Chapter Six: Dumbfounded

72 8 5
                                    

A/N
Since hindi pala nawala ang inakala kong nabura kong mga drafts here's chapter Six!
Enjoy reading!

_________________

Chapter 6: Dumbfounded

"One must walk carefully, holding the head high, but not so high that pitfalls cannot be seen, and not so low as to lose sight of the sky."

-Tom Robertson

____________________

June 22, 2006

Jovan

As usual tahimik ang buong kabahayan habang kumakain akong mag-isa sa dining room ng aming tahanan. Masyadong nakakabingi ang ingay, pero nasanay na rin ako. This house has been this quite simula nung magkagulo ang noon ay inakala kong isang masayang pamilya.

Ibinaba ko ang mga kubyertos sa mesa. Isipin lamang ang mga panahon na iyon ay nawawalan na ako ng gana.

"Tapos ka ng kumain Jovan?" I stood stiff for a minute.

Hindi ko alam kung naramdaman ba ni yaya Pering ang pagkagulat ko nang tawagin nya ang aking pangalan. Hindi na lang siguro ako nasanay na bigla-biglang tinatawag ang pangalan ko sa loob ng bahay namin lalo na at hindi naman ako na-aalala ni mama.

Pinalis ko na lamang iyon sa aking isipan at naglakad palabas ng kumedor. I found two of our maids cleaning the living room and they both turned to me and greeted me good morning bago bumalik sa mga trabaho nila. Balak ko sanang itanong sa kanila kung ano ba ang maganda sa umaga but that would probably be rude and I have a huge respect for them.

"Arthur papasok ka na ba." Tumingin ako kay mama nang makita ko syang bumaba ng hagdanan.

Nakita ko ring natigilan ang mga katulong dahil sa pangalang itinawag ng mama ko sa'kin. Hindi lingid sa kaalaman nila ang sakit ng mama ko, they've been here since my birth afterall. At isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit nandito sila ngayon. As much as possible ay ayaw kong mag hire ng mga bagong katulong dahil ayaw kong makarinig ng tsismis tungkol sa mama ko.

But they are an exception. Alam nila ang pinagdaanan naming mag-ina and I know that I can trust them.

"Naku! Baka may nililigawan ka na sa school kambal ha! Ipakilala mo naman sya sa'kin pag nagkataon," paglalambing ng mama ko sakin but I just stood still.

Nakakatawang isipin na nilalambing nga ako ng mama ko pero ibang tao naman ang nakikita nya sa'kin. I gritted my teeth at the thought. Tinanggal ko ang kamay nyang nakakapit sa braso ko. My mother gave me a questioning look and I tried my best to stop myself from yelling at her again.

"Papasok na ako," malamig kong sabi at iniwan syang nakatayo sa sala.



Nakatanaw lamang ako sa labas ng sasakyan habang hinahatid ako papuntang eskwelahan. Sure thing I can drive, pero wala ako sa mood mag-drive nitong mga nakaraang araw. It seems to me na lagi na lang akong wala sa mood na gawin ang mga bagay-bagay. Everything seems to be boring me.

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang makitang may kumakatok sa bintana ng Van.

"Sir nandito na po tayo." Tinanguan ko lamang ang driver namin at napa frown sa taong kumakatok sa bintana. Nang makita nakatingin ako sa kanya ay enthusiastic syang nag wave sa'kin.

Umibis ako mula sa sasakyan at agad nya akong kinawayan right in front of my face na nagpairita sa'kin. Wala talagang araw na hindi nya ako nagagawang pikunin.

"Will you stop that. Kanina ka pa kaway ng kaway habang nasa loob ako ng Van," saway ko sa kanya.

"Tch kahit kailan talaga ang sungit mong Alien ka," naka-pout nyang sabi na mas lalo nagpabuwesit sakin.

Bakit ba ang hilig nyang mag pout? Nakakairitang tingnan ang muka nya.

