Chaptsr 15: Thank You
August 16, 2006
Jovan
Bussy ang lahat. Lakad dito lakad doon ang ginagawa ng mga tao.
"The trees should be put there."
"Yung mga tala nasabit na ba?"
"How about ang mga music naka arrange na ba?"
"Where's the director?"
"Handa na ba ang mga actors and actresses."
Ngayon na magaganap ang play na pinaghirapan naming gawin for almost an entire month. At dahil kami ang pinakamaswerteng section sa balat ng lupa, kami lang naman ang naatasan para sa mga props giving us the heavier work loads.
If only I have a choice ay baka nasa loob lang ako ng classroom at tinapos basahin ang huling book ng percy jackson the olympian series. But since this is my lucky day, I am stuck here making sure that everything is fine at walang props na kulang o nasa maling lugar.
"Don't give me that look Jovan. Masuwerte ka nga at hanggang utos ka lang eh. Paminsan-minsan lumabas ka rin sa lungga mo and face the real world dude." Kei said and tap me on the back as if that would lessen the irritation that I'm feeling.
Nagsimula nang magdatingan ang mga ang mga taong manonood sa play. Nakita ko rin ang mama ni Save na nasa pinakaunahang upuan na ipinareserve ko talaga para sa kanya. Nang makita nya ako ay agad nya akong nginitian kung kaya naman lumapit ako para magmano sa kanya.
"Kaawaan ka sana ng Diyos." Nakangiti nyang sabi and tap me on my head.
"Mama!" Tawag ni Save sa mama nya habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.
She was wearing a dress full of ruffles na syang costume ng character nyang si Leisl Von Trap. Ang The Sound of Music kasi ang napili nilang gawan ng play.
Agad syang yumakap na parang bata sa mama nya at napangiti na lang ako.
Bigla namang sumulpot si Kei na dala-dala ang mama at papa nya at ipinakilala ito sa amin. Kakilala ko na ang mama ni Kei na isang purong Filipina habang ang ama naman nya ay isang hapon kung kaya naman singkit sya.
Minsan nakakainggit din sila. Yung may pamilyang aattend tuwing may ginagawa kang school activity at susuportahan ka.
Proud na ipagsasabi sa iba na ang galing ng anak ko. Tap you on the head to tell you to keep up the good work.
Nakakainggit din pala minsan.
Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa listahan na nasa aking mga kamay para iwasang mapatingin sa kanila. And again, nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Yung feeling na kulang ka, na kulang ang pagkatao mo kasi wala ang mga taong mahalaga sa buhay mo. Kasi wala naman silang paki sayo.
"Jovan." I look at the person who called me. Nakangiti sya sakin katulad ng palagi myang ginagawa. Tumabi naman si Kei sa kanyan and they both look at me with a smile.
"We know that this is an invasion of privacy. But we have a surprise for you." Kei said and wink.
Inikot nila ako palingon sa entrance ng auditorium. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Gusto ko silang pagalitan pero lolokohin ko lang ang sarili ko kung magagagalit-galitan ako sa kanila. Kasi alam ko sa sarili ko na masaya ako na nandito sila, kahit hindi pa kami magkaayos, kahit na galit pa din ako sa kanila. Kasi eto lang naman ang gusto ko na kahit papano maramdaman ko man lang muli na anak nila ako, na mahalaga ako parin ako.
Napangiti ako nang makita ang recognition sa mga mata ng mama ko. May mga panahong nakikilala nya ako, ngunit mabibilang lang ang mga araw na yun. Nag-iwas ako ng tingin lalo na nang sabay silang makalapit sakin.
Kasama ni mama sina yaya Pering at tatay Mario na syang umaalalay sa kanya. Si papa naman ay hawak sa kamay si Janine, silang dalawa lang ang magkasama.
Nang makalapit si mama sakin ay agad nya akong niyakap na para bang ang tagal naming hindi nagkita.
"Namiss kita." She whispered. I didn't hug her back. I'm confused with my emotions.
Hindi naman iyon pinansin ni mama at nakangiti akong binitawan.
Kasi ina ko sya, kaya naiintindihan nya kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Ako lang naman siguro ang hindi nakakaintindi.
Napabaling naman ako sa papa ko. Ramdam ko ang awkwarness namin sa isat-isa lalo na at hindi pa namin natatapos ang gulo sa pagitan namin.
He let out a fake caugh.
"Hey son." Awkward nyang sabi. "I know this is not the right time to talk about you know... So I'm hoping that you would spare some of your time next weekend? Talk, patch things up?" I give him a nod.
"Hay naku maupo na nga tayo!" Untag ni yaya Pering na syang nagputol sa awkward naming usapan ng papa ko.
Nakita ko naman si Janine na kumportableng nakikipag-usap kay Save. Tumingin sakin si Save at ngumiti.
"Ok everyone we hate to leave pero kailangan dahil magsisimula na ang play." Untag ni Kei. "Please enjoy!" Pahabol pa nito.
Nagpaalam na kami sa kanila at sabay na naglakad papunta sa backstage. Umakbay naman sakin si Kei.
"So ok ba ang surprise namin?"
"Tch. Pano ba naging ok ang surprise nyo ha? Alam nyo namang hindi kami ayos diba? Tapos pinagsama nyo pa sila sa iisang lugar." Pagalit kong sabi.
"Sus! Denial King! Wag kami Jovan kilala ka namin. You were happy back there nakikita namin yun sa mga mata mo." Singit ni Save and gave me a playful smile. Ganon na siguro nila ako kakilala na kahit ang mga emosyon na tinatago-tago ko ay nababasa nila.
They see me, they see my pain, yet I am still oblivious about theirs kasi naka focus lang ako sa sarili ko. Maybe pagkatapos nito, I would try and look at them too, take care of them too. The way they did to me.
Tahimik na ulit kaming naglakad matapos nun. Minsan sa sobrang pagiging makasarili ko ay itinutulak ko ang mga tao palayo lalo na ang mga taong nagmamahal sakin. And not even once have I ever said those something because of gratitude.
May pagtataka nila akong tiningnan nang huminto ako sa paglalakad.
"May problema ba Jovan?" Kunot noong tanong ni Kei.
"Nothing. I just want to thank you guys, for the surprise. And thank you at hindi nyo ako sinukuan sa mga panahong ipinagtatabuyan ko kayo palayo."
Gulat silang tumingin sakin na para bang nakarinig sila ng trivia na ngayon palang nila nalaman. Nag-iwas ako ng tingin. Dapat talaga hindi nalang ako nagdrama.
"Damn! I should have brought a recorder! Nag thank you sya diba? Nag thank you sya?!" Exaggerated na sabi ni Kei Nag-init ang muka ko sa hiya. Nung tumingin naman ako kay Save ay nakangiti lang sya sakin.
"Ayeeeh he blushed Kei!"
"Bahala nga kayo!" Inis kong sabi to hide my embarassment.
"Uy teka lang! Di talaga ma biro" Habol nila sakin."Pero seryoso Jovan, wala lang yun samin. Yun naman ang ginagawa ng mga magkakaibigan diba? Nagtutulungan? Kaya wag na wag mong iisipin na nag-iisa ka dahil nandito lang kami para sayo at handang tumulong sayo." Tumango lang ako dahil naubusan na ata ako ng salitang masasabi sa kanila.
"Err nakakabakla talagang magdrama." Maya-maya'y usal nya na nagpatawa samin.
Joke lang ng joke si Kei habang kami naman ni Save ang taga tawa kahit minsan ang mais na ng mga joke nya.
Ang hindi ko lang alam na matapos ang saya ang lungkot ay kasunod pala.
"Manglilibre si Jovan mamaya!"
"Yipeee!"
BINABASA MO ANG
The Girl with the Saddest Smile
Teen Fiction//Completed// Every day Jovan struggles to find a reason to live. Until he got tired of finding one. He just wanted to end it all and let it vanish in oblivion. He wanted to die to escape the pain. But as he was just ready to just jump off a cliff a...