Chapter 18: LEAVING

77 2 0
                                    

Sebastian's PoV

3 months later...

After 3 months, balik na ulit ang lahat sa normal except sa umalis si Ren at hindi pa bumabalik hanggang ngayon, gabi-gabing umiiyak si Mama dahil hanggang ngayon wala pa din ang bunso nya. Kahit si Papa, di na mapakali at hindi na mag-kandaugaga kakahanap. And me, hindi ko alam ang gagawin ko, I feel useless at this point. Wala akong magawa para mahanap ang kapatid ko. 1 month since nung christmas day, nakaalala na ulit si Ren. Temporary memory lost lang pala, mabuti na lang na temporary dahil kung magkaka-amnesia talaga sya, may tendency na di na ulit mabalik ang ala-ala nya.

"S-sino k-kay-yo?" Lahat kami nagulat at parang huminto ang mundo nung tinanong samin yun ni Ren pagkagising nya.

"Huy! Ren! Ano ba, wag ka ngang magbiro ng ganyan" tumatawang sabi ni Elizabeth pero ang totoo, naiiyak na sya.

"Nasaan ako?" Tanong ulit ni Ren.

"Anak, nasa ospital ka" sagot ni Mama.

"Anak? Anak nyo po ako?" Tanong ni Ren na sobrang inosente, akala mo kalalabas pa lang nya sa mundo.

"Oo, at ako ang Papa mo" sabi naman ni Papa.

"Talaga po?" Tanong nya at tumango silang dalawa.

Uupo sana si Ren mula sa pagkaka-upo pero biglang sumakit ang ulo nya. Inalalayan namin sya maupo pero bigla nya kaming sinigawan.

"Don kayo! Lumayo kayo!" Sigaw ni Ren saming dalawa ni Dylan na parang takot na takot.

"Ren, ako ang kuya mo" sabi ko sa kanya at yung ekspresyon nya? Parang nag-aalangan kung maniniwala o hindi.

.....

Tumawag kami ng doktor at ang sabi ng doktor nawala daw ang ala-ala ni Ren at kailangan naming obserbahan within 1 to 2 months kung makaka-alala ulit sya dahil kung hindi nya kami maalala within that time period, hindi na namin ulit maibabalik ang mga alaala nya.

.....

(Isang buwan na ang nakalipas)

"Mom?.." tawag ni Ren kay Mama.

"Nakakaalala ka na ba, anak?" Tanong naman sakanya ni Mama.

"Opo" sabi ni Ren at bigla syang niyakap ni Mama habang umiiyak silang dalawa. Kaming lahat nman dito ay nakahinga ng maluwag at syempre, sobrang saya kasi nakaalala na ulit sya.

.....

(Makalipas ulit ang 1 buwan)

Nakalabas na ng ospital si Ren at kumakain na kami ngayon ng almusal.

"Mom, Dad aalis na po ulit ako bukas. Babalik na ako sa hideout" sabi ni Ren.

"But Ren, paano kung balikan ka nung mga gustong pumatay sayo? Dito ka na lang para maging ligtas ka" sabi ni Mama.

"Hindi na nila ako babalikan, ang alam nila ay patay na ako" sabi ni Ren in assuring tone pero yung mga mata nya, may ibang pinapakitang emosyon. Guilt and Fear.

"Pano kung makatunog sila na hindi ka pa pala patay?" Sabi ni Papa.

"No, I'm fine. Hindi yun mangyayari, okay?" Sabi ni Ren at nginitian si Papa.

YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon