Chapter 12: Warrior
July 17, 2006
Jovan
Sumilip ako sa loob ng classroom saka malalim na napabuntong hininga. Pang limang araw na ngayon na hindi pumasok si Save. Noong nakaraang Lunes ko pa sya huling nakita.
Tinawagan ko ang numero nya na palagi nyang ginagamit para bulabugin ang gabi ko pero out of coverage iyon. Gusto ko sana syang puntahan sa bahay nila pero baka isipin pa nun na espesyal sya. Baliw pa naman yun.
Pero hindi nga ba sya espesyal?
Napailing-iling ako sa naisip at muling napabuntong hininga. San kaya nagpunta ang babaeng yun at bigla na lang nawala.
"Hindi pa rin ba pumapasok si Kuting?" Hindi na ako nagulat pa sa biglang pagsulpot ni Kei. Nasanay na siguro ulit ako sa ala ghost skill nya.
"Sino si Kuting?" Kunot noo kong tanong.
"Pffft. Si Save yun. Naalala ko kasi palagi yung kuting sa bahay naman pag nakikita ko sya."
Tumango lamang ako at pumasok sa loob ng classroom. Bigla na lang nagbago ang mood ko at parang gusto ko na lang biglang manuntok. I don't know if it is because I'm worried or dahil iyon sa sinabi ni Kei kanina. At may endearment pa talaga sya sa pandak na yun Tch. Nakakairita.
I was being cranky the entire day. Parang gusto kong bulyawan lahat ng taong nakakasalubong ko. May nakabunggo nga sakin kanina at ayun nabulyawan ko nga. Si Kei pa ang nanghingi ng dispensa sa ginawa ko lalo na nung umiyak ang babae.
"Seriously dude, nababaliw ka na talaga. Kung umasta ka daig mo pa ang mommy ko nung nag memenopause sya." Naiiling na naupo sa tabi ko si Kei.
He hand me a soda as we watch the basketball players practice at the court. Tinanggap ko iyon mula sa kanya at tinungga ang laman.
Tahimik lamang kaming nanood sa mga naglalaro with soda on hand.
"Kung nag-aalala ka sa kanya puntahan mo sa bahay nila hindi yang sa ibang tao ka magt-tanrums"
Hindi ako sumagot. He knows me so well. But no, hindi ko muna sya pupuntahan sa bahay nila sa ngayon. Pero kung bukas ay wala pa talaga sya then I think it would be best to check on her. Nakakairita talaga ang babaeng yun.
Please Save stop making me worry.
***
July 18, 2006Kinabukasan I expected na wala pa rin sya. Pero kakaparada ko palang ng sasakyan ko ay ang nakangiti nyang muka agad ang sumalubong sakin.
"Jovan!!" Tawag nya sakin.
Gusto sana syang tanungin kung saan sya nagpunta, kung ba't ngayon lang sya at kung bakit di nya sinasagot ang mga tawag ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko at binigyan sya ng isang malamig na titig.
"Sana hindi ka na lang ulit pumasok." Sarcastic kong sabi.
"Aysus! Kung maka-asta parang hindi nya man lang ako namiss."
"Tch. Ano bang nakakamiss sa pagmumuka mo?"
"Ewan ko rin. Basta ang alam ko namiss mo ako." Ngiting aso nyang sabi.
" And who told you that." I coldly said saka naglakad patungo sa main building.
Naglakad naman sya sa tabi ko habang nakakawit ang kamay sa aking braso. Ang clingy talaga. Parang bata.
BINABASA MO ANG
The Girl with the Saddest Smile
Teen Fiction//Completed// Every day Jovan struggles to find a reason to live. Until he got tired of finding one. He just wanted to end it all and let it vanish in oblivion. He wanted to die to escape the pain. But as he was just ready to just jump off a cliff a...