Chp. 15 : SELF-BLAME

58 2 0
                                    

Sebastian's PoV

Nakarating na kami sa tapat ng ospital na sinabi ni Elizabeth. Hanggang ngayon galit pa rin tlaga ako kay Serenity pero sabi naman ni Elizabeth pwede na rin kaming umuwi pagnasabi na nya yung sasabihin nya.

"Bakit pa natin kailangan pumunta dito? Edi diba galit ka kay Ren?" Tanong sakin Dylan halatang may tono sya ng pagka-irita. Pano ba naman kasi, sya na nga concern kay Ren, si Ren pa may ganang magalit.

"Hayaan mo na, uuwi na rin tayo pagnasabi na ni Elizabeth yung gusto nyang sabihin"tumango na lang si Dylan sa sinabi ko.

Pumasok na kami sa loob at pumunta sa reception.

"Miss, anong room ni.." natigilan ako sa itatanong kong pangalan kasi hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo.

"Elizabeth Mendoza" pagtatapos ni Dylan.

"Wala pong Elizabeth Mendoza dito"

"Eh Cassandra Mendez" tiningnan nung babae yung computer tsaka tumingin ulit samin.

"Wala rin po"

Pagsagot nun ng babae. Nagtaka-tinginan kami ni Dylan. Si Serenity kaya? Hindi hindi. Bakit naman sya ma-oospital?

"Eh si Serenity Sandoval" tanong ni Dylan sa babae.

"Dylan, bakit mo naman natanong? Eh hindi naman ma-oospi.." naputol ako sa sinasabi ko ng sumagot yung babae.

"Sa room 1306 po. 13th floor"

"Thank you" sagot ni Dylan.

*

Nasa 13th floor na kami at pagkalabas pa lang namin ng elevator. Natanaw na namin si Elizabeth na nakaupo habang halatang namumugto ang mga mata.

"Ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko at tumabi sa kanya.

"Pumasok ka sa kwarto na yan" tinuro ni Elizabeth ang kwartong nasa harapan ko.

Tumingin ako sa kanya ng may halong pagtataka tsaka ako tumingin sa pinto. Unti-unti kaming lumapit ni Dylan sa pinto para buksan yun. Pagbukas namin ng pinto, si Ren na nakahiga sa hospital bed ang una naming nakita. May oxygen sya at doon sya humihinga. May benda din yung ulo at may bakas na dugo yung benda. May nurse din na nagpapalit ng benda sa magkabilaan ng tagiliran nya. Anong ibig sabihin neto?

"Elizabeth, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at napatingin sya sakin.

"Hindi ko alam. Basta pumunta kami kanina ni Cass sa hideout kasi kakausapin namin sya pero pagdating namin dun, bukas na yung pinto at yung loob parang may nangyaring kaguluhan. Pagpasok namin sa loob, may dugo kaya sinundan namin yun papunta basement at doon namin sya nakita na duguan. Unconcious at critical condition si Ren ngayon, nalaman din nilang may mataas na lagnat si Ren. Malaki rin daw yung chance na ma-comatose at magka-amnesia sya dahil masama ang tama nya sa ulo. Yun lang yung gusto kong sabihin kaya kung gusto nya ng umalis, pwede na"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Elizabeth. Siguro kung sinagot ko lang yung tawag nya kagabi, hindi to mangyayari. Pinilit kong lumayo sa kanya simula pa noon dahil tuwing kasama nya ako lagi syang napapahamak pero bakit ngayon na hindi naman kami magkasama, napahamak pa din sya?

Kasalanan ko to kung bakit sya nagka-ganyan. Masama akong kapatid.

Dylan's PoV

Natulala ako sa bawat salita na binitawan ni Ely. Kung alam ko lang sana, sana hindi ko pina-iral yung galit ko at sinagot ko yung tawag nya kagabi. Kung sinagot ko sana yun, edi sana hindi sya nagka-ganyan.

Kasalanan ko to kung bakit nangyari sa kanya yun. Nililigawan at naging boyfriend nya ako pero hindi ko man lang sya kayang ipagtanggol.

"Gusto kong kausapin yung doktor?" Seryosong pagkaasabi ni Kuya Seb.

Nakakatakot sya kapag ganyan. Mahal nya si Ren bilang kapatid, kaya lang naman kasi sya lumalayo dahil tingin nya na kapag magkasama sila, laging napapahamak si Ren.

"Maagang umuwi yung doktor nya kasi may emergency daw" pagkasagot nun ni Ely.

Nagulat kami sa ginawa ni Kuya Seb. Sinuntok nya yung pader dahilan para magkaroon yun ng crack at dumugo ang kamao nya. Ang lakas ng suntok nya, nakakatakot sya galitin.

"Tawagan nyo! Iharap nyo sakin ang doktor nya!" Sigaw nya at yung mga nurse na naglilinis ng sugat ni Ren, natatakot na rin "Bilis!"

Tumakbo na yung mga nurse para tumawag dun sa doktor. Halatang-halata sa mukha nila yung takot.

Lumapit kami ni Kuya Seb kay Ren pero dahil sa bilis nya maglakad, nauna syang maupo sa gilid ni Ren at hinawakan ang kamay nya.

"Sorry, Ren. Kasalanan ko to, hindi ko sinagot tawag mo" sabi ni Kuya Seb habang hawak hawak nya pa rin yung kamay nito.

"Hindi, ako talaga may kasalanan. Tinawagan nya ako kagabi pero hindi ko sinagot dahil sa galit ko sa kanya" pag-aako ko ng kasalanan.

"Tinawagan nya rin nman kami ni Cass eh. Sa tingin ko pare-parehas nating hindi tinulungan si Ren" nagulat ako sa sinabi ni Ely.

Kung tinawagan ni Ren sila Cass, malamang tinawagn din nya sila Tita at Tito. Alam na kaya nila to? Alam ka nilang yung anak nila nasa ospital at halos nag-aagaw buhay na? Magagalit pa rin kaya sila kay Ren pagkatapos nito?

"I'm sorry. I'm late" may pumasok na doktor at agad kong pinigilan si Kuya Seb kasi sa ekspresyon at kilos pa lang nya halatang mananapak na eh.

"Ikaw ba ang doktor ni Serenity?" Mahina pero madiin na tanong ni Kuya Seb sa doktor.

"Yes, and we are going to make some test to her just to know what is her condition"

"Bilisan mo" sabi ulit ni Kuya Seb.

Halatang natatakot na yung Doktor dahil sa tono ng pananalita ni Kuya Seb. Nakakatakot naman tlga kasi sya eh, kahit sino naman yata na makaka-usap sya ngayon, matatakot.

Lumabas kami ng kwarto ni Ren para maghintay ng resulta dun sa test. Ilang oras din kaming naghintay bago lumabas yung doktor.

"There is no change in her condition" sabi nung doktor "Excuse me"

Pumasok na ulit kami sa loob at naupo ulit kami sa gilid nya.

"Kuya Seb? Alam na ba to nila Tito?" Lumingon si Kuya Seb at nakakatakot yung mga mata nya.

"Hindi. Hindi na rin nila to kailangan malaman sa ngayon" sagot nya at binalik ang tingin kay Ren.

Lahat kami tahimik nang biglang may nagbukas ng pinto at laht kami nanlaki ang mata sa taong nasa pintuan ngayon.

"Dad?"

Itutuloy...

YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon