Chapter Seventeen: Mama

51 8 3
                                    

Chapter 17: Mama

August 17, 2006

Jovan

Yung feeling na akala mo ok na ang lahat sa buhay mo. Yung pakiramdam na masaya ka na, that everything is seemingly falling into places. Ok na sana. But then, malalaman mo biglang hindi pa pala.

What to feel?

"I was three years old nang malaman namin na meron akong acute lymphoblastic leukemia. I got into series of therapies, naging bahay ko ang hospital for several years." Nakayuko lamang ako habang nakikinig sa kanya.

Si Kei naman ay umalis matapos malaman kung anong sakit nya. Bigla nalang nag walkout ang isang yun ng walang paalam.

"Gumaling ako after five years of fighting it off. Akala ko yun na yun na finally mabubuhay na ako katulad ng isang normal na bata. Pero na diagnose ulit ako last year. They said na may nakikita na naman silang mga blast in my peripheral blood. They said I have to undergo another series of chemotherapy to kill it off. Hindi ako pumayag." I look up to her nang sabihin nya iyon.

May ngiti parin sa kanyang mga labi habang nagsasalita sya.

"Wala rin namang kwenta ang mga therapy na yun kasi nakikita ko sa mga mata nila na alam nilang hindi na ako bubuhayin ng mga sinasabi nilang gamot. Its just something they use to extend my life for another month or year, prolonging my agony." Kahit habang nagsasalita ay hindi nawala ang ngiti sa mga labi nya na para bang isang bedtime story ang ikinukwento nya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kuyom ang kamao kong tanong. "And why befriend me when you know how much I fear of being left alone? Why?!" Sigaw ko.

"Kasi gusto kitang tulungan." Malumanay nyang sabi saka tumingin sa papalubog na araw sa labas. "Nung araw na nasa gilid ka ng bangin alam ko kung anong gagawin mo kahit hindi ko pa binasa yung letter. I know because that's what I'm supposed to do too, to end my life, to end my suffering. Pero nauna ka na palang makapunta dun. At doon ko lang na realize na hindi lang ako nag-iisa, na may mga taong katulad ko na nahihirapan din, na napapagod ring mabuhay sa mundo. Yun ang dahilan kung bakit gusto kitang tulungan, at kung bakit ginusto ko ring mabuhay pa at sulitin ang mga natitira kong araw at buwan. To make a difference, to save a life before I face my own death." Pagrarason nya.

Nakakainis, nakakainis na makita na para bang tanggap na nya ang mangyayari sa kanya. Na kahit habang sinasabi ang mga bagay na yun ay hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nya.

"Sana hindi mo nalang yun ginawa. Sana hindi mo nalang ako kinaibigan kung iiwan mo rin lang naman ako katulad ng pag-iwan nila!!" Inis kong sigaw sa kanya.

Wala na akong pakealam kung mabulabog man nun ang buong hospital. Ang importante ay mailabas ko kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. The pain is unbearable. Yung pakiramdam na ang taong naging bahagi na ng iyong buhay, na naging rason ng iyong paghinga ay bigla-bigla nalang sasabihing iiwan ka rin nya. Para akong binagsakan ng bomba sa sobrang sakit.

"Kasi gusto ko." She answered yet she look uncertain with her own answer. Nakayuko lamang sya habang nagsasalita.

"Gusto mo? Yan ka naman lagi eh! Palagi nalang na nasusunod ang gusto mo! Hindi mo man lang ba naiisip na may masasaktan? Hindi mo man lang ba naiisip na sa ginagawa mo that someone has become so attached to you that knowing that you will leave will break him all over again! Sana sa simula palang ay sinabi mo na ang lahat! Para naman kahit papano naman ay mapaghandaan ko man lang ang sakit!!!" My chest tightened, a lump formed in my throat.

The Girl with the Saddest SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon