Chapter 5: Operation 101
June 19, 2006
Jovan
Tumingin ako sa ibaba ng School namin. Maingay ang mga tao sa ibaba at kadalasan sa kanila ay nagkukumpulan at nagtatawanan.
Hindi naman ako isang loner, at sa totoo lang isa ako sa pinakasikat na tao sa school namin. I have a lot of friends pero simula nang mangyari iyon sa pamilya namin, lahat sila nawala ng parang bula. Lahat sila tinalikuran ako sa panahong mas kailangan ko sila.
With all the the crazy thoughts in my mind, it's so tempting to Jump.
"Ang hilig mo talaga sa matataas na lugar no?" Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ang nagsasalita.
Sa isang linggong pamemeste nya sa buhay ko ay halos saulo ko na ang tinig nya at alam na alam ko na ang pakiramdam ng presensya nya. Presensyang unano.
"Ayan di na naman namansin," she said at tumabi sakin at tumingin rin sa malawak na lawn sa ibaba.
As much as possible ay ayaw ko syang kausapin dahil tyak na iinit lang ang ulo ko. Baka ihulog ko sya dito ang liit pa naman nya.
"Hoy Alien!"
Masama ko syang tinitigan.
"What did you just call me?"
"Alien! Ang ugali mo kasi hindi pang tao kaya Alien ka." I narrowed my eyes on her. "Wala naman kasing tao na nanakit ng kaawa-awa at walang kamuwang-muwang na bata. Tsaka ang weird mo din kasi ang ilap mo sa mga tao, para kang galing sa ibang planeta at ngayon lang tumapak sa Earth."
Hindi ko na lamang sya pinansin at tumitig na lamang ulit sa baba. Ako lang ang talo kung papatulan ko pa sya.
Akala ko ay magsasalita pa sya kaya nagulat ako nang tahimik lang syang dumungaw sa ibaba. Hindi naman awkward ang katahimikang namamagitan saming dalawa. Its actually refreshing. Sa wakas makakapag-isip ako ng tahimik.
Bumalik na naman ang mga isipin ko kanina and again I'm tempted to just end it all here and then. Kung wala lang siguro akong kasama ay baka kanina pa ako tumalon.
Pero kung tutuusin ay hindi naman nya ako kayang pigilan. Sa liit nya hindi nya magagawang patigilin ang pagtalon ko. Pero bakit natatakot ako bigla sa magiging reaksyon nya?
No! Mali. Imposibleng matakot ako sa reaksyon ng isang babaeng isang linggo ng ginugulo ang buhay ko. Not to mention na bago ko pa lamang syang nakilala.
"Gusto kong tumalon."
Natigilan ako nang bigla syang magsalita. Nakatingin pa rin sya sa ibaba at seryosong nakatanaw doon.
"Napapagod na ako, walang nagmamahal sakin, walang nakikinig. Palagi kong sinasabi na ok ako pero hindi, na masaya ako pero ang totoo nadudurog ang puso ko." kinunutan ko sya ng noo.
Hind ko sukat akalain na ang isang maingay at magulong maliit na babaeng katulad nya ay ganyan pala ang iniisip at pinagdadaanan.
"Ang kaso lang, naalala ko ang mama ko. Hindi nya kakayanin pag nawala ako. Tyak iiyak sya palagi at sisisihin ang sarili sa nangyari. At ayaw kong magkaganon sya kasi mahal na mahal ko si mama."
"Pero hindi naman ako kilala ng mama ko," nasabi ko sa sarili ko.
Kahit mukang pareho kaming may pinagdadaanan ay mas masuwerte pa rin sya, kasi may rason sya para mabuhay ngunit ako ay wala na. Kasi wala nang nagmamahal sakin, walang nagpapahalaga.
"Kaya naman pinipilit kong mabuhay, gagawin ko ang lahat para mabuhay ng kahit karagdagang isang taon, isang buwan, isang linggo, isang araw, isang oras, isang minuto, o kahit isang segundo na lang. And I would treasure those moments like my whole life depends on it." Nakangiti nyang sabi saka tumitig sakin contentment visible in her eyes. "Ikaw anong rason mo para mabuhay?"
I was taken aback by her question. Kakasabi ko lang na wala na akong rason para mabuhay and here she is asking me all about my reasons to live. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Na wala ng saysay ang buhay ko kasi wala nang natitirang taong may pakealam sakin?
"You see mas masuwerte ka pa sakin kaya dapat mas may rason ka para mabuhay." She said and pout. I scoofed
"And how can you say that I am luckier?"
"You are luckier in ways that you don't know. Kaya dapat hindi mo inaaksayahan ang buhay mo at wag kang nagmumokmok lang sa isang sulok at wag kang mag s-self pity." Sabi nya sakin na para bang close kami at kilalang kilala nya ang ugali ko sabay batok. Hinawakan ko ang nasaktan kong batok at sinamaan sya ng tingin. Namimihasa na ata ang babaeng to. Masuwerte sya at nakayuko ako kaya naabot nya yung batok ko.
"Ang liit-liit mo nga pero ang lakas-lakas mong mambatok."
"Hmmp atleast cute ako." Pinigilan kong matawa nang magpacute sya sakin at ang walangya nag beautiful eyes pa.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin para pigilan ang tawa ko.
"I guess operation gawing tao si Jovan 101 worked. Maaliwalas na ng konte ang mukha mo! Yipeee."
Nagpatalon-talon sya sa kanyang kinatatayuan tapos nagpaikot ikot sa itaas ng rooftop. Kung hindi ko pa sya napigilan ay balak pa sana nyang ipagsigawan ang naging development ko kuno. Tch baliw talaga ano bang meron sa pag-aliwalas ng muka ko? At tsaka maaliwalas naman talaga ang muka ko kasi gwapo ako.
Pero sa totoo lang isa lang naman ang pinagsisihan ko sa mga oras na yun. I should have paid more attention to everything that she told me. Eh di sana mas na sulit ko ang panahong magkasama kami.
BINABASA MO ANG
The Girl with the Saddest Smile
Ficção Adolescente//Completed// Every day Jovan struggles to find a reason to live. Until he got tired of finding one. He just wanted to end it all and let it vanish in oblivion. He wanted to die to escape the pain. But as he was just ready to just jump off a cliff a...