Pagpapatuloy..
"Huli na yun, tandaan mo yan" sabi ko at umalis na kaming tatlo.
Pero bakit ganun? Pakiramdam ko nag-slow motion yung buong paligid? Tsaka bakit parang bumilis tibok ng puso ko? Gutom lang kaya to? Baka nga gutom lang to. Tama! Oo! Gutom lang to.
*
Naglalalad na kami papunta ng bahay kasi sabi nitong dalawa sama muna daw sila sakin. Tsaka yung kotse ni Ely pina-uwi na nya sa isa sa mga batler nila.
"Ren" lumingon ako kay Ely ng marinig ko syang tinawag ako.
"Hmm?"
"Anong naramdaman mo nung hinalikan ka ni Jacob?" Naramdaman ko? Pakiramdam ko nag-slow motion yung mundo ko tas kinabahan ako bigla.
"Hindi ko alam" sinadya kong isaliwa yung nasa isip ko sa sasabihin ko. Di naman ako sigurado dun eh.
"Ganyan ka na ba kamanhid?" Hindi naman.
"Ewan ko"
"Tsk" nainis na yata.
Bakit ganun yung naramdaman ko nung hinalikan nya ko? Pakiramdam ko tlga nag-slow motion yung mundo ko tas kinabahan ako bigla. Nung unang beses naman nya kong hinalikan parang wala lang, hindi kaya dahil sa mabilis lang yung una? Hindi hindi hindi. May kakaiba talaga eh. Nag-iba yung pakiramdam ko nung hinalikan nya ko. Nung nag-slow motion yung mundo ko, pakiramdam ko kaming dalawa yung nasa canteen at wala ng iba. Nagkatitigan pa kaming dalawa sa isa't-isa. Ang ganda ng mga mata nya, ang singkit ng mata nya, ang ganda ng brown eyes at ang ganda rin ng pilikmata nya. Yung mata nya parang laging may sinasabi at parang lagi kang tinatawag. Hayts. Bakit ko ba sya iniisip?
"Ely" napalingon si Ely nung tinawag sya ni Cass.
"Ano?"
"Pano mo malalaman kapag gusto mo na yung isang tao?" Gandang tanong.
"Depende sa sitwasyon kung magkasama o magkalayo kayo"
"Sige sige. Kapag magkasama muna" parehas kaming nakaabang sa sasabihin nya.
"Kapag magkasama.. malalaman mo na gusto mo na sya kapag bigla kang kinabahan tas pagnagdikit yung mga balat nyo parang pakiramdam mo nag-slow motion yung paligid mo tas parang kayong dalawa lang" taena! Hindi nga.
"Kapag magkalayo?"
"Kapag magkalayo naman kayo.. sya yung iniisip mo ngayon" lintek na yan! Hindi nga.
"Talaga?" Mukhang di pa makapaniwala tong si Cass ah.
"Oo" ang seryoso tlga ni Ely eh nuh.
"Ikaw Ren? Sino nasa isip mo ngayon?" Bigla akong nabalik sa katinuan dahil sa tanong ni Cass.
"Huh? W-wala.."
"Anong wala. Eh kanina ka pa nga tulala" ang ingay ni Cass.
"Ang ingay at ang daldal mo ngayon. Wag ka nga munang maingay"
"Ay.. galit na sya" sabay nag-sad face ang lintek!
"Namerd. Di ako galit basta wag ka kang maingay"
"Ahhh!! Yehey!!" Tumalon talon pa sya tapos muntik pang masagasaan.
"Hoy! Miss! Papakamatay ka ba?!" Aba't siga rin to si Kuyang driver ah. Sya na nga may kasalanan eh.
"Hoy! Kuya! Nakikita mong ang saya saya nya tapos sasabihin mong magpapakamatay sya! Tsaka ikaw na nga tong may kasalanan tas ngayon ikaw pa tong galit. Baka gusto mong magsapakan tayo ngayon dto?!" Nakaka-trigger to ah. Yan tuloy nagagalit at napapasigaw ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)
Novela JuvenilSimpleng babae, maganda, maangas, sexy at kung anu-ano pang magagandang bagay. Ganyan mailalarawan ang nag-iisang SERENITY SANDOVAL, ang CAPTAIN ng buong Campus. Katahimikan at walang gulo, yun lang ang gusto nya. Pero lahat ito mababago sa isang ig...