Chapter Two: I will heal and give Joy

117 12 13
                                    

Chapter 2: I will Heal and give Joy

Jovan

I slump down on my chair at the back portion of our classroom. Naiinis pa rin ako sa babaeng dahilan ng pagkaudlot ng kamatayan ko kanina. I should've been dead by now not here sitting inside our classroom waiting for another boring discussion.

Nang makarating kami sa loob ng school kanina ay bigla na lang nya akong iniwan saying na may kailangan pa daw syang gawin. Hindi ko man lang nga nalaman kung anong pangalan nya.

"Goodmorning class," bati ng aming guro nang pumasok ito.

My classmates greeted back maliban na lang siguro sakin.

"Today, I am happy to announce na meron kayong bagong lipat na kaklase. She's from a very far city so I hope you'll be nice to her," I almost rolled my eyes.

Kung kausapin kami ng guro namin para kaming mga elementary students. Highschool na kami for Pete's sake.

Mula sa labas ng aming classroom pumasok naman ang sinasabing bagong estudyante ng aming guro. Nagtama ang mga mata naming dalawa at mukang pareho kaming nagulat na makita ang isa't-isa.

Parang bata syang kumaway sakin at agad akong umiwas ng tingin. Lumingon sa'kin ang mga kaklase ko and I pretended na hindi ako ang kinawayan nya. I saw her pout nang hindi ko sya pinansin but who cares.

"Hi everyone!" Enthusiastic nyang bati at mukang hindi na nya pinansin ang hindi ko pag awknowledge sa kanya.

"Im Asa Maeve De Gallo, has been living here on earth for 16 years."

Ang OA ng Introduction.

"My hobby is painting."

Walang may pakealam.

"And my name means I will Heal and cause great joy."

Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yun. Ang nagpagulat pa sakin ay nang makita syang nakatingin sakin. She was looking at me straight in the eyes like those words were meant for me.

***

Napahikab ako nang matapos ang dalawang oras na lecture ng guro namin. Isinandal ko ang aking ulo sa aking arm chair para sana matulog nang bigla na lang may umupo sa arm chair sa harapan ko na gumawa ng nakakairitang ingay.

Irita akong napatingala sa may gawa nun na sana pala hindi ko na lamang ginawa.

"Waaah hindi ako makapaniwalang magkaklase tayo!!!" She exclaimed and her eyes glowed in pure happiness.

"And so?" Masungit kong tanong.

"Wala lang. I'm just happy na may friend na ako sa first day ko," she said and giggled.

Woah, wait what did she just say? Friend?

"Oo nga pala ano bang pangalan mo?"

"Jovan Salazar." I said at pinagdiinan talaga ang apelyido ko at tiningnan kong anong magiging reaksyon nya.

"Nice to meet you Jovan! Im Asa Maeve De Gallo pero mas sanay akong tawaging Save."

I was surprise nang hindi man lang sya ng react nang marinig ang buong pangalan ko. Is she pretending that she don't know me or hindi lang talaga sya nagbabasa ng magazines at nanonood ng balita.

Mas lalo lang tuloy akong naiirita sa muka nya. Masyadong palangiti, parang walang problema at masyadong inosente. Tch nakaka-inis. Ayoko sa mga taong katulad nya.

"May dumi ba sa muka ko?" And here she goes again with her innocent look.

"Ayaw kitang maging kaibigan. So you may leave," cold kong sabi.

Nakita kong nasaktan sya sa sinabi ko. Para tuloyng nagsisi ako na sinabi ko yun sa kanya lalo nung nawala na ang glow sa mga mata nya. But why do I care anyway katulad lang sya nila.

Then suddenly bumalik ulit ang glow sa mga mata nya and she smiled at me na para bang hindi man lang sya nasaktan sa sinabi ko kanina.

"Its ok. The feelings doesn't always have to be mutual. Basta ang importante, kaibigan ang tingin ko sayo. So friend pa rin kita!"

****

Present

Napangiti na lamang ako nang ma-alala ang araw na yun. She was such a livelly irritating girl back then. Kahit ayaw ko sa kanya pinagpipilitan pa rin nya na kaibigan nya ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa edge ng bangin at naglakad papunta sa aking sasakyan. Minsan talaga dumadating sa buhay mo ang isang tao to push you to the right direction when everything feel so wrong.

And that day she was the one who gave me a push back to the right path.

______________________

A/N

And we're up to the second chapter!

This is a gift to my very first readers na gusto ko sanang pasalamatan for giving this story a chance.

Thank you!

The Girl with the Saddest SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon