Chp. 12 : BIRTHDAY CELEBRATION

58 3 0
                                    

Pagpapatuloy..

Ngayon, papunta na kami kila Kuya para sa birthday celebration nya...

***

Ang laki ng venue na pinili nila Kuya. Ang dami ring tao sa loob at ang ingay ingay, halatang si Kuya pumili ng lahat.

"Ren!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Kuya Paulo, bakit?" Si Kuya Paulo, isa sa mga tropa ni Kuya at isa sa mga gang member nya. Si Kuya kasi ang leader nila.

"Akala namin di ka pupunta eh, nakwento kasi ng Kuya mo samin yung..." natigilan sya magsalita nung nakita nya sa tabi ko sila Dylan.

Kaagad syang nag-bow sa kanila "Anyeong! Welcome to the Party"

"Thank you" nag-bow rin sila kay Kuya Paulo.

"Lady Stella and Master Simon is waiting for all of you in the lobby" ibig sabihin, ininvite nila Mama yung family nila Dylan.

"Okay, I think we should go there" umalis na sila at nag-bow kami parehas ni Kuya Paulo. Si Dylan tinulak ko na rin para sumama sa kanila kasi malamang magpupumilit yun maiwan dito.

"Ano? Di mo ba pupuntahan Kuya mo dun? Hinihintay ka nya kanina pa" kung makahatak sakin si Kuya Paulo kulang na lang mapunit yung damit ko eh.

"Kuya Paulo! Baka masira yung damit ko" binitawan nya na ako.

"Ay, haha! Sorry. Tara nasa Kuya mo"

"Like he needs me there" sarcastic kong sabi sa kanya kaya napabuntong hininga na lang sya.

"Alam mo? Hindi talaga mapagkakaila na magkapatid kayo eh nuh. Parehas kayong ma-pride eh"

"Pano mo naman nasabi, ha?"

"Gusto mo talagang ipaliwanag ko pa?"

"Oo" tsk. Ang kulit rin nitong tao na to eh nuh.

"Tsk. Kapag pinaliwanag ko pa, I'm like stating the obvious"

"Sabihin mo lang o wala ka talagang masabi" napa-cross arms na lang sya.

"Pano naman kasi, gusto ka nyang pumunta pero hindi ka nya tinatawagan o tinetext para pilitin ka na pumunta, ang pride nun. Ikaw naman, gusto mo rin naman sya makasama ngayong birthday nya pero dahil lang sa pinsan mo, ayaw mo na, ang pride din nun, sinabi na mga sayo na gusto ka nya dito eh. Tsk. Magsama nga kayong magkapatid"

Biglang syang nag-walk out ng hindi hinihintay yung sagot ko. Problema nun? Hayts. Palabas na sana ako sa loob ng venue ng may narinig akong nagsalita.

"Aalis ka na agad?"

"Like you care. Nasan na ba yung magaling mong KAPATID na si Moira at nandito ka?" Humarap ako sa kanya at nagulat ako sa expression nya sa mukha, ang lungkot.

"Una, I care kasi aalis ka na agad di ka pa nagtatagal dito. Pangalawa, si Moira nandun kumakain. At pangatlo, hindi ko sya kapatid"

"Oh? Bakit di mo sya bantayan dun? Baka mabulunan walang mag-aalaga sakanya, Kuya ka nya diba" sarcastic kong pagkakasabi at nginitian sya.

"Alam kong nagseselos ka at galit ka sakin. Pero please, hear my explanation first at mag-usap tayo"

"Bakit ba hindi ka na lang maging masaya na andyan si Moira, ha? Diba yan naman yung gusto mo?" Eto si Kuya di mo rin malaman yung gusto eh nuh.

"First of all, hindi.." hindi na nya natuloy yung sinabi nya at nagsalita na ako.

"I don't need your explanation, save it"

YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon