Chapter 24: Date
November 6, 2006
Jovan
Pinagmasdan ko lang si Save habang pinaglalaruan nya ang diamond ring sa kanyang daliri. Nakaupo kami sa isang sofa habang hinihintay ang magiging designer ng gown nya sa kasal namin.
"Excited na akong makasal! Ano kayang pakiramdam noh?" Maya-maya'y usal nya.
"Don't think of a wedding as a game. Its a holy matrimony you know." Pangaral ko sa kanya. Minsan kasi parang laro-laro nalang sa kanya ang mga bagay-bagay.
Ngumiti lang sya sakin saka bumalik sa ginagawa nya kanina. Ilang sandali palang ay dumating ang isang mga nasa late twenties siguro na babae na may nakasabit na tape measure sa leeg. She gave us a warm and welcoming smile.
"Hi sa inyong dalawa. Im Ayesha Martinez, the official designer for your upcoming wedding." Pagpapakilala nya samin. Malugod kaming nakipagkamay sa kanya and went down to business.
May ibinigay sya saming brochure na puro mga gowns ang laman. Agad naman iyong kinuha ni Save at tiningnan ang bawat gown na nandoon.
"Yan ang mga famous designs ng mga gowns na pinipili ng mga bride sa kanilang wedding, designed by yours truly. You can pick one from the brochure or kung gusto nyo maari ko kayong gawan ng isang unique na disenyo."
Tumingin ako kay Save ng nagtatanong. Siya naman kasi ang magsusuot kaya sya rin dapat ang nakakaalam sa kung anong disenyo ang gusto nya.
Nagpunta sya sa may vintage na section since vintage ang magiging istilo ng er~ wedding namin. Minsan nakakailang paring isipin na ikakasal na kaming dalawa in a spun of almost 6 months simula nung makilala namin ang isat-isa.
Tumigil sya sa litrato ng isang off shoulder long sleeves wedding gown. Kahit na off-shoulder ay hindi naman masagwang tingnan at kung yun man ang gusto nya ay wala rin akong magagawa. Kung saan sya masaya dun lang din naman ako.
"I like this one." Nakangiti nyang sabi sa designer na nakaupo sa tabi nya.
"That's a very nice choice my dear." Usal ng designer saka kinuha mula kay Save ang brochure. "I'll be able to finish this gown a week from now and will send it to you right away. So ngayon ang kailangan nating gawin ay sukatan kayong dalawa."
Matapos magpasukat ay nagpunta naman kami sa parehong bakeshop na hinire ko para gumawa ng cake sa birthday nya. Nang makarating kami ay handa na ang mga desserts and cakes na patitikman samin. Kung alin ang magustuhan namin, iyon ang ihahanda para sa kasal.
Save did all the food tasting. Ewan ko nga kung food tasting pa ang ginawa nya. Para kasing kain na eh. Pero imbes na sitahin ay hinayaan ko na lamang sya. Its relieving na nakikita syang masayang kumakain, hindi katulad ng mga ginagawa nya nitong mga nakaraang araw at buwan na halos hindi nya ginagalaw ang pagkain nya. At kung minsan kung hindi pa sya pipilitin ay hindi pa sya kakain.
Napatitig lang ako sa kanya habang kumakain at magiliw na kinakausap ang tito ko na syang may-ari ng bakery.
"Wag kang mag-aalala padadalhan kita ng maraming chocolate chips every week." Nakangiting sabi ni tito sabay gulo sa buhok ni Save.
Every week
Napaisip ako bigla sa sinabing iyon ni tito. Ang every week na yun, hanggang kailan iyon magtatagal?
How I wish that every week would just last for a lifetime.
Araw-araw, we pretended that everything is normal. Na wala syang sakit na dinaramdam, na hindi sya nagigising tuwing hating-gabi dahil sa sobrang sakit na halos mag-paiyak sa kanya. We pretended that we are not seeing her sufferings because that's what she wants. For everyone to act normal around her.
Pero ano nga ba ang normal sa lahat? Ano nga ba ang normal sa sitwasyon na meron kami, sa sakit na nararamdaman namin? Ano ba ang normal doon?
Ngayon naiintindihan ko na kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nya. Putting up a smile when all that she wanted was to cry. Kasi kung nahihirapan kami sa sitwasyon ngayon, alam kong mas nahihirapan sya. Hindi ko man alam kung ano ang iniisip nya, alam kong nasasaktan at natatakot sya kung ano mang sasalubong sa amin pagdating ng bukas.
"Jovan!" Naputol ang iniisip ko nang bigla nya akong tawagin. Malapad ang kanyang mga ngiti.
Napatingin ako sa bagay na nakalahad sa harapan ko at napangiti. Isa iyong jar ng stick-o. Tinanggap ko naman iyon agad.
"Para san naman to?" Nagtataka kong tanong.
"Para sa lahat-lahat." She said shrugging saka ngumiting muli.
Napailing kong ginulo ang buhok nya saka kinuha ang kanyang kamay and intertwined it with mine. Napansin kong namula sya sa ginawa ko and I like it. I like that I have this kind of effect on her.
"Date tayo?" Aya ko sa kanya.
"Huh?" Halatang nagulat sya sa sinabi ko.
"Na skip ata natin yung dating part eh." Ngayon ako naman ang napa-shrug sabay kamot sa batok ko. Hindi ko alam pero minsan nahihiya parin ako sa tuwing pinapakita ko sa ibang tao kung ano talaga ang nararamdaman ko. Maybe because I'm afraid of being judged by others or the feelings may not be mutual.
Huminga muna ako ng malalim saka nakangiting bumaling sa kanya.
"So my little dwarf of a fiance, will you go on a date with me?"
Sumimangot muna sya dahil sa pangalan na tinawag ko sa kanya, pero pagkaraan ay ngumiti sya sakin saka nahihiyang tumango. Nagpaalam muna kami sa tito ko saka tuluyang umalis.
This time sa mall kami nagpunta. Maghapon kaming naglaro sa arcade at nang mapagod ay kumain sa isang pizza house saka naglaro ng bump cars. Nang mawalan na ng gana ay nag skating naman kami.
She was all smile throughout the day. Hindi ko man lang napansin na may iniinda syang sakit. Everything seems normal yet its one of those days that's worth to treasure for an entire lifetime. At masaya akong ako ang kasama nya sa araw na ito. Sana ganito nalang palagi.
Pero alam ko naman hanggang sana lang ang lahat. Ang galing kasi ni katotohanan, ang sakit lang manampal.
"That was fun!" Usal nya habang hinahabol ang hininga.
"Ikaw lang naman ang natuwa eh." Naningkit ang mata kong sabi. Sya lang naman talaga kasi ang natuwa kasi ako lang ang palaging taga salo sa kanya habang nag s-skating kami kanina.
"Sus! Deny ka pa dyan." Sabi pa nya sabay kurot sa tagiliran ko. Napangiti nalang ako. Kilalang kilala nya talaga ako. Kasi kahit hindi man ako matuwa sa kalokohan nya, makita lang syang masaya ay ok na.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ang pamamawis ng kanyang noo at mukha. Malamig naman dito sa loob kaya bakit sya namamawis?
"Ok ka lang ba?" Tanong ko lalo na nang palalim na nang palalim ang kanyang paghinga.
Napahawak sya sa kanyang dibdib saka paulit-ulit na huminga ng malalim.
"Save!" Tawag ko ulit sa pangalan nya, ngunit parang hindi na nya ako naririnig. Bumakas sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman.
Nagsimula nang maglapitan samin ang ibang taong nakakakita.
Mabilis ko syang kinarga sa aking mga bisig at nilakad takbo ang exit ng mall. Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang tuluyan na nyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Ito talaga ang rason kung bakit minsan ay natatakot akong maging sobrang masaya. Dahil pagkatapos ng saya ay papalit ang lungkot na katumbas ng sayang nararamdaman mo. Akala ko nga matatapos ang araw na to na masaya. But life is cruel. She never fails to stop you from getting suck- up inside your fantasies. She will always pull you back to reality no matter how painful that reality is.
Sa unang pagkakataon napahiling ako sa oras, na sana makisama sya. Kahit ngayon lang, please just another week, just another day, dahil hindi ko alam kung kaya ko na bang mawala sya.
Ayaw ko pang bumitaw...
BINABASA MO ANG
The Girl with the Saddest Smile
Teen Fiction//Completed// Every day Jovan struggles to find a reason to live. Until he got tired of finding one. He just wanted to end it all and let it vanish in oblivion. He wanted to die to escape the pain. But as he was just ready to just jump off a cliff a...