Nagpatiuna akong maglakad sa kanya and as usual, lakad takbo ang ginawa nya para makahabol. Mula sa kinaroroonan ko ay dinig ko na naman ang pagrereklamo nya. But I didn't slow down to wait for her, curse being a gentleman, wala akong pake. Hindi ko naman kasi sinabing habulin nya ako o makipagkaibigan sya sakin. Sa simula pa lang, kagustuhan nya yan kaya magdusa sya.

"Jovan?" Para akong natulos sa aking kinatatayuan nang makita ang lalakeng nasa harapan ko. "Oh men ikaw nga!" Masaya nitong bati sakin and gave me a brotherly hug then punch me on the chest afterwards.

"Its been six years dude! Bigla-bigla ka na lang nawala ng hindi nagpapa-alam sa'min. Tapos hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag namin and then suddenly hindi ka na talaga namin matawagan. What happened dude?"

I was surprised na makita sya dito and I'm even more surprised sa pagtatanong nya tungkol sa kalagayan ko. For all I know ay katulad din sya sa kanila, they would ask me how I was and then walk around pitying me like that's what I needed.

"Ugh! Minsan talaga ang sarap mong putulan ng paa Alien ka! Hindi porket maliliit ang legs ko ay gaganitohin mo na lang ako! Tch guess I have to put this on the list of things that we'll have to improve in you." At isa pa ang makulit na to. Hindi ko alam na naabutan na pala nya ako.

"Hoy ba't di ka nakasagot dyan. Ano mas lalo na ba akong gumwapo na pati ikaw nahumaling na rin sakin?" Bumaling ulit ako sa lalakeng nasa harapan ko and gave him a cold stare.

"Kung ano mang nangyayari sa buhay ko ay wala ka na doon," malamig kong turan saka sya nilampasan.

Akala susunod agad sakin si Save kaya natigilan ako nang makita syang nakikipag-usap kay Kei.

"Kaibigan ka ba ni Jovan?" Dinig kong tanong nya.

I expected him to say no. Lahat tumatangi sa tuwing tinatanong kung kaibigan ko ba sila. Ayaw nilang masangkot sa kahihiyan ng pamilya namin kung kaya nagulat ako ng tumango s'ya.

"Nakakatuwang marinig na may kaibigan pala s'ya kahit papano. Sana pag pasensyahan mo na ang ugali ng Alien na yun may Pms eh." My eyes narrowed at her.

"Save!" Tawag ko sa kanya at agad naman syang nagpaalam sa dati kong kaibigan at tumakbo papunta sakin. Hindi ko rin alam kung bakit ko sya tinawag siguro dahil sa nakakainis nyang kadaldalan baka kung ano na naman ang sabihin nya doon.

Nang makitang sumunod sya sakin ay nauna na akong maglakad. But then natigilan ako nang maramdamang may humawak sa braso ko. I look down at her pero ngumiti lang sya saka ipinulupot doon ang kamay nya.

Ano na naman kaya ang nakain nito at bigla-bigla na lang naging clingy? Gusto ko sana syang itulak pero baka lumipad pa sya patungong Mars sa sobrang gaan nya.

Naglakad na lamang kami ulit pero dahil nakakapit sya sa braso ko ay kailangan kong bagalan ang paglalakad ko. And Save wouldn't be Save kung hindi sya gagawa ng isang bagay na ikakapikon ko. Habit na nga nya sigurong pikunin ako eh.

Hinawakan nya lang naman ang baba ko at marahang hinila pababa. Inis akong lumingon sa kanya dahil sa ginawa nya pero nginitian na nya naman ako.

"Wag kang masyadong tumingala habang naglalakad, baka hindi mo na makikita ang dinadaanan mo. At wag ka ring masyadong yumuko habang naglalakad, baka hindi mo na makita kung gaano kaganda ang paligid ng lugar na dinadaanan mo."

Magiliw nya akong hinila papunta sa classroom namin matapos nyang sabihin yun. And then again I was left speechless because of what she said.

Napatitig na lamang ako sa kanya. Hindi ko mawari kung saan nakuha ng isang babaeng palangiting katulad nya ang mga ganoong salita. Baliw talaga sya kahit kailan at natatakot akong baka bigla na lang din akong mabaliw sa kanya.

_________________

The Girl with the Saddest SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon