Pagpapatuloy..
"Mata ne.." [mata be= see you in japanese] marunong ka ah.
"Fuzakeru na.." lumingon pa sya at tiningnan ako ng masama bago lumabas ng room at umalis [fuzakeru na= stop being stupid in japanese]
*
"Ren! Gising na! Secong break na!" Taena. Ang ingay ni Cass manggising dapat pala hindi sya yung inutusan kong manggising sakin.
"Oo na. Eto na! Gising na nga eh" guess what? Freetime na naman yung iba pang subj.
"Si Jacob na naman yata yun oh" ngumuso si Cass para ituro yung lalaki na nakatalikod sa labas ng pinto sa may gilid.
"Parang sya nga"
"Lalabas pa ba tayo o dito na lang?" Syempre lalabas, Ely. Nakakabagot dto nuh.
"Labas. Ako bahala" sumunod sila sakin palabas at sila nga yung nasa labas.
"Tsk. Bat ang tagal mo?"
"Kasi hindi mabilis"
"Alam mo bang ayoko ng pinaghihintay?" Kita yung pagkainis sa mga mata nya at pagka-irita na rin.
"Sino ba kasi may sabing maghintay ka?" Namerd. Ginusto mo kasing maghintay eh.
"Tsk. Sa canteen tayo"
"Canteen lang walang tayo" haha! Bwisit na ang Lintek.
"Taena. Oo na"
"Ayaw namin mag-canteen" napalingon sya samin at sinamaan ako ng tingin.
"Tsk. Ano na naman bang problema mo?"
"Pagsinabi ko ba may solusyon ka? Dba wala?" Sarcastic kong sinabi yun kaya mukhang mas lalong nainis.
"Tara na sa canteen. Akin na yang bag mo"
"Ayoko pumunta sa canteen at di ko ibibigay bag ko kasi akin to" tinalikuran ko na sya pero hinatak nya yung kamay ko.
"Sa ayaw at gusto mo, pupunta tayo ng canteen at di ko inaangkin bag mo, ako lang magdadala, okay?"
"Ano na naman pumasok sa utak mo? Ha? Bakit naisipan mong dalhin yung bag ko?" Ayaw nga nyang inuutusan tas ngayon sya magdadala ng bag ko.
"Kasi nga daw, nagpapaka-gentleman na sya sayo para daw makuha ka nya" sumingit naman tong si Trex sa usapan namin kaya nabatukan ni Jacob.
"Ikaw na T-rex ka. Manahimik ka lang"
"Sa gwapo kong to? T-rex itatawag mo? As in dinosaur? Haha!"
"Asa ka pa. Ako na nga pinakagwapo sa laht ng gwapo eh" feeler rin to si Lucas eh nuh.
"Ano ba naman yan? Andito na nga ako mag-aaway pa kayo" pero mas feeler tong si Jacob.
"Sige. Bye" tumalikod na ko pero hinatak na naman nya ko. Lintek na tlga yan oh!
"Punta na tayo ng canteen tsaka akin na yang bag mo. Ako na nga nagpapaka-gentleman eh"
"Sino ba may sabing magpaka-gentkeman ka?" Hmp.
"Yung puso ko kasi sabi nya mahal kita eh"
"Namerd" bwisit!
"YIEE. LOVE BIRDS" putek! Lakas man trip ng mga studyante dito.
"Ibigay mo na. Nagpapaka-gentleman nga ako eh"
"Talaga?" Haha! Kakawawain kita.
"Ya"
"Girls, akin na yang bag nyo" sabay naman nilang binigay yung bag nila sakin.
"Hoy hoy hoy! Ano yan? Ha? Sabi ko yung sayo lang" di ko sya pinansin at binato ko sa kanya yung bag ko, bag ni Ely tsaka bag ni Cass.
"Sabi mo mahal mo ko dba? Tsaka sabi mo nagpapaka-gentleman ka?" Haha! Magdusa ka ngayon.
"Pero wala sa usapan na--" di ko na sya pinatapos at naglakad na papuntang canteen.
Pagdating namin sa canteen. Sa tambayan nila kami naupo kasi sabi nya dun na lang daw.
"Anong gusto mong makain?"
"Di ako gutom" ano kayang nangyari sa tyan ko? Bakit di pa nagugutom?
"Sige. Magsabi ka lang kapag may gusto ka" tumango na lang ako as response.
Naupo sya sa tabi ko tas yung dalawa katabi ni Ely tsaka Cass habang naka-earphones.
"Ano bang gusto mo sa lalaki?" Nagulat ako sa tanong nya na yun. Di ko yun ine-expect ah.
"Bakit mo natanong?"
"Para mabago ko yung mga ayaw mo at magawa ko lahat ng gusto mo" aba't seryoso ang lintek nung sinabi nya yun ah.
"Alam mo? I have a one tip for you"
"Then what is that?" Taena. Atat lang sya sa tip ko.
"Kung gusto mo talaga yung tao na yun at gusto mong magustuhan ka rin nya ng tunay. Don't change yourself for that person because when the time comes that the person loves you back, then that person will love the person that you've created in yourself and not what you are and who you really are" pagkatapos kong magsalita itong apat sa harap ko nag-slow clap pa. Daming dama.
"Bakit? Kaya mo ba kong tanggapin kung ano at kung sino tlga ako?"
"Tanggap kita kahit ano ka pa dahil yun ka" aba't bumilis bigla tibok ng puso ko.
"Kahit na sabihin ko sayo na.. " di sya makatingin sakin "..na.." putek! Tagal!
"Ano? Kakainip"
"Wag na nga lang. Di naman yun importante eh" ano kaya yun? Nakaka-curious tuloy.
"Curiousity kills, lam mo yun? Kaya magdasal-dasal ka na kasi cinurious mo ko, malalaman ko yan"
"Anong sinasabi mo?" Haha! Nag-aalala sya na baka malaman ko.
"Kapag kasi si Ren may gusto malaman, nalalaman nya" nays! Galing Ely! Inunahan mo ko eh.
"Lagot!" Sabay pa na sabi ni Lucas tsaka ni Trex.
"Ano na nga gusto mo sa lalaki?"
"Gusto mo talaga malaman?" Makulit ka ah.
"Oo naman"
"Di ko rin alam eh" Silang tatlo ng tropa nya nakatulala sakin ngayon in dissapointment.
"Ano? Di mo alam gusto mo sa lalaki?"
"Obvious ba? Hindi nga eh" ang kulit nya. Super!
"Bakit?" Anong bakit? Eh di ko nga alam eh.
"Eh naghihintay lang naman ako ng lalaking unang magpapabilis ng tibok ng puso ko tsaka hinihintay ko rin yung lalaking magpapa-slow motion ng mundo ko" ULIT.
"Hirap naman" aba't nagreklamo ang lintek!
"Uuwi na kami" sabi ko at tumayo na ako pero hinatak nya ulit ako paupo.
"Hatid na kita"
"Wag na. Trip kong maglakad ngayon eh" haha! Oo. Trip ko nga.
"Sama ko" sabay pa tong dalawa kaya tumango na lang ako at tumayo na.
"Sandali" sabi ni Jacob at tumayo rin sya sa harap ko at...
KINISS NYA ULIT AKO..
Tsaka ano tong nararamdaman ko? Parang nag-slow motion yung buong paligid? Tsaka bakit ganito? Para akong kinakabahan?
"I love you" aba't ang lakas ng trip ng lintek ah!
"Hoy! Nakakailan ka na?!" Sabi ko ng galit na galit.
"Dalawa pa lang" aba't nila-lang lang nya lang yung kiss nya sakin.
"Huli na yun, tandaan mo yan" sabi ko at umalis na kaming tatlo.
Pero bakit ganun? Pakiramdam ko nag-slow motion yung buong paligid? Tsaka bakit parang bumilis tibok ng puso ko? Gutom lang kaya to? Baka nga gutom lang to. Tama! Oo! Gutom lang to.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)
Roman pour AdolescentsSimpleng babae, maganda, maangas, sexy at kung anu-ano pang magagandang bagay. Ganyan mailalarawan ang nag-iisang SERENITY SANDOVAL, ang CAPTAIN ng buong Campus. Katahimikan at walang gulo, yun lang ang gusto nya. Pero lahat ito mababago sa isang ig...