Pagpapatuloy..
"Saan?"
"Basta"
**
Nakasakay kami sa motor nya ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta. I have no idea kung saan nya ako dadalhin but I trust him.
"Baby, okay ka lang dyan?"
"Oo naman kasi kasama kita eh" di ko man makita yung mukha nya, alam kong napakalaki ng ngiti nyan ngayon.
"Baby, kanina ko pa napapansin may nakasunod satin na kotse"
"Ah.. ako din eh. Kanina pa nga yan nakasunod, simula nung pumunta tayo ng starbucks" sino kaya yung nakasunod samin? Pero parang nakita ko na yung kotse na yan eh.
"Pansin mo din pala" tumango na lang ako kahit na alam kong di nman nya yun makikita "may sasabihin din pala ako"
"Ha? Ano naman yun?"
"Bukas lilipat na ako sa school nyo" Yehey! Kasama ko na sya sa school.
"Anong section?"
"Syempre sa section mo" aba't nalamam nya agad.
"How do you know my section?"
"Di na yun importante basta mahalaga magkasama na tayo sa lahat ng oras" nga naman. Tama naman sya.
"Sabagay. Kailangan lagi tayong magkasama ah. Kasi baka pagtripan o makipag-away sayo si Jacob dun"
"Sya ba yung sinasabi mo na nagkagusto sayo?" Hindi ko mahulaan kung galit o selos yung tono ng boses nya ngayon.
"Oo, sya nga. Sya rin yung hari ng mga bad boy sa school"
"Paano mo nasabi na baka pagtripan o awayin nya ko dun?" San ba ako magsisimula ng pagpapaliwanag?
"Ano.. kasi.. nung umamin sya sakin, sa letter lang. Tapos, inanouce sa buong school tsaka sinabi nya na kung sino man yung mang-aaway o magkakagusto sakin, ilalagay nya sa suffer list"
"Ah.. kayang-kaya ko naman sila eh. Wala ka bang tiwala sakin?" Ngayon naman confident ulit sya.
"Meron pero ayaw kong masaktan ka"
"Sige na nga, pero wala ba akong prize dahil lumipat na ako sa school nyo at sa section mo pa?" Anong prize? Ano ba gusto nya?
"Ano ba gusto mo?"
Hininto nya bigla yung motor tapos bumaba sya, bumaba na rin ako tapos bigla syang humarap sakin tapos biglang ngumuso. Anong meaning nya dyan?
"Tsk. Baby naman eh" pagmamaktol nya "hindi mo gets? Nanghihingi ako ng kiss" tumalikod sya sakin tapos nag-cross arms. Haha! Para syang batang hindi nakuha yung gusto.
"Oo na. Sige na" pagkasabi ko nun bigla syang humarap at pinaglapit yung mukha namin. Iba talaga yung pakiramdam kapag sya yung humalik.
"Thank you, baby. Tara na" sumakay na ulit sya ng motor.
**
Matapos ang 30 minutes, nakarating kami sa mansion nila. Wala pa ring pinagbago. Ang ganda at ang aliwalas pa rin tingnan sa labas at loob.
"Good afternoon, Young Master" nag-bow sa kanya yung butler tapos napatingin sakin "Good morning, miss?"
"Serenity. Good morning din"
Hinatak na ako ni Dylan sa loob. Hay nako! Kahit kailan talga di nya binati yung mga butler at maid na nag-greet sakanya.
"Hanggang ngayon di ka pa rin marunong bumati sa mga nag-greet sayo"
BINABASA MO ANG
YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)
Teen FictionSimpleng babae, maganda, maangas, sexy at kung anu-ano pang magagandang bagay. Ganyan mailalarawan ang nag-iisang SERENITY SANDOVAL, ang CAPTAIN ng buong Campus. Katahimikan at walang gulo, yun lang ang gusto nya. Pero lahat ito mababago sa isang ig...