Chp. 13: ALONE

64 3 0
                                    

Serenity's POV

Naka-uwi na ako sa hide-out at dahil naglakad lang ako pauwi, ginabi na ako bago makarating dito. Pumunta agad ako sa kwarto at nahiga. Hindi ko na rin aasahan na pupunta dito sila Cass, nasigawan ko nga diba?

11:00 p.m

Hindi pa rin ako makatulog at naramdaman kong sumakit ulo ko at parang nahihilo ako. Hinawakan ko yung leeg ko at ang init, may sinat ako. Tsk. Wala na yatang gamot dito sa hideout, bahala na kung mamatay ako dito dahil sa sakit. Wala namang may pake.

1:00 p.m

Mas tumaas yung lagnat ko makalipas ang dalawang oras. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa sakit ko. May naririnig din akong mga yapak sa labas ng hideout, ano to? May magnanakaw pa? Tsk. Wag ngayon, please. Yung kama ko hinahatak ako pahiga at ang sakit din ng ulo ko pero no choice ako kundi tingnan yun.

Pagsilip ko sa bintana, sakto namang binuksan ng pwersahan yung pinto dahilan para masira yun. Shit! Anong gagawin ko ngayon? Nanghihina pa ako.

Kahit na alam kong hindi papansin ng kahit sino sa tatawagan ko yung tawag ko, kailangan ko pa ding subukan.

Dialing Kuya...

Dialing Kuya...

Dialing Kuya...

Dialing Mom...

Dialing Mom...

Dialing Mom...

Dialing Dad...

Dialing Dad...

Dialing Dad...

Dialing Cass...

Dialing Cass...

Dialing Cass...

Dialing Ely...

Dialing Ely...

Dialing Ely...

Dialing Dylan...

Dialing Dylan...

Dialing Dylan...

Lintek na yan! Lahat na ng pwede kong i-dial at tawagan, wala. Inaasahan ko naman to eh pero syempre kahit papano umaasa pa rin ako na sasagutin nila yun. Hayts. Eto na ba yung karma ko dahil sa pagsabi ko na ampon si Moira.

"SERENITY SANDOVAL!! LUMABAS KA NA DYAN!!"

Teka lang! Papano nila ako nakilala? Papatayin ba nila ko? Unfair yun, nanghihina at wala akong lakas ngayon. Wala rin yung mga armas dito kasi kinuha lahat ni Dad dahil wala namang masyadong tao dito at di rin nagagamit. Pano na ngayon?

"KAILANGAN KA PA BA NAMING PUNTAHAN?"

Di ko kayang tumalon sa bintana o balcony ngayon, nanghihina ako. Yah! See you soon, death. Or maybe I should say, see you later, death. Pucha! Nawawalan na ako ng pag-asa dito ngayon.

Naririnig ko yung mga yabag nila papunta dito sa second floor. Saan ako magtatago? Hindi ako pwedeng magpa-corner.

*Blag!!..*

Bumukas yung pinto at lumitaw ang dalawang lalaki. Pumunta sila sa magkabilaan ng pinto. Pagkakataon ko na to para tumakbo palabas.

One..

Two..

Three..

Tumakbo ako kahit na nahihilo pa rin ako papuntang first floor para makalabas na ng bahay at bahala na si Batman kung saan ako makapunta. Pero sa kasamaang palad, may nag-aabang din sakin na dalawang lalaki sa main door. Pagharap ko sa likod may dalawa ring lalaki. Wala na akong kawala.

"Susuko ka at hindi ka namin pahihirapan mamatay o magmamatigas ka at papahirapan ka namin bago patayin?"

"As if you can land one finger on me"

Kahit na nanghihina ako, di ako pwedeng magmukhang ganun sa harap nila kaya kahit mahirap, titiisin ko. No choice ako kundi makipag-laban dahil kung hindi, mamamatay ako ng hindi man lang sinusubukan. Sabi nga kasi "mas mabuti ng matalo ng lumalaban kesa sumuko ng hindi man lang sinusubukan"

"Matapang ka pala eh. NGAYON NA!"

Sabay sabay silang sumugod. Shete! Sino uunahin ko? Sumakit lang ulo ko, pati pag-iisip ko naapektuhan.

Unang nakalapit sakin yung dalawang pumunta sa kwarto ko. Nasalag at naiwas ko yung mga sapak nila at nakakasapak at sipa rin ako. Nahihilo pa rin ako at nahihirapang lumaban kaya hindi ganun kalakas yung sipa at suntok ko. Panayang iwas at salag ko sa mga suntok nila tsaka ako bumabawi.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa dalawa kong braso at nilagay yun sa likuran ko para hindi ko yon magamit. Tangna lang ah, ang duga.

"Tsk. Tsk. Tsk. Malakas ka din pala pero parang may kulang na lakas sa mga sapak mo eh"

"Sino ba kayo?" Tanong ko at biglang may sumapak sakin sa mukha kaya ramdam ko na may dugo na yun ngayon.

"Kami ang papatay sayo" sagot nung isa sakanila at bigla na lang may tumuhod sa tyan ko kaya naubo at napadura ako ng dugo.

"Ganyan ba kayo lumaban? May nakahawak tapos may sisipa at sasapak? Alam nyo bang para lang yan sa mga mahihina?"

Kung kanina, isa isang sapak at sipa lang. Ngayon, sabay sabay na. Alam kong puro na ako dugo ngayon at konti na lang malapit na akong maligo sa sarili kong dugo.

May nakita akong pwedeng ihampas sakanila kaya ginamit ko na ang buong lakas ko para makawala sa humahawak sakin at nagtagumpay naman ako. Tumakbo agad ako para kunin ang isang tubo.

San kaya to galing? Pero di na mahalaga basta may magamit ako.

Agad kong hinampas yun sakanila pero dahil sa maduduga nga sila, yung tatlo naglabas ng kutsilyo at susugod din sakin. Bago pa man tumama sakanila yung tubo, nasaksak na ako nung tatlo.

Yung una, sa tagiliran ako sinaksak sa may kanan. Yung pangalawa, sa gilid ako sinaksak sa may kaliwa. At yung pangatlo, sa likuran ko sa may gilid, bandang kaliwa rin.

Kusa ng lumalabas yung dugo ko sa bibig at dahil sa mga saksak, natumba ako sa sahig at naliligo na sa sarili kong dugo.

"Ano ng gagawin natin dito? Mukhang mamatay na eh"

"May nakita akong basement dito. Doon na lang natin itapon"

"Sige sige. Don na lang"

Naramdaman ko na lang na hinahatak nila ako papunta basement kaya malamang mag-iiwan yun ng marka ng dugo sa sahig papunta sa paglalagyan nila sakin. Pero unti-unti rin yung mawawala at magfe-fade din.

Inihagis nila ako dito sa isang sulok ng basement. Maraming box kaya pagkahagis nila sakin, natabunan ako ng mga box.

"Tara na. Iwan na natin yan, natakpan at natabunan na rin naman sya ng mga kahon"

Umalis na sila at naiwan na ako ngayon an hinang-hina at pakiramdam ko, konti na lang, bibigay na ang katawan ko.

Eto na ba yung karma ko sa ginawa ko sa birthday part ni Kuya?

Eto na ba yung karma sa pagsabi ko na ampon lang si Moira?

Eto na ba ang karma ko?

Bakit parang TOO MUCH naman?

Ganun na ba ako kasama?

Unti-unti kong nararamdaman na hindi ko na kaya.. hanggang sa...

BLACK OUT..

Itutuloy..

Sa tingin nyo?

Pano na si Serenity?

Sino na ang magliligtas sa kanya?

Tulyan na ba syang mamamatay?

Leave your answers in comment box.

Thank you sa mga nagbabasa. Thank you rin sa mga nag-votes. Keep on reading and voting.

Next update on FRIDAY..

YOU are STILL my LIFE and my WORLD (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon