Chapter Four - Lost

87 12 9
                                    

Chapter 4: Lost

June 16, 2006

Jovan

"May gagawin ka ba bukas?"

Since its Friday, kinuha ko ang mga damit na hindi ko nakuha nitong nagdaang araw dahil sa medyo naging busy kami. Mahilig kasi akong mag store ng extrang damit just in case. Who knows what unexpected things might happen in a day, mas mabuti na 'yong handa.

"Wow grabe ang neat naman ng pagkaka-arrange ng locker mo. Kahit mga maduming damit ang neat ng pagkakatupi."

Isinilid ko na rin sa bag ko ang mga naka store doong libro na tapos ko ng basahin. By Monday papalitan ko na naman iyon ng mga panibagong libro.

"Hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko."

Padabog kong isinara ang locker ko which made her jump. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang sya. Tch nakakairita.

"Bakit ka ba nagtatanong ha! You've been pestering me the entire weekdays pati weekend ba naman hindi mo ako patatahimikin?" Iritable kong sabi. This girl is really getting into my nerves.

"Tinatanong ko lang naman eh. Baka magmukmok ka lang kase buong araw sa bahay nyo."

"And how do you know na gagawin ko yan."

"Yung mga libro ang patunay." Turo nya sa mga libro na ngayon ay nasa loob na ng aking bag.

Hindi ko na sya sinagot pa at umalis na. Gladly at hindi nya ako sinundan baka bigla kong maisipang isilid sya sa sako at ipatapon sa ilog. Ang liit pa naman nya. Kasyang kasya sya sa sako ng mais pag nagkataon.

Sakay ng aming sasakyan ay inihatid ako ng driver namin sa aming bahay. Simula nung malaman namin na may ibang babae na si papa ay hindi na sya kailanman umuwi pa sa pamamahay namin. Although sinusustentuhan nya naman kami at binibigay nya lahat ng gusto ko. Pero lahat ng mga perang ibinibigay nya ay kailanman hindi ko ginamit.

Hindi ko kailangan ang pera nya.

Galing rin sa isang sikat at mayamang pamilya si mama kung kaya financially ay kaya nya akong buhaying mag-isa. At dahil din dun kung kaya mainit sa mata ng media ang nangyaring hiwalayan nila.

Katulad ng dati, sa tuwing dumadating ako ay walang inang sumasalubong sakin.

"Maligayang pagdating iho. Kumusta ang school." Salubong sakin ni yaya Pering.

Sya ang taga-pamahala ng buong bahay namin at mahigit 30 taon na nya kaming pinagsisilbihan.

"It was fine." Sagot ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi.

Yaya Pering is like a second mother to me kaya malapit ang loob ko sa kanya. Matapos akong humalik sa kanyang pisngi ay nagpaalam na akong aakyat sa taas upang magbihis.

Ngunit bago yun ay dinaanan ko muna ang kwarto ng aking ina. Nag-alinlangan pa ako kung papasok ba ako o lalo na at hindi maganda ang naging kinalabasan ng aming pagkikita kahapon. Napabuntong hininga muna ako saka hinawakan ang knob ng pinto.

"Juaquin?"

Ipinikit ko na lamang ang aking mata saka napabuntong hininga bago nilingon ang aking Ina. Eto na naman kami. Nakasuot sya ng isang kulay blue na damit na umabot hanggang sa kanyang tuhod.

Umaliwalas agad ang kanyang muka nang makita ako at sabik na sabik akong niyakap.

"Bakit natagalan ka Juaquin? Kanina pa kita hinihintay, di ba sabi mo mamamasyal tayo ngayong dalawa? Magtatampo na sana ako kung hindi ka lang dumating."

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko habang yakap ako ng aking ina. My mom doesn't remember me. And today, she's seeing me as my father.

"Alam mo Juaquin, nagpunta kami ni mommy sa isang flower sanctuary kahapon. Napakaganda doon, I want our wedding to be held there." Magiliw na sabi ni mama habang nag d-dinner kaming dalawa.

Simula nung hiwalayan sya ni Papa ay ganyan nya sya. Its like bumalik sya sa panahon kung saan ang tanging ala-ala lamang ay masasaya. Sa mga panahong wala pang gulo at hindi pa kumplekado ang lahat.

"What do you think Juaquin?" Napatingala ako kay mama dahil sa naging tanong nya.

She was looking at me expecting me, no expecting my non-existent father na sumang-ayon sa kanya. Nakakapagod na ang laging ganito. Ako na lang palagi ang umiintindi, ako na lang palagi ang kailangang makinig at magpariya.

"Ayoko na," malamig kong sabi saka tumayo.

Pain was now evident in my mothers eyes. Inakala nya siguro na makikipaghiwalay sa kanya ang papa ko na nakikita nya sakin.

"Anong ibig mong sabihin sa ayoko na Juaquin? Ikakasal na tayo sa susunod na Linggo! Hindi mo na ba ako mahal?" Puno ng hinanakit na sabi ng mama ko na mas lalo lamang nagpagalit sakin.

"Ayoko na ma!" Sigaw ko sa kanya na mas lalong nagpagulo sa kanya.

"Hindi kita maintindihan." She yelled back at me sabay patak ng mga luha nya.

Mama ko sya, at ayokong makita na umiiyak sya. God knows how I want to punch my fathers face when he made my mother cry back then. Pero nakakapagod na lang na palaging ganito. Kung hindi ko to ilalabas ngayon, natatakot akong umabot sa puntong hindi ko na ito masabi sa kanya kahit kailan.

"Tama na ma! Nakakapagod na! Kailan mo ba maaalala na hindi ako si Papa! Ako to ma si Jovan ang kaisa-isa mong anak! Ayoko na ma nakakapagod nang intindihin ka. Palagi na lang tayong ganito, palagi na lang ibang tao ang nakikita mo sakin! Ma kahit isang beses lang—" Napatigil ako sandali at nagsusumamong tiningnan ang mama ko. "Tingnan mo naman ako bilang anak mo. Kasi ma unti-unti na akong nawawalan ng rason na manatili pa."

Nakatitig lang sakin si mama wearing a confused look in her face. Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na talagang pag-asa, kahit kailan hindi na babalik sakin ang mama ko.

___________

A/N

And here is Chapter 4! Hope you enjoy reading!

The Girl with the Saddest SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon