are close, my body are cold and I am place in a coffin" nginitian ko sya pagkatapos nun at umalis na. May sinabi pa sya pero di ko na naintindihan at dumeretso na lang ako sa dining.
*
*Morning.. *
*Kring.. *Kring.. *Kring.. *
Bumangon agad ako pagkarinig ko na tumunog na alarm clock. Nag-alarm ako for the first time. Haha! Dati kasi sila Mama lang yung nanggising o kaya dinadatnan ako nung dalawa.
6:30 a.m
Niligpit ko na yung kama ko at naligo na for 10 minutes at nagbihis ng uniform. Nagmamadali ako, ayokong magkasalubong kami ni Kuya.
6:45 a.m
Bumaba na ako sa dining at pagbaba ko, nagulat si Dad tsaka si Mama. Para silang nakakita ng multo, bakit ba ganyan sila makatingin? Na sobrahan ba yung pulbo ko sa mukha?
"Yah!" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Anong nakain mo?" Tsk. Makapagtanong si Mama akala mo may hinanda na.
"Wala pa"
"Bakit ang aga mo?" Tanong ni Dad.
"Kasi hindi ako late"
"For the first time naabutan mo ko ah" aba't isip bata din si Papa. Ngingiti-ngiti rin na parang ewan.
"Yah!"
"Nakwento samin ni Kuya mo kung ano yung napag-usapan nyo kagabi" biglang nalungkot si Mama nung sinabi nya yun.
"Edi mabuti. Di na ako mapapagod magkwento" sinubo ko agad yung isang kutsara ng lasagna. Di ko kasi nakain kagabi kaya ininit na lang ni Mama sa microwave. Taray! May pa-microwave si mayora. Haha!
"Hindi mo ba pwedeng bigyan ng chance ulit ang Kuya mo para mapatunayan nya yung sarili nya sayo?"
"Hindi.." mas lalong nalungkot yung mukha ni Mama ".. what does that mean? Kailangan ko munang sabihin yun para marealize nya yung mga pagkakamali at pagkukulang nya? Tapos chance chance pang nalalaman. Daming dama"
"Sige naman na nak. Bukas na yung birthday ng Kuya mo"
"Yah! Like I care" wala na akong pake.
"Please? Gift mo sa kanya"
"May iba akong gift sa kanya"
"Ano yun?" Kala ko nakwento na ni Kuya?
"Aalis ako dito, mags-switch kami ni Moira. Aalis ako tas si Moira yung titira dito. Guess Kuya will like that. Mas gusto nyang maging kapatid si Moira kesa sakin"
"Itutuloy mo talga yun?" Tinatanong pa ba yan, Ma? Kailan ba ako nagsinungaling.
"Yah!" Mas lumungkot yung expression ni Mama ngayon "Dad.. payagan mo ko, please" nagtinginan si Papa tsaka si Mama at yung tingin ni Mama parang nakiki-usap kay Papa.
"Go ahead" tumingin sakin si Papa at sinabi yun.
"Yey! Thanks, Dad" sabi ko ng tuwang tuwa.
"Why?" Tanong ni Mama kay Papa na may halong galit.
"Para naman maranasan at maramdaman ni Sebastian ang wala si Ren dito. Tsaka, we will see kung anong mangyayari" yah! Buti pa kami ni Papa.. laging parehas iniisip.
"But.. " magdadahilan pa sana si Mama ng biglang magsalita si Papa.
"No buts" lumapit ako kay Dad at bumulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)
أدب المراهقينSimpleng babae, maganda, maangas, sexy at kung anu-ano pang magagandang bagay. Ganyan mailalarawan ang nag-iisang SERENITY SANDOVAL, ang CAPTAIN ng buong Campus. Katahimikan at walang gulo, yun lang ang gusto nya. Pero lahat ito mababago sa isang ig...